Chapter 30

17.9K 577 20
                                    

"Lagot talaga kay Knight yang babaeng yan!"



"Napakawalang modo! Napakasama ng ugali!"



"Tumatanda ako ng maaga dahil sa babaeng yan!" Galit na galit na sabi ni Glory.



Tahimik lang si Sky. Hindi na katulad kanina na masigla. Parang nawalan siya ng gana bigla. Hindi niya malunok-lunok ang kinakain niya. Pilit pa rin pumapasok sa isip niya ang mga sinabi ni Skylie.



"Akala mo sino!" Sigaw pa ni Glory.





Natigil naman sa pagkain si Skyler at nagsalita. "Wag na po nating palakihin ang gulo nay"





"Wag niyo nalang po siyang isumbong kay Dawson. Lalo lang pong lalaki ang gulo" Bulong ni Skyler.




"Hay nako! Hindi ko malaman sayo Skyler! Ikaw na ang nagrabyado ikaw pa itong nagpapakumbaba!"




"Wala naman pong mangyayari nay kung walang magpapakumbaba" Dahilan naman ni Skyler.


Napabuntong hininga nalang si Glory. "Hindi ko na mapapangako Sky. Ilang beses na yan!" Walang nagawa si Sky kundi sumang-ayon.



Ayaw niyang magalit si Dawson kay Skylie. Alam niyang masama kay Skylie yon dahil buntis siya. Gusto niya ding magkaayos na silang dalawa para sa anak nila. Kawawa ang bata kung lalaking sira ang pamilya. At ang sumira nito ay sarili niyang tito. Hindi niya ata maaatim na makita ang pamangkin na malungkot.


Tumayo nalang si Skyler pagkatapos uminom ng tubig. "Ayaw mo ba nak? Ang konti pa lang ng kinain mo!" Agad na singhal ni Glory. Hindi niya man lang nabawasan ang leche flan niya.



Ngumiti naman si Skyler. "Busog na ho ako nay"


"Gusto ko pong magpahinga" Dahilan niya pa.



Wala naman nagawa si Glory kundi sumangayon. "Osya sige! Bahala ka. Isusumbong kita sa asawa mo" Pananakot nito.



Napatawa naman si Skyler dahil duon. "Nay naman e!"




Kahit si Glory ay natawa din. "Sige  na! Pumanik ka na at magpahinga!"





Ngumiti si Skyler sakanya. "Salamat ho nay!" Pagpapasalamat niya bago buhatin si Light at Dark ba nakaupo sa tabi niya kanina pa.





Mahirap na! Baka bigla nilang makasalubong si Skylie at lapain nalang ng nga babies niya ito.





Mabilis siyang umakyat sa kwarto nila. Sila Light at Dark naman ay naglalaro sa mga bisig niya. Nang makarating siya, mabilis niyang binuksan ang pinto at pumasok.





Binuksan niya ang kurtina na nagtatakip papunta sa balkonahe nila ni Dawson at umupo sa tapat nun.





Iniisip niya pa din ang mga sinabi ni Skylie.




Eto na nga lang ba ang buhay na maiibigay niya kay Dawson?

Tinanong niya ba si Dawson kung gusto niya ng ganito? Diba hindi naman?




Pilit isiniksik sa utak niya na kahit kailan hindi siya magkakaanak kay Dawson.




Hindi namalayan si Skyler na tumutulo na pala ang mga luha niya. Hindi pa niya malalaman kundi pa dinilaan nila Dark ang mukha niya.


Gumagawa din ng ingay ang dalawa na parang umiiyak din. Natawa nalang si Sky sakanila. Para talaga silang mga bata. "Ang babait ng babies ko!" Singhal ni Skyler at hindi pa din tumigil sa pagiyak.



𝐅𝐥𝐨𝐰𝐞𝐫 𝐁𝐨𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟑)Where stories live. Discover now