Chapter 45

43 7 0
                                    

I love you

Pearl's Pov

Tahimik lang ako habang nag iisip kung ano na nga bang kalagayan ng anak ko. Sana naman ay walang masamang mangyari sa kanya, hindi ko kakayanin kung mag kataon.

Dumating na kanina pa ang mga pulis upang mag imbestiga pero wala pa rin silang lead kung nasan ba ang anak ko. Miski si Achi ay hindi pa rin alam na nawawala ang anak namin. Kanina pa ako sinasabihan ni Ash na sabihin na sa kuya nya pero sabi ko ay wag na muna at baka mapahamak pa sila pauwi lalo at malayo pa ang bayan ng pinuntahan nila.

Hindi ako mapalagay na nandito la ako. Walang mangyayari kung mananatili lang ako dito. Baka kung ano pang mangyari sa anak. Kailangan ko ng kumilos dahil bawat oras na lumilipas ay baka ikapahamak ni Alex.

"Aalis daw muna yung mga pulis para mag report, sasama na muna ako sa kanila" sabi sakin ni Ash na tinanguan ko lang.

"Sige, mabuti pa nga, ako naman ay mag hahanap hanap dito sa hacienda" sabi ko kay at na sinang ayunan niya tsaka siya sumunod sa mga pulis.

Nang umalis na siya upang samahan yung mga pulis na mag report ay tsaka ako tumayo.

Nag paalam muna ako kay manang para kapag dumating sila Achilles ay sabihin na pinasyal ko lang muna si Alex. Tinanong pa ako nito kung bakit daw ganon ang sasabihin nila.

Sinabi ko na lang na susubukan kong hanapin si Alex at kung hindi ko talaga ito mahahanap ay ako na ang mag sasabi rito.

Takang taka pa sila kung bakit ayaw ko pa raw sabihin pero nauna na akong umalis.

Miski ako ay naguguluhan din kung bakit ba ayaw kong sabihin kay Achi na nawawala si Alex.

Nang maka alis na ako ay mabilis akong sumakay ng kotse ko. Naisip kong dito na muna mag hanap hanap sa hacienda.

Nag babaka sakali ako na naandito lang si Alex. Sana ay lumabas lang siya ng hindi namin nag papansin.

Una kong pinuntahan ang bahay na pinuntahan namin nila Achilles noon.

Mabilis akong pumasok sa loob at nag tatawag, pero walang sumasagot sakin. Sinubukan ko pang umikot sa loob ng bahay at baka hindi lang ako naririnig ni Alex.

Ngunit wala talaga si Alex kaya bumalik na ako sa kotse at sumunod ko namang pinuntahan ang palayan ng pinasyalan namin nila Achi noon.

Doon ay sumalubong sakin ang mga mag sasakang naka sama namin noon.

Nag tanong tanong ako sa kanila kung nakita ba nila si Alex pero hindi daw nila ito nakita na kina bahala ko.

Pilit kong iniisip kung saan ba pwedeng makarating ang anak ko pero kahit anong gawin kong pag iisip ay walang pumapasok sa utak ko.

Ayaw ko mang maging negatibo pero parang unti unti nang pumapasok sa utak ko na baka nga nakidnap ang anak ko.

Bumalik na ako sa mansyon na bagsak ang balikat. Kahit anong pilit ko ay lalo akong natatakot na maaring mapahamak ang anak ko.

Nang makarating na ako sa mansyon ay sinalubong ako ng kotse ni Achilles. Mukhang nakarating na sila ni Jake. Mas lalo akong kinabahan. Hindi ko pa nga pala nasasabi rito na nawawala si Alex. Tiyak na magagalit ito sa oras na malaman niya na nawawala si Alex at wala man lang akong balak itong sabihin sa kanya.

Pumasok na ako sa loob at ganun na lang ang gulat ko nang wala man lang sumalubong sakin at tanging tahimik na masyon lang ang napasukan ko.

Tumingin tingin ako sa paligid at pilit kong hinahanap si Achi pero wala ito. Bumaling ako kay manang na nasa sala at tahimik lang na naka upo.

My Fiancé is not a Good Boy [ Completed ]Where stories live. Discover now