Chapter 21

59 9 0
                                    

She's Inlove

Pearl's Pov

"Good morning po tita" nagising ako at bumungad agad sakin ang cute na mukha ng aking pamangkin na si Athena.

"Good morning baby" nakangiting sabi ko rito. Umamba itong mag papabuhat sakin kaya binuhat ko ito. Medyo mabigat siya pero mabuti naman at kaya ko pa kahit papaano.

"Tita sabi po ni Daddy, gisingin na daw po kita, may bisita daw po kayo." sabi nito sa akin.

Nang makababa kami ay sumalubong samin sina Achilles at Ash, kasama rin nila si Maurine na lubos kong kinataka.

"Good Morning Ash. Anong meron at ang aga nyo ata" bati ko kay Ash at umakto naman syang yayakapin ako nang pigilan ko siya.

"Ay arte ah" sabi niya sa akin na tinawanan ko lang. Binaba ko naman muna si Athena bago ako bumaling sa kanya.

"Duh... Kita mo naman na may buhat ako eh" sabi ko sa kanya at tumabi sa kanyang inuupuan, kumandong naman sa akin si Athena. Tumingin ako sa katabing sofa at mag katabi lang naman sina Achilles at Maurine. Ramdam ko ang panaka nakang pag tingin sakin ni Maurine na hindi ko na lang pinansin. Inggit lang siguro sakin ang loka.

"Huy matunaw yang dalawa" narinig kong bulong sakin ni Ash na kina irap ko lang. Duh... anong masama sa pag tingin, ang masama ay yung ginawa nya noong nakaraan na pakikipag talo kay Maurine.

Maya maya ay dumating si Daddy at umupo ito sa katapat naming upuan.

"So ano pong meron?" tanong ko kay daddy, tumayo naman si Athena ang nag mano kay Daddy. Ahh... ang sweet naman ng pamangkin ko. 

Sinabi naman ni Daddy na ako daw muna ang bahala kay Athena. Maaga raw umalis si kuya at may inaasikaso ngayon sa company, while si mommy naman ay bumisita kahapon kina lola Demeter, siguro ay hindi na muna pina uwi ni Daddy dahil na rin sa malakas ang ulan at malayo pa ang byahe.

"Mamaya ay dadating na ang Coordinator ng engagement party nyo" seryosong sabi sakin ni daddy na kinakaba ko. Hay! Wala na talaga akong kawala.

"Yes po Dad" sabi ko at tumango kay Daddy. Lihim naman akong napa tingin kay Maurine at napansin ko na naman ang kakaiba nito kilos, pansin ko talaga na may problema sa kanya. Nag paalam naman itong aalis lang saglit na kinataka.

"Ahm... Aalis lang po ako saglit" sabi nito at mabilis na nag lakad palabas.

"Hay buti naman at nakaramdam din ang linta" narinig kong bulong sakin ni Ash. Bumaling ako sa kanya at sinuway siya.

"Ano ka ba, tigilan mo na nga si Maurine" seryosong sabi ko sa kanya na kinataka niya.

"Huh? At bakit naman eh nakakainis kaya yan" inis na sabi niya.

"Wala ka bang napapansin kanina, parang may kakaiba kay Maurine para bang may problema sya" bulong ko sa kanya na kinakunot ng noo nya.

"Sigurado ka? Ayon mukha bang may problema ang babaeng yon? Nag papatawa ka ba eh spoiled nga yon sa papa nya, na mayor sa probinsya kaya imposibleng may problema yon" sabi niya sa akin na inilingan ko.

"So ano? Porke anak ng Mayor hindi na pwedeng magka problema ganon? Baliw ka talaga" inis na sabi ko sa kanya.

Nag sabi naman si daddy na aakyat na sa office nito,  habang si Athena naman ay pumunta sa kusina dahil nagugutom na daw ito.

Naiwan kaming tatlo at tahimik lang kami na wari mo'y nag papakiramdaman. Bakit parang ang tagal naman ni Maurine? Hindi ko alam pero parang masyado akong nacu curious sa kanya ngayon.

"Ash lalabas lang ako sandali" bulong ko kay Ashley at tumango lang ito sa akin.

Nang makalabas ako ay hinanap ko si Maurine nag taka naman ako nang hindi ko siya nakita sa labas. Tinanong ko si Manang kung nakita nya ba ito at sinabi naman nito na nakita nya itong lumabas.

My Fiancé is not a Good Boy [ Completed ]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu