Chapter 42

45 9 0
                                    

The Confrontation

Pearl's Pov

"Pearl" bulong niya na narinig ko.

Lumapit ako sa kanya at hindi ko napigilan ang sarili ko, nasampal ko siya.

"Tell me the truth Achilles, alam mo ba na anak mo si Alex o hindi?" seryoso kong tanong sa kaniya. Hindi ko na napigilan at tuluyan ng tumulo ang luha ko kahit na wala pa siyang sinasabi. Just thinking na matagal na niyang alam na anak niya si Alex ay sobrang sakit para sakin. Tahimik lang siya at nakatingin lang sa akin.

"Please, please Achilles kahit ngayon lang tapatin mo ako, all this time natatakot ako kung sinong ama ni Alex, pero ikaw? Ikaw na lubos na nakakakilala sakin? Paano mo nagawa lahat ng ito?" tanong ko sa kaniya.

"Because I love you" sabi nito na kinatahimik. Anong ibig nyang sabihin? Mahal nya ako kaya nya nagawa ang lahat ng yon? Bakit?

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kaniya at gusto ko pa sanang mag tanong nang mag tanong sa kaniya pero hindi ko na kaya. Masyado ng masakit para sakin ang malaman na siya lang pala ang ama ng anak ko, all this time na nag iisip ako kung sino, sya lang pala.

"Oo ako ang ama ni Alex at matagal ko nang alam. Pero siguro nga sobra lang kitang mahal kaya nagawa ko ang lahat ng yon." sabi niya sa akin.

"Bakit hindi mo sinabi? Tapatin mo nga ako. Ano ba talagang nangyari noong araw na yon Achilles?" desperadang tanong ko sa kanya dahil litong lito na talaga ako.

"Nung araw na may nangyari satin, balak ko lang masilayan ko at hindi ko inakala na lasing ka noon" panimula niya at hindi pa man siya nakakapag simula ay parang nag iinit na ang ulo ko.

"Anong ibig mong sabihin? Na pinag-samantalahan mo ang kalasingan ko noong araw na yon?" sigaw ko sa kanya.

"Hindi ganun yun Pearl" sabi niya sa kalmadong tono.

"Kung ganon ano? Ano bang nangyari noong nalasing ako ng araw na yon" inis na sabi ko sa kanya. Wala na akong pakielam kahit nandyan sina doctora ang mahalaga ay malaman ko ang mga nangyari noon.

"Lasing na lasing ka noon at hinatid kita aa condo mo. Aalis na sana ako ng banggitin mo ang pangalan ko then don nag simula ang lahat. Fine kasalanan ko dahil naka inom din ako nang araw na yon" sabi niya sa akin. Nabigla pa ako ng yakapin niya ako.

"I'm sorry for everything I've done to you, but I promise hindi ko ginusto na masaktan ka sa mga nagawa ko" bulong niya at pilit akong pinapakalma.

Lumayo ako sa kanya at bumaling kina doctora.

"I'm sorry doctora Kathniss" sabi ko kay Doc ng mahimasmasan ako.

"No it's okay, oh siya una na ako at may trabaho ko." sabi nito at tuluyan ng umalis.

Nang maka alis si Doctora ay tsaka ako bumaling kay Eliot. Tumingin din siya sa akin at inabot sakin ang DNA result na tinignan niya kanina. Tinanggap ko ito at binigay ito kay Achilles.

"What's the meaning of this?" tanong nya sa akin.

"Remember the girl I'm with that time na nakita mo ko? Nameet ko siya last time and na kwento niya na naalala nya daw yung lalaking naka sama ko noon. He said I'm with Leonel that time kaya nag ka idea ako na baka ikaw ang ama ni Alex. And right tama nga ako ikaw nga ang ama ni Alex" kwento ko sa kaniya.

"You mean Blia?" tanong nya at tumango ako.

"Bro!" tawag ni Eliot kay Achi.

"Protect your family and make them happy. Bumawi ka sa mga taong hindi mo sila nakasama." sabi nito kay Achilles na nginitian nito.

My Fiancé is not a Good Boy [ Completed ]Where stories live. Discover now