Chapter 12

61 13 0
                                    

Sweetest Smile

Pearl's Pov

"So you really hate me that much?" biglang tanong nya habang nakain kami. Nagtaka naman ako.

"Huh? Paano mo naman nasabi?" tanong ko sa kaniya.

"Tumakas ka para lang makalayo, that's prove that you really hate me" sabi nya kaya natigil ako sa pagkain.

"To be honest I don't know why pero pakiramdam ko ang laki ng galit mo sakin" seryosong sabi nya kaya napa buntung hininga ako.

"Hindi naman sa ganon, pakiramdam ko kasi nung pinakilala ka sakin ni Ash parang lahat na lang ng sinabi ko at ginawa ko bad influence kay Ash sa paningin mo. Tsaka hindi naman sa ayaw kita kaya ako tumakas. Oo inis ako sayo kasi ang kj mo tas feeling goodboy ka pa,pero kasi masyado pa akong bata para mag pakasal. Hello! Kaka 18 ko pa lang oh" mahabang paliwanag ko sa kanya na mukhang naintindihan nya naman.

"Yeah tama ka naman diyan" sang ayun nya.

Pagkatapos non ay tahimik na lang kaming kumain. Hindi ko nga matatawag na date to dahil halos wala rin naman kaming kibuan.

Natapos ko na ang kinakain ko kaya tumayo na ako. Actually minadali ko talaga para mauna ako sa kanya.

"Sige tapos na akong kumain pwesto na muna ako dun sa sofa" paalam ko sa kanya na tinanguan nya lang.

Naupo na ako dun sa sofa.Siguro mga ilang minuto rin ang lumipas bago ko naisip na subukang buksan yung pinto,malay ko ba kung bukas na yon. Maliwanag na naman dahil sa ilaw kaya hindi na nakakatakot.

Pag pihit ko ng pinto ay nabuksan ko rin.Yes! Nabuksab rin. Agad akong lumapit kay Achi na mukhang kanina pa tapos kumain.

"Achi bukas na yung pinto" sabi ko kaya tumayo na sya at nauna sakin na naglakad.

Tamo hindi na talaga ako hinintay. Nagmadali tuloy ako sa pag lalakad para lang mahabol sya.

Sinundan ko lang syang maglakad, hanggang sa nakarating na kami sa mansyon.

Lumiko sya sa kwadra ng mga kabayo para siguro tignan kung nakakain na ang mga ito. Seriously gabi na kaya, magpapakain daw kasi sya kanina ng mga kabayo ng tinawag siya ni Jackie. Isa pa yung babaeng yon lagot sakin yun mamaya.

Nang makapasok ako sa mansyon ay sinalubong agad ako ni Jackie.

"Yieh... Musta ang date nyo?" tanong agad sakin ni Jackie kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Sa tingin mo mukha akong masaya" inis na inis ako sa kanya. Akala ko talaga tutulungan nya ako pero yun pala ako ang pinagtri tripan nya ngayon.

"Ih ano ngang nangyari ano may kilig factor ka ba kanina?" kinikilig na tanong nya sa akin.

"Wala!" inis na sabi ko at umakyat na sa taas. Dumiretso ako sa kwarto ko pero sinusundan pala ako ni Jackie.

Nang makapasok ako sa kwarto ay agad ko siyang sinaraduhan ng pinto. Tsk... Pumasok na ako sa loob ng cr para mag linis ng katawan.

~~~~~~

"Hey anong ginagawa mo dyan?" tanong ko kay Miguel ng makita ko siya sa loob ng kwadra.

"Sinisilip ko po si Philip yung kabayo ko" sabi nya. Lumapit ako sa kaniya.

"May kabayo ka. Your just three diba, maalam ka na bang mangabayo?" tanong ko sa kaniya at tumango lang siya sa akin.

"Opo tinuruan po ako ni tatay Achi"sabi niya sa akin. Yan na naman sya sa tatay, tatay Achi nya. Akala ko tuloy anak sya ni Achi.

My Fiancé is not a Good Boy [ Completed ]Where stories live. Discover now