EP#3 - WEDDING / +2

20.6K 590 100
                                    

[SKYLER]

"Ate?! Kinakabahan ako!" Sigaw ko kay ate. Kanina pa pinapawisan ng malamig yung kamay ko.



"Gaga! Bakit ka kakabahan?! Ikakasal ka lang! Hindi ka bibitawin!" Sigaw niya pabalik sakin.




Kasalukuyan akong nakaupo sa harap ng salamin. Inaayusan ako nung nag-aayos. Naka-suot ako ng light blue na coat na pinarisan din ng light blue na pants at white na turle neck.




Natuwa naman ako ng malamang blue at white ang theme ng kasal namin. Paborito kong kulay ang pinili niya.
Napag-alaman ko ding siya lahat nag-asikaso ng kasal namin. Hindi naman dapat turtle neck ang isusuot ko. Kaso nandito pa yung mga marka sakin ni Dawson. Nahihiya ako syempre.




"Ate naman!" Sigaw ko kay ate.



Mabilis naman humarap sakin habang hawak ang korona ng bulaklak. "Wag mong kapalan make-up! Maganda na yung kapatid ko. Mapapatay tayo ng asawa niya" Singhal ni ate sa make-up artist bago maingat na pinatong sa ulo ko yung korona ng bulaklak.



"Perfect!" Sabi niya pa pagkatapos ipatong. "Tignan mo, ang ganda-ganda mo. Ikaw ang pinaka-magandang bulaklak sa hardin ng bulaklak" Ano-ano na naman sinasabi ni ate. Kumain naman siya.



"Ate! Hindi mo naman ako tinutulungan e!" Naiiyak kong sabi sakanya. Tumawa naman siya ng mahina.



Mabilis niyang hinawakan ang dalawang kamay ko. "Wag kang kabahan. Ito ang pinaka magandang araw sa buong buhay mo. Kaya relax! Hindi tatakbo yung simbahan" Natatawa niyang sabi.





Napanatag naman ako kahit konti. Tama. Hindi talaga tatakbo yung simbahan.




"Ayan! Kumpleto na!" Inabot sakin ni ate yung bouquet ng bulaklak. Pinaghalong puti at asul lang ang kulay.





Hindi ko alam kung bakit napahinga ng malalim si ate at umupo sa harap ko. "Masaya ako para sayo bunso. Pasensya na sa nagawa ko noon ah? Hindi sinasadya ng ate. Mahal na mahal kita alam mo yan" Nakangiting sabi ni ate kasabay ng pagtulo ng luha niya.




"Ate! Wag kang umiyak! Naiiyak ako!" Reklamo ko sakanya.



Mabilis naman niyang pinunasan ang luha niya.



Nakasuot siya ngayon ng dark blue na dress na bagay na bagay sakanya.




"Pero may gustong maghatid sayo sa altar" Bulong niya sakin.




Agad naman akong binalot ng katanungan. Agad akong napatingin sa rekpleksyon ko sa salamin.



Ganun nalang kabilis ang pagtulo ng luha ko ng makita ang taong nakatayo sa likod ko.





Mabilis akong tumayo at niyakap siya. "D-dad!" Umiiyak kong sabi sakanya habang nakayakap.



Akala ko hindi na siya dadating. Akala ko hindi na talaga.


Mabilis din niya akong niyakap ng mahigpit pabalik. "Stop crying my beautiful son. Aatras yung asawa mo bahala ka!"

_______________________________________________

[DAWSON]

"You're shaking Mr. Lewis" Sabi sakin ni Luis habang tumatawa.



"The wedding will start after 5 minutes! Stand by!" Lalo pang nadagdagan yung kaba ko.



Nakatayo kami ngayon dito sa tabi ng altar. Hinihintay na bumukas ang malaking pinto ng simbahan. Hindi ko maiwasang kabahan. Paano kung nagbago pala ang isip niya? Hindi pwede.



𝐅𝐥𝐨𝐰𝐞𝐫 𝐁𝐨𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟑)Where stories live. Discover now