Chapter 23

97 9 0
                                    

Savior

Pearl's Pov

"Wow ang ganda mo talaga" puring puring sabi sakin ni Ash habang nag susukat ako ng gown. Mabuti nga at ayos na siya, hindi kagaya ng nangyari noong last time na nag gala namin. Hindi ko na rin siya tinanong tungkol don sa nangyari since nakalipas na rin naman yon.

Nandito kami ngayon sa boutique ni tita Danny yung mommy ni kuya Dale. Nag susukat kasi ako ng gown para sa engagement party namin ni Achi.

"Nakaka inggit tuloy, parang gusto ko nang mag debut" naka ngusong sabi ni Ash kaya natawa ako.

"Sus ilang buwan na lang naman debut mo na antayin mo na lang" sabi ko sa kanya.

Nag sukat sukat pa ako ng ibang damit at nang maka pili na ako ay nag paalam na kami kay tita Danny na uuna na, nag pasalamat rin ako sa pag tulong nito sa aming maka pili ng gown ko.

"Hays nakaka pagod, ang sarap matulog mamaya sa bahay " kausap ko sa sarili ko.

"Mamaya na mag shopping muna tayo" sabi sa akin ni Ash. Tatanggi pa sana ako rito kaso nga lang ay inunahan na niya ako at bawal raw tumanggi, so in the end nakasama ako sa trip niya.

Sumakay na kami sa kotse ko at nag simula na akong mag drive.

Habang nag dri-drive ako ay napansin ko ang isang puting kotse na para bang sumusunod samin.

"Ash, pansinin mo yung kotseng kulay white, parang kanina pa sa atin sumusunod" sabi ko kay Ash kaya tumingin rin sya sa likod.

"Baka naman nag kataon lang" sabi niya sa akinna tinanguan ko, baka nga nag kataon lang. Maya maya ay napansin kong wala na nga yung kotse puti, kaya naka hinga na rin ako ng maluwag.

Nang makarating kami sa mall ay nag park lang ako sandali at bumaba na rin kami ni Ash.

Paglabas naming dalawa ng kotse ko ay tsaka ko napansin ang pag dating ng kotseng puti na sumusunod rin samin kanina.

"See dito rin naman pala ang punta nila kaya pala sumusunod sa atin" bulong sa akin ni Ash na sinang ayunan ko na lang rin.

~~~~~~

"Wait lang Pearl may titignan lang ako don huh" paalam sa akin ni Ash na sinang ayunan ko. Nandito kami ngayon sa Victoria Secrets dahil gustong mag titingin ni Ash.

Abala ako sa pag titingin sa mga latest nilang pabango nang mapansin ko ang isang lalaki na matamang nakatingin kay Ash. Hindi ako nito pansin dahil abala nga ito sa pag tingin kay Ash. Weird...

Lalapitan ko sana ito ng may bumangga sa akin.

"Oh sorry miss" paumanhin nito sa akin na tinanguan ko lang. Pag harap ko sa pwesto kanina nila Ash, ay nag taka ako ng mawala na doon ang lalaki. Weird ...

Lumapit ako kay Ash.

"Ash, Wala ka bang napapansin?" tanong ko sa kanya. Tumingin ito sa akin saglit at bumalik sa tinitignan nya.

"Napapansin? Wala naman, Bakit?" nag tatakang tanong nya sa akin. Lumingon ako sa paligid at nakita ko yung lalaki kanina na naka tingin kay Ash at may kausap na itong lalaki. Wait, yung lalaking kausap nito, eto din yung bumangga sakin kanina.

"Hindi mo ba napapansin? Kasi parang kanina may naka tingin satin" kinakabahang sabi ko sa kanya.

Humarap sya sakin at tsaka ako tinitigang mabuti.

"Anong nangyari sayo? Bakit parang naka kita ka ng multo?" takang tanong nito sa akin.

"Hays... kung gusto mo I-text ko na lang si Kuya na pumunta dito para may kasama tayo" sabi niya at mukhang hindi niya na gets ang gusto kong iparating, pero para makasiguro rin kami ay pumayag na ako na I-text niya si Achilles.

My Fiancé is not a Good Boy [ Completed ]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu