Chapter 5

77 17 0
                                    

Preparation

Pearl's Pov

"Hey baby may problema ba?" tanong sa akin ni mommy. Umusod ako ng konti para makatabi sa akin si mom.

"Wala naman po kinakabahan lang po ako dahil ilang linggo na lang debut ko na parang noon pinapangarap ko lang na mag 7th birthday" sabi ko kay mommy. Nginitian ako ni mommy at isinandal ko yung ulo ko sa balikat ni mommy.

"Naalala ko tuloy nung 18th birthday ko noon escort ko ang daddy nyo, kababata ko siya at gustong gusto ng mga lolo nyo na magkatuluyan kami." Kinikilig pa si mommy habang nag kwe kwento sa akin.

"Iba naman yung sa inyo mom eh kayo noon mag kakilala na talaga ni daddy eh ako wala naman akong kababata eh si kuya lang tsaka mga pinsan ko." Sabi ko kay mommy kaya tinawanan nya ko.

"Wag kang mag alala magkakaron ka rin ng lalaking mamahalin ka kagaya ng daddy mo sakin" masayang sabi niya sa akin tsaka tumayo.

"Sige aasikasuhin ko pa yung mga pagkain mo sa debut" paalam ni mommy meron kasing food tasting para sa debut ko. Dapat nandun ako pero tinatamad ako tsaka may pasok pa kami mamaya.

"Sige po mag hahanda na rin po ako baka ma late pa ako sa school" sabi ko kay mommy tsaka umakyat na sa taas para mag asikaso.

Papasok nako sa room ko ng makasalubong ko si kuya.

"Hey Pearl can we talk?" tanong sa akin ni kuya.

"Huh? Importante ba baka kasi malate ako" sabi ko kay kuya.

"Yes saglit lang naman" sabi nya kaya sumunod na ako sa kanya papunta sa office ni dad.

"Ano yun kuya?" Tanong ko sa kaniya. Nagulat ako nung niyakap nya ako.

"Dalaga ka na talaga, lagi mong tatandaan na mahal ka ni kuya huh lahat ng ginagawa namin ay para rin sayo" madamdaming sabi nito na kinalito ko, anong meron kay kuya?

