Chapter 19

65 11 0
                                    

Balik Bahay

Pearl's Pov

"Next time baby wag mo ng gagawin yon huh, pinag alala mo ako ng tumawag si nanay na hindi ka daw makita" paalala ni Ate Shane kay Miguel.

Ngayon ko lang din nga napansin ang pag kakapareho nila. Pareho sila ng bibig at ang kulay nitong may pagkaputi ay mukhang namana rin nito kay ate Shane, habang ang ilong at mga mata nito ay siguradong sa ama na nito. May pagka singkit kasi ang mata ni Miguel habang bilugan ang mga mata ni ate Shane, tas ang ilong ay mas matangos kumpara kay Miguel dahil narin siguro bata pa ito.

"Kay tatay Achi lang naman po ako sumama mama" katwiran nito na lihim kong kinatawa, hindi talaga mauubusan ng katwiran ang batang ito. Hindi pa niya siguro alam na malayo itong napuntahan namin.

"Baby kahit na masyadong malayo itong maynila sa probinsya natin, alam mo bang kanina pa nag aalala ang lola mo dahil hindi ka daw makita?" nag aalalang sabi nito kay Miguel na kinalungkot nito.

"By the way Achi bakit nga ba kayo naparito sa maynila?" tanong nito kay Achilles na mataman lang ding nakatingin sa kanilang dalawa kanina. Marahil ay iniisip rin niya na nag aalala si ate Shane.

"I'm sorry ate Shane, ang totoo nya ay napasama lang si Miguel dahil nag mamadali na kami kanina. Naaksidente po kasi sila mommy kaya napasama na samin kanina si Miguel" paliwanag ko rito. Tumingin naman ito sa akin at mukhang nagulat pa ito ng makita ako ppero kala unan ay ngumiti sa akin.

"Ganun ba? Pasensya na huh nag aalala lang ako dito sa anak ko nang malaman ko kay Nanay na nawawala si Miguel. By the way, Kamusta ang lagay ng mommy mo? Ayos lang ba siya?" nag aalalang tanong nito sa akin. Ngumiti naman ako rito.

"Ayos na po si Mommy, salamat nga at minor lang ang tinamo ni mommy" sabi ko rito at nakita ko namang naginhawaan ito nang marinig ang sinabi ko.

"Pearl nag text sakin si Dale nandun na daw si tito" sabi sakin ni Ash. Natawa na lang ako rito, Kunwari pang ayaw makita si Kuya Dale pero mukhang magka- text naman sila ni kuya Dale.

"Ah sige tara na, Ate Shane gusto nyo po bang dumalaw saglit kay mommy?" tanong ko kay ate Shane na tinanguan nito kaya tumayo na kami.

"Let's go" aya ni Achilles samin at nag simula na kaming mag lakad. Nagpabuhat naman si Miguel kay Ate Shane. Nag lalambing siguro ito dahil na miss nya ang mama nya. Siguro dahil dito rin nag tra trabaho si Ate Shane.

Nang makarating kami sa room ay nauna akong pumasok. Narinig namin na nag tatawanan sila kuya dahil kay Athena. Aish... I can't wait na makasama mag shopping ang pamangkin ko, siguro sobrang saya non.

Nag taka naman ako nang makita kong biglang nag alangan si Ate Shane pumasok nang makita nya si kuya. Bigla naman itong nag paalam na iihi lang saglit, sumama naman dito si Miguel.

Pag pasok na pasok ko pa lang sa loob ay sinalubong na ako ng sigaw ni Athena.

"Tita!" sigaw ni Athena nang makita ako kaya napatingin sakin sila mommy habang si daddy na seryosong nakatingin sakin na kinakaba ko. Oh no...

"Dad!" mahinang at kabadong bulong ko rito.

"Baby, halika tignan mo may mga dalang pagkain ang daddy mo" masayang sabi ni mommy at inaya ako palapit rito.

Nakita rin ni mommy sina Achilles at Ashley at inaya rin ito.

"Achi, Ash tara kain din kayo" yaya ni mommy rito. Habang ako ay kinakabahan pa rin.

"Wag na po tita, Nakakahiya naman po tsaka kakakain lang po namin kanina sa canteen" sabi ni Ash kay Mommy habang si Achi ay tahimik lang sa isang tabi.

My Fiancé is not a Good Boy [ Completed ]Where stories live. Discover now