Chapter 37

46 7 0
                                    

Daddy Tilles

Pearl's Pov

"Mommy bat wala po atong daddy?" nagitla naman ako sa tanong ng anak ko. Nandito kasi kami sa park.

"No baby, that's not true" sabi ko rito. Tumingin sya sa kabilang parte ng park kaya tumingin din ako doon. May isang batang babae na nag lalaro sa swing habang dinuduyan ng daddy nya at ang mommy nito ay abala sa pag vivideo. Nalungkot agad ako ng makita ko sa mga mata ng anak ko ang inggit.

"Mommy di po bako love ni Daddy?" naiiyak na sabi nito kaya niyakap ko ito kaagad.

Bilang isang ina ay masakit na makita mo ang anak mo na may hinahanap hanap na kalinga mula sa isang ama. Kung siguro natatandaan ko kung ano bang nangyari noon at kung sinong kasama ko ay.... Kaso wala, hindi ko talaga matandaan kung sino. Kaya kahit gustuhin ko man ay wala akong magawa.

"No love na love ka ni daddy but habang wala pa sya, pwede bang si mommy muna ang mag aaalaga sayo? I can be mommy and at the same time your daddy, is that's okay?" tanong ko rito na tinanguan niya.

"Yes mommy, tara po swing tayo" yaya nito at hinatak ako papuntang swing. Inupo ko naman sya doon dahil hindi nya pa abot tsaka ko siya dinuyan ng mahina.

Ilang oras din kaming nag stay sa park bago ito nag ayang uuwi na.

Nang maka uwi kami ay mukhang inaantok na ang anak ko.

Inakyat ko na siya sa taas. Nang bumaba ako ay nagulat ako nang makita ko si Achilles.

"Anong ginagawa mo dito?" nag tatakang tanong ko rito.

"Ahm.. May dinaanan ako dito malapit lang so I dicided to pay you a visit" sabi nito at bumalik sa pag kakaupo sa sofa.

Tumingin ako kay manang at nakita ko na ngiting ngiti ito habang naka tingin samin ni Achi. I sighed...

"Ano namang gagawin mo dito" tanong ko kay Achi at tumabi sa kanya.

"Well I want to visit Alex" simpleng sabi nito at umakbay pa sakin. Naiinis naman na binaba ko ang kamay nya at sinamaan sya ng tingin.

"Just kidding, well I promise to Alex na ipapasyal ko sya one of this day and since free naman ako ngayon, pwede ko ba siyang mahiram?" tanong sa akin. Tatanggi sana ako since natutulog na anak ko ng marinig ko ang sigaw nito.

"Tito tilles!" masiglang sigaw ni Alex at nag tatatakbo pang lumapit dito.

"Hey baka madapa ka" sabi nito at kinalong ang anak ko.

"Batit ngayon lang po tayo?" tanong nito at pinag laruan pa ang suot na relo ni Achilles. Susuwayin ko sana ito kaso ay pinigilan ako ni Achi at sinabing okay lang.

"San po tayo pupunta?" excited na tanong ng anak ko.

Tumingin sakin si Achi na parang nag papaalam kaya tumango na lang ako.

"Okay aayusin ko lang yung gagamitin mong extra damit at sigurado akong pag papawisan ka agad" sabi ko at tatayo na sana na hatakin ni Alex ang kamay ko.

"Mommy tama ka din po" sabi nito at nag puppy eye pa kaya tumingin ako kay Achilles.

"No baby kayo na lang ng tito Achilles mo okay" sabi ko at aalis na sana ng biglang mag iiyak ang anak ko.

"No gusto ko po tama ka para po Family tayo" umiiyak pa rin ito kaya kinuha ko ito kay Achi at binuhat.

"Fine stop crying na baby sasama na si mommy okay" sabi ko at mabuti na lang ay tumahan naman ito. Tumingin ako kay manang at nang hingi ng tulong na sya na lang ang mag ayos ng mga gamit ni Alex.

My Fiancé is not a Good Boy [ Completed ]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora