Chapter 30

63 9 0
                                    

    Dedicated_bobyalex

Farewell

Pearl's Pov

"Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo baby?" Tanong uli sa akin ni mommy, pang ilang tanong nya na iyan sa akin. Kasalukuyan ko na kasing inaayos yung mga gamit ko na dadalhin ko sa New York.

"Oo naman mom,tsaka para ho may makatulong si kuya sa negosyo kapag naka graduate na ako" sabi ko kay mommy,tumingin ako rito at nakita ko na naman ang tingin nito na parang naaawa sa akin.

"Pwede naman dito mo na tapusin ang pag aaral mo tsaka ka tumulong sa kuya mo" pilit pa rin ni mommy kaya tumigil muna ako sa ginagawa ko at bumaling kay mommy.

"Mom, hindi ko kaya, baka hindi ko kayanin" naiiyak na sumbong ko kay mommy at tuluyan ng umiyak. Lumapit sa akin si mommy at yinakap ako.

"Yan na ba talaga ang desisyon mo? Alam ko kami ang unang nag plano ng ganito ng daddy mo, hays.... Mag iingat ka doon huh tatawag ka lagi sa akin huh" sabi ni mommy.

Lumayo ako kay mommy at nag punas ng luha.

"Mom ayos lang po ba kung aalis muna ako saglit" paalam ko kay mommy. Nakita ko na nag taka sya sa sinabi ko.

"Bakit? San ka naman pupunta?" Tanong sa akin ni mommy. Ngumiti lang ako dito.

Nag beso muna ako kay mommy bago ako umalis.

Sumakay ako sa kotse ko at nag maneho papunta sa bahay nila Achilles. Kahit saglit lang gusto ko lang siyang maka usap.

Tinawagan ko si Ash at mabuti naman ay sinagot nya agad.

"Hello" bati ko dito.

(Pearl?)

"Nandyan ba si Achilles?" Diretsong tanong ko dito.

(Ahm.... Pearl ) Parang nag aalala si Ash habang nag sasalita kaya huminga ako ng malalim.

"Gusto ko lang siyang maka usap" sabi ko kay Ash. Tahimik lang siya sa kabilang linya kaya ibababa ko na sana ito ng marinig kong mag salita ito.

(Yes Pearl nandito si kuya) Huling sabi nito at binaba ang tawag.

Mabilis akong nakarating kina Ash at nakita ko na nandun sya sa labas ng bahay nila at mukhang kanina pa ako hinihintay. Nakita nya rin agad ako, nag park ako at lumabas ng kotse. Lumapit naman sya sa akin.

"Pearl..." Bati nya sa akin at bigla akong hinila.

"Hey bakit ka bigla biglang nang hihila" sabi ko dito, hindi nya ako pinansin at nag dire diretso ito ng lakad. Maya maya ay huminto rin siya kaso ang layo na namin sa bahay nila pero kita ko pa naman ito dahil ilang bahay lang ang pagitan namin at malaki din ang bahay nila.

"Anong problema mo Ash?" tanong ko rito at lalakad na sana pabalik ng bigla niyang hawakan ang balikat ko.

"Please lang Pearl wag na" sabi muli nito at sa totoo lang ay nalilito na ako sa iniaakto ni Ash. Bakit ba pinipigilan nya akong pumunta sa bahay nila?

Tatanungin ko na sana sya kung ano bang problema nya. Ngunit hindi na pala kailangan dahil mukhang alam ko na kung anong dahilan ni Ash. Mula dito sa pwesto namin ay kitang kita ko na lumabas ng bahay nila Ash si Achilles at hindi ito nag iisa dahil kasama nito si Elysse at mag kahawak pa ang mga kamay nila.

Umiwas ako ng tingin pero huli na dahil tuluyan na naman tumulo ang mga luha ko. Akala ko kapag pumunta ako dito at naka usap ko kahit saglit si Achi, mababawasan yung sakit, pero hindi mali ako dahil mas nasasaktan lang ako sa nakikita ko.

My Fiancé is not a Good Boy [ Completed ]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें