Chapter 24

53 9 0
                                    

Almost a Perfect Night

Pearl's Pov

Nagising ako ng may marinig akong parang nag uusap.

"Sino bang nag sabi sa inyo na pumunta kayong mall" narinig kong inis na sabi ni Achilles.

"Hindi naman kasi namin alam na mangyayari yon" sabi ni Ash rito. Nag mulat na ako ng mata at bumungad sakin ang puting kisame nitong kwarto dito sa hospital.

"Look, Im sorry nag alala lang talaga ako sa inyo, paano kung hindi kami dumating don edi napahamak pa kayo?" mahinahong ng sabi ni Achi rito. Naiintindihan ko naman siya dahil miski ako ay natakot din sa kamuntikang mangyari kanina.

"Ugh..." ungol ko ng makaramdam ng sakit ng ulo.

"Your awake!Thanks god" concern na sabi ni Achi na kina ngiti ko. Halatang halata ko kasi na concern sya.

"Anong nangyari?" tanong ko rito dahil ang huling natatandaan ko bago ako mahimatay ay sinalo ako nung lalaking masama ang tingin kay Ash, na sya ring dahilan kung bakit ako nahimatay. Tsk..

"Ayun dapat pati ako papatulugin na rin nila, mabuti na lang at dumating sila kuya para iligtas tayo" sabi ni Ash na tinanguan ko.

"Nasan na daw yung mga lalaking nag taka kumidnap satin?" tanong ko kay Ash.

"Well nasa kamay na sila ng mga pulisya at ini- imbestigahan na nila yung motibo nila" sabi ni Ash. Bumaling naman ako kay Achi na kanina pa tahimik. Gusto kong mag pasalamat sa kanya kung hindi dahil sa kanya baka napahamak na kami ni Ashley.

"Salamat" sincere na sabi ko rito. Nakita kong lihim syang ngumiti.

"Your welcome, isa pa hindi lang naman ako ang tumulong sa inyo pati na rin si Dale" sabi nito sa akin. Hinanap ko naman kung nandito rin ba si Kuya Dale pero nag taka ako ng hindi ko ito makita. Mag tatanong pa lang sana ako ng sumagot na si Ashley.

"Ahm.. Umalis na kanina si Dale may aasikasuhin pa raw sya. Si tita naman tinawagan na namin kanina at papunta na daw sila" sabi sakin ni Ash.

Maya maya ay dumating na nga sina mommy at kasama nito si Athena.

"Baby are you okay?" tanong sa akin ni mommy pag karating nila, niyakap ako nito at ganun din ang ginawa ni Athena.

"Okay na po siya tita sabi ng doctor ay makakalabas na rin po sya mamaya, kailangan nya lang daw po na mag pahingang mabuti. Mabuti din po at walang gaanong naging epekto yung gamot na nalanghap ni Pearl" sabi ni Achi kay mommy, tumabi naman sakin si Athena. Napansin ko na hindi kasama nina mommy si daddy at kuya.

"Nasan sila daddy at kuya?" tanong ko kay mommy, hinihimas ko rin ang buhok ni Athena dahil mukhang inaantok na ito.

"Ang daddy mo may business meeting ngayon at ang kuya mo naman ay may pupuntahan daw sa probinsya, ewan ko ba sa kuya mo, lately napapansin ko na parang may gumugulo sa kanya" nababahalang sabi ni mommy, napapansin ko nga rin yon, parang lagi busy si kuya katulad na lang nung isang araw. Tinatawagan ko sya dahil umiiyak si Athena, gabi na at wala pa siya kaya nag aalala na yung bata pero nung natawagan ko siya sabi niya may inaasikaso lang siya.

~~~~~~

"Ano ba yan wag nyo na po yang pagandahin natural ng maganda yan" bola ni Ash sakin na kinatawa ko. Kasalukuyan kasi ako ngayong inaayusan dahil ngayon na ang engagement party namin ni Achilles. Ilang linggo na rin nung may nag tangka samin, na hanggang ngayon ay hindi pa rin namin malaman kung anong dahilan nila.

"Selfie tayo Pearl" sabi sakin ni Ash at inaya akong mag picture, tumabi sya sakin kaya ngumiti ako sa harap ng cellphone nya.

Nang matapos na akong ayusan ay bumaba na kami ni Ash, doon ay sinalubong kami ni Kuya kasama si Athena.

My Fiancé is not a Good Boy [ Completed ]Where stories live. Discover now