Chapter 5

26.1K 843 137
                                    

"Naayos ko na yung mga papel mo Dawson

Ups! Ten obraz nie jest zgodny z naszymi wytycznymi. Aby kontynuować, spróbuj go usunąć lub użyć innego.

"Naayos ko na yung mga papel mo Dawson. Pwede ka nang umuwi!"
May halong lungkot na sabi ni Skyler.

"Sabi ko naman sayo e! Gagaling ka!"
Nakangiting sabi nito at nilapitan si Dawson na nakatitig lang sakanya.

"D-do I really have to go?"
Bulong na tanong nito.

Bahagyang natawa naman si Skyler dito. "Syempre naman! Hindi ka na pwede dito! Magaling ka na!"

"Tsaka isa pa, hindi ka naman baliw!"
Paliwanag sakanya ni Skyler habang naka-upo ito sa harap niya.

"B-but..."
Pinutol nito ang sasabihin niya at tumitig sa mukha ni Skyler.

"But?"
Sunod na tanong ni Skyler sakanya habang nakatingin.

"Hatid mo 'ko samin.."
Ngumiti naman si Skyler dito.

"Hindi ka ba susunduin ng mga magulang mo?"

"I heard, they would glad to see you as soon na makalabas ka dito.."
Biglang bumalik sa pagka-seryoso ang mukha ni Dawson.

"No. They are busy. They call me awhile ago. Pinasundo lang ako sa driver namin"
Paliwanag nito at huminga ng malalim.

"Kung ayaw mo naman hindi naman kita pinipi-"

Pinutol agad ni Skyler ang sasabihin nito. "No! Hindi ko naman sinabing ayaw ko Dawson!"

"Ang saya nga e! Atleast, bago m-maghiwalay ang l-landas natin, n-naenjoy natin diba?"
Ginawa ni Skyler ang makakaya niya para hindi magcrack ang boses niya at pigilan ang luha nito.

Ito na ang huling pagkakataon na makakasama niya si Dawson. Hindi niya mawari ang nararamdaman, tila nahulog na siya dito sa loob ng maikling panahon.

Si Dawson lang kasi ang nagpapakita na may halaga siya, na may saysay sa mundo. Maliban kay Angeline. Si Dawson lang ang yumakap sakanya ng totoo. Si Dawson at Angeline lang ang nagparamdam sakanya na pagkatapos nang trabaho niya ay para na siyang gamit na ballpen at itatapon nalang sa basurahan. Siya lang. Sila lang.

Sa loob ng dalawamput tatlong taong pamumuhay sa mundo, nasanay na si Skyler sa takbo nito. May mapagkakatiwalaan, merong hindi. May mapagsamantala, merong mabait. Pero ano nga ba talaga ang papel niya sa mundong ito?

His family used him, and then throw him like a trash. Tanging naiwan lang sakanya ay ang flower shop ng ina at mansyon nito na binalak pang kunin sakanya ng magaling niyang ama.

His father used him, for years. Ginamit siya nito para palaguin ang kumpanya nila. He used Skyler. Trinabaho ni Skyler ang kumpanya sa edad na 16 hanggang mag-21 ito. Pinagsabay niya ang pag-aaral at kumpanya. Ginawa niya iyon para hindi mabigo ang ama niya at maging proud sakanya. Pero nang lumago at kilalang-kilala na ang kumpanya, binawi ito sa kamay niya.

Tandang-tanda pa ni Skyler ang sinabi ng ama niya. "Hindi para sayo ang kumpanya ko. Bayad naman ang pagtratrabaho mo. Simula ngayon, bumukod ka na gamit ang ipon mo. Naka-pagtapos ka naman. Wag ka ng aasa sakin"

𝐅𝐥𝐨𝐰𝐞𝐫 𝐁𝐨𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟑)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz