Chapter 44

44 7 0
                                    

Losing my Mind

Pearl's Pov

Akward.. Yung ang naramdaman ko matapos niya akong halikan.

Tumalikod agad ako sa kanya at nilabas ang cellphone ko.

Sinubukan kong tawagan si Ash pero out of coverage area na siya.

Hays.. Lagot ka talaga sakin mamaya Ashley.

Sinubukan kong tumingin tingin sa paligid dahil nag babaka sakali ako na merong sasaktang dadaan pero mukhang wala kaya bumalik na lang ako sa pwesto namin ni Achilles.

"Oh bat bumalik ka?" asar na tanong nito sakin na inirapan ko lang. Bahala sya dyan.

Nagitla na lang ako ng hatakin niya ako.

"Ano ba!" inis na sabi ko sa kanya at lumayo ng konti.

"Tsk.. " sabi nito at bumalik sa pag aayos ng mga gamit namin.

Nang maayos na niya ito ay niyaya na niya akong umuwi.

Tsk. Mukhang mahabang lakaran na naman ang gagawin namin kagaya noon. Si Ash kasi eh iniwan pa kami dito.

Habang nag lalakad kami ay minamasdan ko ang paligid. Wala pa ring nag bago dito tanging ang mga palay lang na nakatanim dito.

Ilang minuto rin kaming nag lakad bago naka uwi sa mansyon.

Nang makarating kami sa loob ay sinalubong kami ni Alex na tuwang tuwang nag tatakbo papunta samin ni Achilles.

"Mommy batit po ang tagal ninyong dumating ni daddy?" tanong nito sa amin ni Achilles. Tumingin lang ako kay Achi at tsaka ko siya inirapan.

"Ahm.. Malayo kasi ang nilakad namin ni mommy mo. Iniwan nyo kasi kami eh" sabi nito kay Alex na tinawanan nito.

"Hihi... Sabi po kasi ni tita dalian ko daw po" sabi nito kaya napabaling ako kay Ash. Tumingin lang ito sa akin na animo'y walang ginawang masama.

Lumapit ako sa kanya tsaka ko siya pasimpleng kinurot.

"Aray naman" bulong nito na narinig ko.

Tumingin ako sa kanya tsaka ako nag peace sign.

"Bat ba kasi ang tagal nyo ni kuya? May ginawa kayo ano?" tanong nito sa akin na kinabigla ko.

"Wala no!" mabilis na sabi ko na tinawanan niya.

"Ang O.A. huh, may ginawa kayo ni kuya ano?" malisyosong tanong nya na inirapan ko.

"Ang malisyoso mo Ash" sabi ko sa kanya.

"Ikaw kasi eh ang oa mo tinatanong ko lang naman bat kayo natagalan ni kuya eh" sabi nito sa akin.

"Wow huh kailangan tanungin pa yon? Eh ikaw nga nung lumabas kayo ni kuya Dale hindi ko naman tinanong kung bakit kayo inabot ng gabi ah" sabi ko sa kanya at natawa na lang ako ng namula siya. Mukhang natahimik siya at basta na lang akong iniwan.

Natatawa na lang ako habang lumalayo sya sa akin. Paano ba naman kasi ilang taon na ang nag daan, hanggang ngayon ay mag kaibigan lang sila pero ang kilos ay daig pa ang mag jowa.

Bumaling ako kina Achilles at Alex na ngayon ay kasalukuyang nag haharutan. Hinahabol kasi ni Alex si Achilles.

"Ih... Daddy dali na po sabihin nyo na po sakin" inis na sabi nito sa ama niya. Ako naman ay hindi alam kung ano bang pinag uusapan nila.

Naisip kong mag linis na lang muna ng katawan. Umakyat na ako sa taas upang maligo.

~~~💍💍💍~~~

My Fiancé is not a Good Boy [ Completed ]Where stories live. Discover now