Chapter 2

29.4K 915 23
                                    

"Doc Sky?! Bakit ngayon lang po kayo?!"Aligagang singhal ni Angie ng makapasok si Skyler sa ospital

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Doc Sky?! Bakit ngayon lang po kayo?!"
Aligagang singhal ni Angie ng makapasok si Skyler sa ospital. Hindi naman mapigilang mapakunot ang noo ni Sky dahil duon.

"May problema ba doc Angie?"
Nakangiting tanong ni Skyler habang naglalakad sila papasok.

"Ayaw mo uminom ng gamot yung patient 7 doc! Nagwawala din po doc! Kayo po ang hinahanap!"
Tila naman nakaligtaan ni Skyler na nasa kanya na ang pangangala ng pasyenteng iyon.

"Pasensya na Angie! Nakaligtaan ko!"

"Paki dala naman 'tong mga gamit ko sa opisina? Please? Puntahan ko lang si Dawson.."
Paki-usap ni Skyler kay Angie. Inabot niya ang ibang gamit niya kay Angie kasama na ruon ang tatlong puting rosas para sa tatlo niyang pasyente at isang pulang rosas na para kay Dawson. Ibinigay niya ang tatlong rosas kay Angie at iba pang gamit niya at kinuha ang pulang rosas.

"Wala pong problema doc Sky! Paki-bilisan lang po doc! Nanduon po si Luis! Baka ho ano nang nangyari"

"Sige sige salamat!"
Pagkatapos mag-paalam, agad siyang tumalikod dala-dala ang nag-iisang pulang rosas at naglakad ng mabilis patungo sa kwarto ng nasabing pasyente.

"Where is he! I want him! I dont want you!"
Wala pa man sa kwarto ay rinig na rinig na ni Skyler ang nakakakilabot na sigaw nito.

"Where is he! I'm asking you! Where is he!"

"I will kill you if you dont tell me where is he!"
Agad nabahala si Skyler ng marinig niyang magbanta ito. Kaya wala na siyang sinayang na segundo. Wala siyang pasabing pumasok sa kwarto ni Dawson.

"Nandito ako! Im sorry Im late!"
Agad na singhal niya pagkapasok.

Nabaling naman ang tingin sakanya ni Luis, kapwa doctor niya at yung tatlong lalaking nurse na kasama niya na labis at halata ang takot kay Dawson. Namumutla din ang mga ito.

Agad naman siyang tumingin kay Dawson na nasa kabilang bahagi ng kwarto sa may bandang sulok na masamang nakatingin kay Luis, pero bigla nalang naglaho ang masamang tingin nito at bumaling kay Skyler na kadadating lang. Tumingin din naman si Skyler sakanya at ngumiti.

Nagulat ang apat na kasama nila sa loob ng tumahimik si Dawson at kusang umupo sa may kama niya.

"Ako nang bahala dito Luis"
Nakangiting utos ni Skyler at kinuha ang tray ng pagkain ni Dawson at gamot na dapat iinumin nito.

Tumingin sakanya si Luis na parang nag-aalangan pero nginitian niya lang ito. Huminga nang malalim si Luis at naglakad papalapit sakanya. Mabilis niyang inilapit ang bibig sa tenga ni Skyler na nakakuha naman ng pansin ni Dawson.

"Are you su--"
Hindi pa man natatapos ang ibubulong nito ng sumigaw si Dawson.

"Get the fuck out!"
Lahat sila ay nanindig ang balahibo sa malakas na sigaw ni Dawson. Namutla naman ang tatlong nurse pati na rin si Luis ay natakot. Wala pang ano-ano ay mabilis na lumabas ang tatlong nurse. Pero si Luis ay nanatili sa tabi ni Skyler.

𝐅𝐥𝐨𝐰𝐞𝐫 𝐁𝐨𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟑)Where stories live. Discover now