Chapter 10

26.5K 780 142
                                    

"Dawson? Ano ba yang pinagbibili mo! Napakadami naman nyan!"Natatawang sabi ni Skyler kay Dawson

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Dawson? Ano ba yang pinagbibili mo! Napakadami naman nyan!"
Natatawang sabi ni Skyler kay Dawson.

Nasa loob sila ng kwarto ngayon, katatapos lang nilang maligo at parehas silang nakasuot ng bath robe.

"I think.. this is not enough"
Bulong ni Dawson habang nakatingin sa napakaraming paper bag sa harap nila ni Skyler.

Nanlaki naman ang mata ni Skyler ng makatingin kay Dawson. "Anong this us not enough! Hindi pa ba enough yan? Napakadami na nyan Dawson!"

"Tsaka ang hilig mo naman sa damit kung hindi pa enough yan!"
Sermon sakanya ni Skyler deretso sa banyo para magsuot ng underwear.

"Sino ba nagsabing sakin lahat ng 'to?"
Agad na singhal ni Dawson ng makalabas si Skyler sa banyo.

"E kanino naman yan?"
Takang tanong ni Skyler at umupo sa kama at hindi pa din inaalis ang bath robe sa katawan.

"Wag mong sabihin sakin lahat ng yan!"
Natatawang sabi ni Skyler.

Ngumisi naman si Dawson. "Exactly!"

Nagulat naman si Skyler at tumingin kay Dawson. "No way! Hindi ako ganyan kaluho para sa napakaraming damit na yan! Isa pa, ang mahal-mahal pa nyan!"

"Ibenta nalang natin! Hindi pa naman nabubuksan e! Sayang pera Dawson! Ano ka ba!"
Reklamo ni Skyler habang magkadikit ang kilay na labis na nagpatawa kay Dawson.

"Tsaka marami akong damit sa bahay ko! Mas komportable pa yon kesa dyan!"
Reklamo pa nito.

"No more buts, my Sky! This is all for you! Bibili pa tayo ng marami sa susunod!"

"Aba! Hindi ko naman kailangan ng maraming damit! May damit ako sa bahay!"
Naiinis na reklamo ni Skyler.

"Sino bang nagsabing uuwi ka pa sa bahay mo?"

"Ako! Uuwi ako sa bahay ko! Bahay ko yun e!"
Singhal ni Skyler at tumayo papunta sa closet ni Dawson.

"Hindi! Hindi ka uuwi sa bahay mo! Dito ka na titira kasama ko!"
Singhal ni Dawson na nagpatingin at nagpagulat kay Skyler.

"Dawson! May sarili akong bahay! Paano yung mga halaman ko don? Tsaka bulaklak? May trabaho pa ako sa ospital kaya kailangan kong umuwi"

"Nagpadala na ako ng tao para alagaan ang bahay at mga halaman mo.sa trabaho mo naman hindi ka na uli magtratrabaho"

"Hindi naman ata pwede yan Dawson! May sarili akong buhay! Tsaka mahal ko yung trabaho ko"
Pakiusap ni Skyler. Tila hindi naman nakikinig si Dawson sakanya at kinuha lang ang isang paper bag.

"Balak mo ba talaga akong ikulong dito sa mansyon mo?"

"Yes. Hanggang makakaya ko"
Tipid na sabi nito. Napabuga naman ng marahas na hangin si Skyler.

"Dawson naman e! Si Kyle? Si Kevin? Paano sila dun?"

Bigla nalang nabura ang ngisi ni Dawson ng marinig ang pangalan ng lalaki sa bibig ni Skyler. Bigla naman natakot si Skyler ng tumitig si Dawson sakanya na parang kakainin siya nito ng buhay.

𝐅𝐥𝐨𝐰𝐞𝐫 𝐁𝐨𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟑)Where stories live. Discover now