Chapter 37

16.4K 533 106
                                    


Pagkauwi ni Dawson sa sariling mansyon, sumalubong agad sakanya si Glory.


Agad siyang napatingin kay Glory na nasa sala at naglalakad papunta sakanya. "Naihanda ko na yung damit mo nak. Ingat ka sa Brazil ah! Ang layo pa naman non!" Bilin sakanya ni Glory, pero wala kay Glory ang atensyon niya. Kundi, sa malaking portrait ni Skyler sa sala.



"Sana mahanap mo na ang asawa mo. Hindi ko kayang nakikita kang ganyan nak" Bulong pa ni Glory.


Agad naman siyang nginitian ni Dawson bago ito yinakap. "Ayos lang ho ako nay. Mahahanap din natin siya... at yung anak ko" Bulong ni Dawson habang nakayakap kay Glory.



"Sige na. Umalis ka na. Bumalik ka agad ha" Tumango naman si Dawson bago ito tinalikuran at umakyat papunta sa kwarto nila.


Sumalubong kay Dawson ang madilim at tahimik nilang kwarto ni Skyler. Wala na sila Light at Dark. Ang mga panganay nila. Wala ng tatahol. Wala nang ngangatngat ng upuan. Wala na ding Skyler na umiiyak dahil may mood swings. Wala na ding Skyler na sisigaw ng pangalan niya. Wala na ding Skyler na umiiyak dahil na-eliminate ang idol niya sa dance contest. At higit sa lahat, wala nang Skyler na masisilayan si Dawson bago matulog at magising. Wala na sa apat na sulok ng napakalaking kwarto. Wala na.




Dahan-dahan naglakad si Dawson papunta sa walk-in-closet niya at lumabas dala-dala ang isang malaking itim na kahon bago umupo sa kama.



Nakangiti niyang hinampos ang kahon bago ito dahan-dahan buksan. Sasalubong sakanya ang napakaraming tuyong pulang rosas at hindi mabilang na papel na may sulat kamay ni Skyler.




"Get well soon my Dawson" Mahinang basa ni Dawson sa nakasulat sa papel.



"We're almost there my Dawson! Keep fighting! You will be fine. Goodnight"



"Hindi mo naman nagustuhan yung luto ko ano? Kaya pala naubos mo! Good night!"


"Ibang putahe naman bukas, baka magsawa ka sa luto ko!" Natawa ng mahina si Dawson. "Hinding-hindi ako magsasawa sa luto mo. I miss your tuyo especially your talong" Natatawa niyang sabi.





"I want to see so bad. I want to hug, kiss you! But where are you?! I'm losing my mind now my love!" Umiiyak na singhal ni Dawson habang hawak-hawak ang frame ni Skyler.




"M-mababaliw na talaga ako. Gusto ko i-ikaw gagamot sakin ha? Bumalik ka na please..."



"K-kung nasaan ka man, please take care of yourself. Alagaan mo din ng mabuti ang anak natin. P-please, kahit hindi niya ako k-kilala basta ligtas kayong dalawa..."



Mula sa ilang minutong pagiyak, mabilis na pinunasan ni Dawson ang mga luha niya bago ibalik lahat sa ayos ang gamit.





Napangiti naman siya sa tuwing minamasdan ang damitan na pinaghalong damit ni Skyler at damit niya. Mabilis niyang kinuha ang paboritong damit ni Skyler.




Isang sweater na may naka-burdang malaking rosas sa harap non. Idinikit ni Dawson ang ilong sa damit at ilang beses inamoy. "It's smells like you" Bulong niya habang inamoy-amoy ang damit.




Hindi niya talaga pinalabhan ang damit. Dalawang araw bago naaksidente si Skyler ay sinuot niya ang damit. "You always smell so good. I'm addicted" Nakangiti niya pang sabi bago lumabas at buksan ang bagahe.





Maingat niyang inilagay ang damit ni Skyler sa bagahe niya bago isara iyon.





Huminga ng malalim si Dawson bago buhatin ang bagahe. "I hope you're here at your favorite place na hindi man lang natin napuntahan na magkasama"




𝐅𝐥𝐨𝐰𝐞𝐫 𝐁𝐨𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟑)Where stories live. Discover now