Chapter 41

48 8 0
                                    

                    Itsjhelaaaa

DNA result

Pearl's Pov

"Thank you po mommy" sabi sakin ni Alex ng iaabot ko sa kanya ang kagagawa ko pa lang na egg sandwich.

Nandito lang kasi kami sa bahay kaya naisip ko na ipag gawa siya ng paborito nyang sandwich.

"Mommu batit po hindi na pumupunta dito si Untle Eliot?" tanong sa akin ni Alex na kina bigla ko. Ngayon ko lang napansin na hindi na nga masyadong pumupunta dito si Eliot di gaya noon, kung hindi pa siguro ito nag text kanina na pupunta sya dito ay hindi ko pa siya maalala. Masyado kasi akong maraming iniisip nitong nakaraang linggo, isa na dyan si Achi.

Hays... Ano bang nangyayari sa kanilang dalawa? Kung hindi si Achilles ang pumupunta dito, si Eliot naman ngayon ang di pumupunta dito.

Iniwaglit ko na muna sila sa isip ko.

"Baby, after mong kumain, sleep ka na huh" sabi ko kay Alex na kina simangot nito.

"Mommy.... Ayaw" sabi nito. I sighed siguradong pahirapan na naman akong patulugin si Alex.

"Diba nag promise ka kay mommy?" tanong ko sa kanya. Kahapon kasi ay ayaw nyang matulog kaya nangako ako na kapag natulog sya araw araw ng tanghali ay pupunta kami kina Achilles. Hays... Bakit ba kasi ang hirap patulugin ng mga bata pag tanghali.

"Baby ubusin mo na muna yang kina kain mo okay may tatawagan lang si mommy" sabi ko kay Alex at iniwan siya. Hindi naman ako lumayo ng sobra para mabantayan pa rin siya.

Tinawagan ko si Doc. Martinez.

"Hello, good morning doc. Martinez" bati ko kay Doc. Martinez ang kaibigan kong doctor, nakilala ko sya sa New York nung nag aaral ako doon.

(Good morning Pearl, drop the formality parang di tayo naging mag kaibigan nan, by the way, the result are done pupunta na lang ako dyan mamaya, para sabihin sayo yung resulta ng test na ginawa namin) sabi nito na nagpa kaba sakin.

After a week ng pag iisip ay masaasagot na ang mga katanungan ko na ilang linggo ng bumabagabag sa akin.

Nag pasalamat ako kay doc Kathniss at nag paalam na itong ibababa na ang tawag.

Tumingin ako sa anak ko. Hindi ko maiwasang kabahan para sa kanya. Lumabas na ang resulta ng DNA test nila ni Achi. Kung sakali mang mag negative ito ay ayos lang dahil nandito naman ako para punan ang pagiging ama sa kanya. positive ito ay sigurado akong matutuwa sya. Isa pa sa kinakatakot ko ay paano ko sasabihin sa kanila na pina DNA test ko sila nang di nila nalalaman.

Noong nakaraang linggo ay sikreto ko silang kinuhaan ng buhok ng hindi nila nalalaman.

Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko nung malaman kong may posibilidad na mag ama nga silang dalawa kaya para maka siguro ay pina DNA test ko na sila. At ngayon nga ay lumabas na ang resulta.

"Untle Eliot" excited na sigaw ng anak ko at nag tatakbo ito papuntang garden kaya napa tingin ako sa labas at nakita ko nga si Eliot na katabi si Alex. Tumingin ako sa kanya at napansin ko ang mga mata nya na punong puno ng kalungkutan.

Naka ngiti siyang habang naka baling sa anak ko pero ako, pansin na pansin ko ang bigat ng loob nya.

Lumapit ako sa kaniya.

"Untle batit ngayon lang po tayo?" tanong nito kay Eliot,tumabi ako sa kanilang dalawa.

"Baby diba matutulog ka na?" tanong ko rito na kina lungkot nito. Pero sumunod naman ito, pinasamahan ko ito kay manang at sinabing patulugin nauna si Alex.

My Fiancé is not a Good Boy [ Completed ]Where stories live. Discover now