Chapter 16

56 14 0
                                    

Curious

Pearl's Pov

"Yieh! Nakita ko yon" asar sakin ni ate Rosie pag pasok ko ng kusina.

"Ano naman yon ate Rosie?" pakunwaring tanong ko rito. Please makiramdam ka ate Rosie.

"Ako pa pinagsinungalingan mo eh kitang kita ko kaya na nag ki--" hindi na niya natapos ang sasabihin nya ng tinakpan ko ang bibig nya. Napatingin ako kay Manang mabuti naman at hindi ito nakatingin sa amin at abala ito sa pag luluto.

"Shi.... Wag ka namang maingay ate Rosie" sabi ko sa kanya kaya umakto ito na parang zini zipper ang bibig.

"Okay sabi mo eh" asar pa nito at ngumisi sa akin. Inasar pa ako nito gamit ang mga kamay nito, paano ba ay pinag dikit nya ito at umakto syang nag hahahalikan ang mga kamay niya.

"Tsk... Bahala ka nga dyan ate Rosie" pikon na sabi ko at umalis ng kusina.

~~~~~~

Patulog na kami ni Ashley pero ang kaso hindi ako maka tulog, iniisip ko pa rin yung ginawa ko kanina. Bakit ko ba kasi sya hinalikan tsaka isa pa bakit pa ba kasi sya nag respond nalilito tuloy ako ngayon.

"Tsk... Ano ba yan Pearl hindi ako makatulog sa ginagawa mo ang likot mo" inis na sabi ni Ash sakin kaya umayos ako ng higa ko.

"Matulog ka na lang dyan" sabi ko sa kanya. Mabuti naman at mukhang nakinig sya. Sa inis ko ay tumayo ako at tumabay sa bintana.

Bigla naman akong nauhaw kaya naisipan kong bumaba na muna para uminom na tubig.

Medyo madilim kaya binuksan ko na muna yung ilaw ng cellphone ko since tinatamad na rin akong buksan pa yung ilaw.

Binuksan ko na yung ref tsaka ko kinuha yung isang pitsel ng tubig. Kumukuha na ako ng baso ng makita ko ang isang anino. Nung una ay hindi ko ito pinansin kaya dumiretso na ako sa pag inom. Matapos kong uminom ay kita ko pa rin ang anino na kinakaba ko. Wait may tao ba? Eh anong oras na ah. Hala ka baka mga magnanakaw yon.

"Sinong nandyan?" kinakabahang tanong ko at nagitla naman ako ng bumukas ang ilaw, nasila naman ako kaya pinikit ko muna ang mga mata ko para mag adjust sa ilaw at nang naka adjust na ako ay tumambad ang mukha ni Achi, mukha pa itong inaantok.

"Sorry nauhaw kasi ako" sabi nito, inabot ko naman sa kanya yung pitsel ng tubig. Tinanggap nya iyon kaya nag paalam na akong aakyat na ako sa taas.

Nang makarating ako sa taas ay nahiga na rin ako agad at pumikit na lang ng mga mata para makatulog na.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Medyo nasasanay na rin akong maaga gumising dahil halos lahat ng mga taga dito ay maaga gumgiising para sa mga gawain nila.

Nag linis lang ako ng katawan tsaka bumaba. Pababa na sana ako ng makasalubong ko si Manong Erny.

"Ano po yan manong Erny?" tanong ko ng makita ko ang mga bitbit nito mga gamit.

"Ah mga gamit ho ni Señor Leonardo" sabi nito sa akin. Paalis na sana ito ng may mahulog na mga notebook sa buhat nyang kahon.

"Wait may nalaglag po" tawag pansin ko kay manong Erny. Iaabot ko na sana yung dalawang notebook sa kanya ng mapansin ko ang pangalan ng lola ko.

"Ah manong Erny, pwede ho bang akin na lang to, mahilig po kasi ako sa mga lumang notebook" paalam ko rito at mabuti naman dahil pumayag naman ito.

"Oh siya itatambak lang rin naman yan sa bodega mabuti pa ay pakinabangan mo" sabi nito tsaka bumaba na bitbit ang mga  kahon na mga gamit ni señor Leonardo.

My Fiancé is not a Good Boy [ Completed ]Where stories live. Discover now