Chapter 50

44 6 0
                                    

The Long Awaited Wedding

Pearl's Pov

"Ih... Manang tignan nyo po oh ang ganda ng singsing na binigay sakin ni Achi. Parang hindi pa rin po ako makapaniwala na nag proposed sakin kagabi si Achi" kinikilig na sabi ko kay manang. Ngumiti lang sa akin si manang bilang sagot niya.

Yung nangyari kagabi. It's feel like a dream, para bang nasa isa akong panaginip at ayoko ng magising.

"Masaya ako para sa inyong dalawa, anak" masayang sabi ni manang at hindi ko mapigilang mapa isip. Simula noon kasama na namin dito si manang. Halos sya na ang nag alaga sa amin ni kuya at alam din niya lahat ng pinag daanan namin ni Achi bago namin marating ito.

"Pero manang, hindi po ba parang ang bilis? Kasi diba seven years po yung lumipas tapos ngayon na lang uli kami nagkita?" tanong ko kay manang.

"Anak wala naman yan sa panahon na di kayo nag kita. Oo nga halos pitong taon ang lumipas pero nasa wastong edad na naman kayo tsaka isa pa may anak na naman kayo" sabi sakin ni manang na kina ngiti.

Oo nga naman, why would I feel hesitant about it. Eh halos ang tagal ko rin tong hinintay. Aaminin ko, nagalit ako ng sobra kay Achilles noon pero lagi kong naiisip, ano kaya kung hindi nangyari lahat ng iyon? Magiging masaya pa rin kaya kami?

But come to think of it, tama nga sila, lahat ng bagay nangyayari kasi may dahilan.

If hindi nangyari ang lahat ng problemang pinag daanan namin noon, siguro hindi ako kasing tatag ng kung ano ako ngayon. Tsaka si Alex, I don't know kung anong buhay ko ngayon kung wala ang anak ko, kaya nag papasalamat pa rin talaga ako sa panginoon dahil nangyari ang lahat ng iyon.

"Tama ka po manang. Thank you talaga manang dahil nandyan ka ever since pa man noong mga bata kami ni kuya" sabi ko kay manang at niyakap ko siya.

"Hays.. Oh siya tama na ang drama anak at nakaka panget" natawa naman ako kay manang. Lagi kasi nyang sinasabi na wag na wag daw kaming mag dradrama dahil nakaka panget.

*Ding- dong*

"Oh siya titignan ko lang kung sino iyong dumating" sabi ni manang at iniwan ako. Bumalik naman ako sa kwarto upang tignan si Alex. Hanggang ngayon ay tulog pa rin ang anak ko. Paano ba naman kasi ay napuyat siya kagabi, anong oras na kami naka tulog.

"Baby wake up na" gising ko rito. Nag unat lang ito at tsaka tumalikod sa akin.

"Sige ka aalis si mommy, is that okay with you maiiwan ka dito?" tanong ko rito kaya mabilis itong bumangon at tsaka nag tatakbo papuntang cr. Natawa na lang ako sa ginawa ng anak ko.

Tatlong taon pa lang siya pero pakiramdam ko ang bilis bilis ng panahon.

Inayos ko na muna ang susuutin ni Alex. Naisip ko kasing mamasyal ngayong araw kasama si Alex.

"Wah.. Pearl!" sigaw sakin ni Ash kaya napabaling ako dito. Nasa may pintuan ito at gusto kong umirap sa ayos niya. Paano ba naman kasi ay akala mo ay dadalo sya ng photoshoot.

"What's with your outfit?" tanong ko sa kanya. Lumapit naman sya sa akin.

"Ah.. Nothing Ih.. Kinikilig ako sa inyo ni kuya kagabi" kilig na kilig na sabi nito na kina irap ko lang.

"Mommy I'm done na po!" sigaw ni Alex kaya iniwan ko na muna si Ash at dinalan ng tuwalya si Alex.

Binalot ko lang yung tuwalya kay Alex at tsaka kami lumabas.

Pinunasan ko muna si Alex bago ko sya pinulbusan at dinamitan. Inayos ko rin ang buhok niya dahil medyo humahaba na ito.

"Tita!" tawag ni Alex kay Ash at tsaka ito tumabi dito. Nag paalam naman ako na mag bibihis lang ako since naka ligo na naman ako kanina.

My Fiancé is not a Good Boy [ Completed ]Where stories live. Discover now