Chapter 18

20.7K 612 25
                                    

"M-mommy!" Singhal ng umiiyak na Dawson at mabilis na tumakbo payakap sa ina niya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"M-mommy!" Singhal ng umiiyak na Dawson at mabilis na tumakbo payakap sa ina niya.

Halos isang oras na din siya dito sa labas ng operating room. Puno ng dugo ang damit niya pati na din ang kamay niya.


Halos hindi siya nakagalaw ng makita ang kalagayan ni Skyler kanina. Ngayon, nakikipaglaban si Skyler para sa buhay niya.


"M-mommy! Y-yung asawa ko!" Parang batang nagsusumbong na sabi ni Dawson at lalo pang umiyak. Walang nagawa si Delia kundi yakapin ang anak. Ngayon lang umiiyak ng ganito si Dawson.

Ni hindi ata umiyak si Dawson noong iniwan siya ni Skylie. Naglasing lang siya nang naglasing. Pero hindi siya umiiyak.

"Okay lang siya" Pag-aalo ni Delia sakanya.

"H-hindi mommy! H-hindi okay asawa ko!" Umiiyak pa nitong sabi.

"Magiging okay din siya. Magtiwala ka sakanya"


Pinagmamasdan naman ni Knight ang anak niyang parang batang nakayakap sa ina niya. Napangiti siya ng maliit dahil kahit anong tapang at lakas ni Dawson ay may kahinaan pa rin ito na sakanila niya lang pinapakita. Hindi din siya nagbago. Mama's boy pa din.

_____________________________________________

Agad napatayo si Dawson ng lumabas ang doctor sa operating room.

"D-doc? H-how's my husband?" Mabilis at walang paligoy-ligoy na tanog ni Dawson.

"He is stable as of now. Buti nalang hindi tuluyang naputol ang ugat niya sa pulsuhan" Nakahinga ng maluwag si Dawson dahil sa sinabi ng doctor.

"Pero kailangan natin siyang masalinan ng dugo sa lalong madaling panahon. Maraming dugo ang nawala sakanya"

"Ako doc! K-kumuha kayo ng dugo sakin! Kahit gaano pa kadami!" Mabilis na pagprepresinta ni Dawson.

"We need AB type of blood"

"A-AB?" Nauutal sa tanong ni Dawson. Type B kase si Dawson.

"M-mommy type B ako.." Mahinang bulong ni Dawson. Si Knight naman ay B din at si Delia.

"Wag kang mag-alala anak. Kami na ang bahalang humanap ng dugong isasalin sakanya. Bantayan mo nalang siya" Bilin ni Delia. Sumang-ayon naman si Dawson.

Maya-maya pa ay may lumapit na nurse sa doctor na kausap nila at binulungan ang doctor. Nginitian naman ng doctor ang nurse bago hnalis.

𝐅𝐥𝐨𝐰𝐞𝐫 𝐁𝐨𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟑)Where stories live. Discover now