"Ah eh ikaw talaga kuya napaka iyakin mo tamo nag drama ka pa" sabi ko sa kaniya tsaka nag paalam na aalis na sinabihan nya lang ako na mag ingat. Ang weird ni kuya.

~~~~~~

Ilang linggo na lang at bakasyon na kami kaya medyo chill na lang kami.

"Oh bat nandito ka akala ko ba may food tasting kayo ngayon?" tanong sakin ni Ash.

"Tinatamad ako tsaka isa pa may pasok pa kaya tayo" sabi ko sa kanya.

"Hay naku wala naman tayong gagawin eh tsaka debut mo yon kaya dapat hands on ka don" sabi niya sa akin. Sasama naman kasi talaga ako eh kaso nakakainis basta hindi ko alam naiinis ako.

"Ih.. Naiinis ako hindi ko naman alam kung bakit" naiinis rin na sabi ko sa kanya.

"Ang gulo mo aba halika nga at pupunta tayo sa inyo, ikaw ang may birthday kaya dapat nandun ka eh" sabi niya at hinila ako.

Nang makasakay kami sa kotse namin ay agad nyang sinabihan si kuya Rodel na dumiretso samin.

"Alam mo nakakainis ka" sabi ko tsaka kinuha yung cellphone ko.

"Duh.. Tinext kaya ako ni tita kailangan ka daw dun ,dumating na yung gown mo kaya sukatin mo na daw" excited na sabi niya sa akin. Wah.. Nandun na yung gown ko. Excited na tuloy ako.

Nang makarating kami sa bahay ay dali dali akong hinila ni Ash papasok.

"Tita nandito na po kami" sigaw nya kaya napatingin samin yung mga tao dito sa bahay. Tsk... nakakinis talaga tong babaeng to.

"Oh nandito na pala kayo halika Pearl tikman mo tong mga ihahanda sa birthday mo ang sasarap" sabi ni mommy kaya napatingin ako sa mga pagkaing nakahanda sa mesa.Puro mga paborito kong pagkain.Kumuha muna ako ng konti kasi titikman ko palang naman ano.

"Wow ang sasarap mommy" sabi ko ng matikman ko yung main dish tsaka yung side dish.

"Eto pa baby yung dessert masarap din baby" sabi ni mommy kaya tinikman ko rin.

"Wah...perfect ang sarap" sabi ni Ash ng tikman nya yung dessert.

"Ano may gusto ka pa bang ipadagdag na dish?" tanong sa amin ni mommy.

"Wala na po mommy. Hmm. ..yung gown ko po mommy pwede ko na pong tignan?" excited na tanong ko kay mommy.

"Nasa kwarto mo na tara samahan na kita" sabi ni mommy kaya inaya ko na rin si Ash excited na din kasi syang makita yung gown ko.

Nang makarating kami sa kwarto ko ay agad ko itong binuksan.

"Wow!" tanging nasabi ko ng makita ko yung gown ko.

"Is this real mom?" tanong ko dahil hindi ako makapaniwala. Ang ganda ng gown ko .

"Wah.. mukha ka na talagang princess Pearl sa birthday mo" kinikilig na sabi ni Ash sakin. Hinawakan nya rin yung gown ko.

"Nagustuhan mo ba baby?" tanong sa akin ni mommy.

"Seriously mom I love it sobrang ganda" masayang sabi ko kay mommy.

"Mabuti pa isukat mo dali" sabi ni mom kaya tinulungan nila akong isuot yung gown.

Nang matapos akong magbihis ay hinarap nila ako sa malaking salamin ko dito sa kwarto.

"Bagay na bagay sayo Pearl, naiingit tuloy ako" sabi sakin ni Ash kaya nginitian ko siya.

"Pwesto ka dyan anak kukuhanan kita ng litrato" sabi ni mommy kaya pwumesto ako sa gilid.

Matapos namin mag selfie ay nagbihis na ako tapos bumaba na kami.

"Pearl sinong escort mo?" Tanong nya sakin. Nandito kami sa garden nakatambay.

"Si kuya malamang" sabi ko sa kanya.

"Speaking of kuya naka usap ko na si daddy" sabi nya kaya napa tingin ako sa kanya.

"Anong sabi?" Tanong ko.

"May business proposal lang pala yung kuya mo" sabi niya sa akin.

"Kung ganon si tito yung lagi nyang kausap noon?" Tanong ko.

"No ,tinanong ko kay daddy kung malimit nya bang kausap yung kuya mo pero hindi naman daw" sabi niya na kinataka ko.

"Tsk wag mo na munang isipin yon ang atupagin mo yung debut mo" sabi niya, kung sabagay tama nga naman sya.

"Tama ka dapat wag ko munang isipin yung mga yan dapat paghandaan ko yung debut ko" sabi ko sa kanya.

Naipamigay na yung mga invitation at mostly ng mga guests ay kamag anak ko lang tapos yung iba business partner na nila dad at kuya, may ilan din sa mga kaklase ko na close ko rin.

"Yung kuya mo makakadating ba?" tanong ko rito. Tsk kasama kasi ito sa 18th roses.

"Baka pero di ko sure kasi busy sya sa company namin eh" sabi nya. Sana makapunta sya, kahit naman kasi inis ako dun gusto ko rin makadalo sya.

"Wag ka nang malungkot sige pipilitin ko siya." sabi niya kaya lihim akong napangiti.

"Malungkot agad? Diba pwedeng ayaw ko lang mapahiya,18th roses ko siya diba?" Sabi ko na kinatawa nya.

"Okay sabi mo eh" sabi niya na naka ngisi.

"Tsk.. Paepal ka eh" inis na sabi ko tsaka sya inirapan.

Excited na ako ilang linggo na lang legal age nako, pwede na akong makulong.

"Uy excited" kiniliti pa ako ni Ash.

"Natutuwa lang ako kasi legal age nako pwede na talaga ako sa bar, di ko na kailangan ng tulong ni kuya Dale para lang makapag bar." natutuwang sabi ko rito na inirapan lang niya.

"Yeah ingat ka pwede ka na rin makulong" asar nya sa akin.

"Duh... Nauna lang ako ng ilang buwan sayo noh" sabi ko.

Bumalik na kami sa loob kausap na lang ni mommy yung coordinator para sa iba pang detalye ng debut ko. Napangiti na lang ako napaka hands on kasi ni mommy sa preparation ng debut ko. 

My Fiancé is not a Good Boy [ Completed ]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang