Chapter 34

49 8 0
                                    

His Reason

Pearl's Pov

I sighed hindi ako makapaniwala na nagkita kami matapos ang mahigit 7 taong hindi kami nag kita. Laking pasasalamat ko dahil nakontrol ko ang sarili ko.

"Hey... Bakit ang tahimik mo? Iniisip mo si kuya ano?" napa tingin ako kay Ash dahil sa sinabi nya. Ngayon nya lang kasi ako inasar sa kuya nya ever since na pumunta akong New York.

"Peace..... Eh kasi naman simula nung nag kita kayo kahapon ni kuya ang tahimik mo" sabi nya.

"Tsk.... Matagal na kaming wala ng kuya mo at para mapanatag ang isip mo, nag aalala lang ako kay Eliot dahil bago kami umalis ay napansin kong parang may problema sya" sabi ko rito. Well partly tama sya dahil naiisip ko rin si Achi simula kahapon pero hindi ko ring maiwasang isipin si Eliot dahil bago kami umalis ay mag kasama kami. Maayos pa naman sya pero nung may tumawag sa kanya parang naging balisa sya.

"Okay.. Ay oo nga pala pwede ko bang ipasyal si Alex mamaya. Na miss ko na rin kasi ang batang yon eh" paalam nya kaya natawa ako dahil naunahan na siya ni Jackie.

"Hm... Naunahan ka na ni Jackie nahiram na niya kanina si Alex" sabi ko at nakita kong umirap pa siya.

"Bakit ka pumayag alam mo namang maarte yon, hm..." inis na sabi nya sa akin.

"Alam mo sumama ka na lang sakin mamaya may lakad ako papuntang tagaytay" sabi ko rito ay nakita kong parang naexcite sya.

"Wait ano nga palang gagawin mo sa tagaytay?" tanong nya sa akin.

"Titignan ko kasi yung site na pag tatayuan ng hotel naalala mo si Mr. Miller?" sabi ko at tumango lang siya sa akin.

"Bakit anong meron kay Mr. Miller. Wait wag mong sabihing may date kayo?" over reacted nyang tanong sa akin kaya nainis ako.

"Duh.... Diba nga may project kami and dito sa pilipinas nya naisip na mag tayo ng hotel" inis na sabi ko  at nakita kong parang naka hinga sya ng maluwag ng marinig ang paliwanag ko.

"Wait anong oras ba tayo pupuntang Tagaytay?" tanong nya kaya tumingin ako sa orasan. Medyo maaga pa naman pero mas mabuti ng maaga kaysa late.

"Wait ligo lang ako tas alis na tayo" sabi ko at mabilis na umakyat upang maligo.

~~~💍💍💍~~~

"Hays.... Ang sarap talaga ng hangin sa Tagaytay" sabi sakin ni Ash. Well ganun din naman ang nararamdaman ko.

"Alam mo dito ko din balak mag patayo ng bahay, yung may sariwang hangin tapos ang ganda pa ng view" sabi ko sa kanya.

Nag kwentuhan lang kami ng nag kwentuhan ng biglang huminto ang sasakyan namin. Bumaling kami kay Manong.

"Manong ano hong problema bakita tayo huminto?" tanong ko kay manong.

"Sandali lang ho maam i che check ko lang ho" sabi nito tsaka lumabas. Naiwan kaming dalawa ni Ash. Maya maya ay lumapit samin si Manong.

"Maam nagka problema ho sa engine" sabi nito sa amin.

"Huh paano ho yan Manong?" tanong ni Ash.

"May alam ho akong mag aayos na malapit lang dito" sabi nito kaya naka hinga kami ng maluwag.

"Kaso ho mukhang matatagalan bago maayos to" hays...

Bumaba kami ni Ash.

"Maam tinawagan ko na ho si Rodel para sunduin kayo, maswurte po at malapit lang siya dahil may binisita si sir Apollo na malapit lang dito" sabi nito sa amin.

My Fiancé is not a Good Boy [ Completed ]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin