Chapter 17

19.6K 641 10
                                    

Pagkarating na pagkarating ni aling Deleng sa bahay ni Skyler para maglinis ng garden nito at alagaan ang mga halaman niya, napakunot ang noo ni Deleng ng makita ang motor ni Skyler

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pagkarating na pagkarating ni aling Deleng sa bahay ni Skyler para maglinis ng garden nito at alagaan ang mga halaman niya, napakunot ang noo ni Deleng ng makita ang motor ni Skyler. Siya ang binabayaran ni Dawson para magalaga sa garden ni Skyler at mga halaman nito.




Alam niyang motor ni Skyler yon dahil sa tagal niya ng kapitbahay si Skyler, ay nakikita niya itong nakasakay madalas sa kanyang motor lalo na pag papasok ito ng trabaho.



Mabilis na naglakad si Deleng papunta sa motor ni Skyler. Ilang segundo niya din itong tinignan bago dumiretso sa pintuan nito. Pero labis siyang nagtaka ng nakasara ang pinto ni Skyler.



"Sky?" Tawag na sigaw siya at kinatok ang napakalaking pintuan nito. Wala naman siyang susi ng bahay dahil ang kabilin-bilinan ni Dawson ay garden lang ang lilinisin niya, hindi kasama ang mansyon ni Skyler kaya walang siyang susi nito. Tanging gate lang ang may susi siya at dun sa maliit na storage room sa likod ng bahay ni Skyler.



Lalo pa siyang nagtaka at nag-alala na rin dahil walang sumasagot. Dati-rati naman ay isang tawag lang ni Deleng kay Skyler ay mabilis na itong lalabas lalo nat pag bibigyan niya ito ng ulam.

"Sky?" Sigaw pa ni Deleng at patuloy sa pagkatok.


Nilukuban na ng kaba si Deleng ng makailang beses siyang kumatok ay hindi pa din bumubukas ang pinto at walang sumasagot. Sigurado naman siyang nandito si Skyler dahil sa tsinelas nito sa tabing pinto.

Hindi na nagdalawang isip sumampa si Deleng sa plantbox sa harap ng bintana ni Skyler para silipin ito sa loob.


May kataasan din kase ang bintana niya at malalaki ito.

"Dyos ko! Mahabaging langit!" Hindi makapaniwalang singhal ni Deleng habang hawak-hawak ang dibdib niya.

Kitang-kita niya ang nakahigang Skyler sa marmol nitong sahig habang duguan.

Tila tumaas naman ang prisyon ni Deleng at nahirapan sa paghinga. Pero kahit ganon ay pinilit niya paring makababa ng maayos at mabilis na tumakbo papunta sa backdoor ni Skyler.


Ilang beses niya iyong sinubukang buksan pero wala nakasara din ito. Inikot na din ni Deleng ang paningin sa buong lugar pero wala siyang makitang makapagbubukas ng pinto.

Natatakot at kinakabahan siya para kay Skyler. Kahit tahimik at hindi pala-kaibigan si Skyler at alam niyang mabuting bata ito.


"A-anong gagawin ko?!" Natataranta niyang sabi. Pabalik-balik siya sa frontdoor at babalik ulit sa back door sa sobrang kaba dahil hindi malaman ang gagawin.

"A-asan ba a-asawa nito?!" Bulong niya at mabilis na kinuha ang cellphone sa bulsa kahit nanginginig na sa takot at nyerbos. Mabilis niyang pinindot ang number ni Dawson at nanginginig na tinapat ito sa tenga niya.

𝐅𝐥𝐨𝐰𝐞𝐫 𝐁𝐨𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟑)Where stories live. Discover now