Chapter 11

67 13 0
                                    

Date

Pearl's Pov

"Tatay sino po sya?" tanong ng bata kay Achi. He's somewhere familiar to me.

"Ah siya si ate Pearl,bisita ng tatay Achi mo" si ate Rosie na ang sumagot sa bata dahil wala ata itong balak sagutin ang bata.

"Ah ako po si Miguel" sabi nito sa akin tsaka ngumiti.

"Ahm... Ate Pearl" sabi ko at ngumiti sa kanya.

"He's not my son but Im treating him" nagitla naman ako kay Achi ng nag salita ito. Aw... Sayang akala ko pa naman anak nya.

"Ah okay, tara kain na po tayo" yaya ko sa mga kasama namin. Nag umpisa na kaming kumain at napansin ko na magana silang lahat kumakain. Simple lang ang buhay nila rito pero makikita mo ang kasiyahan sa mga mukha nila.

"Ate Pearl paabot po ng tuyo" inabot ko kay Miguel yung tuyo.

Matapos naming kumain ay nagpahinga lang muna yung mga kasama namin at tsaka nagpatuloy sa ginagawa nilang pag tatanim.

Matapos namin ayusin yung mga pinag kainan ay bumalik na kami sa mansyon. Sinasama na namin si Miguel pero dito daw muna sya kasama ay tatay Achi nya. Hinabilinan na lang namin sya na wag masyadong lalayo.

Nang makarating kami sa mansyon ay tsaka dumating sila Jake at Jackie.

"Wah buti dumating na kayo, inaantay ko pa naman kayo kagabi" sabi ko sa kanila. Ngumiti lang sakin si Jake habang si Jackie ay hinila ako sa garden.

"Oh bakit mo naman ako hinila?" tanong ko sa kaniya.

"Ih... You know gusto ko kasing ipakita sayo yung tree house na ginawa namin dati" conyong sabi nito at tinuro ang tree house nila. Wah... Ang ganda...

Umakyat kami sa taas. Maganda rin sya sa loob at kasyang kasya kami, kasya pa nga ata ang dalawang tao eh.

"San ba kayo nanggaling? Akala ko ba bibisitahin nyo lang si tiyang Merly nyo?" Tanong ko sa kaniya, dahil inumaga na sila.

"Hindi na kami pinauwi ni tiya Merly dahil na miss nya raw kaming alagaan noon" sabi nito sa akin.

Nag kwentuhan pa kami nang nag kwentuhan hanggang sa napag usapan namin yung tungkol sa amin ni Achi.

"Seryoso ka ba talaga na ayaw mong makasal sa pinsan ko" sabi nito sa akin kaya natigilan ako.

"Hindi naman sa ayaw ko pero hindi pa kasi ako handa, alam mo na bata pa ako kaka 18 ko pa lang tapos nalaman ko na ipapakasal pala ako ng mga magulang ko" sabi ko sa kanya.

"Right miski siguro sa akin mangyari yan baka lumayas rin ako eh kaso paano yan tumakas ka nga nandito naman yung cousin ko" sabi nito sa akin.

"Yeah kaya nga naisip ko na,paano kaya kung gumawa ako ng paraan para hindi matuloy yung kasal. Nangangamba pa rin kasi ako, paano kapag bumalik na ako sa amin, edi tuloy na ang kasal. Kaya naisip ko, what if i blind date ko si Achi sa mga babae dito" mahabang sabi ko na kinatawa nya.

"Seriously sa tagal namin dito sa province ni minsan wala pang ibang napansin na babae yang si Achi maliban lang kay Ate Shane" sabi niya kaya bigla akong napa isip.

"Huh...wala namang masamang subukan ah" sabi ko sa kanya.

"If kay ate Shane pa sure kaso malabo" sabi niya kaya nag taka ako.

"Paano mo naman nasabing malabo?" tanong ko sa kaniya.

"Basta malabo, Fine if gusto mong ireto yung cousin ko sa mga magagandang babae dito. Im going to help na" Yes.... may tutulong na sakin. Achi humanda ka...

My Fiancé is not a Good Boy [ Completed ]Where stories live. Discover now