Chapter 4

25.3K 851 7
                                    

"Why are you so late?!"Nagulat si Skyler ng biglang sumigaw si Dawson pagkapasok na pagkapasok niya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Why are you so late?!"
Nagulat si Skyler ng biglang sumigaw si Dawson pagkapasok na pagkapasok niya. Magkadikit din ang makakapal nitong kilay.

"Pasensya na Dawson. May kinausap lang ako"
Nakangiting sagot pa din ni Skyler kahit nakakatakot ang titig ni Dawson sakanya.

"Who is it?!"
Isang buwan na din si Dawson dito. Tila dumadaldal na din ito. Pero hindi pa siya nakikita ni Skyler na ngumiti at siya lang ang kinakausap nito.

"Nothings important. Pamilya lang ng isa sa mga pasyente ko"
Hindi na sumagot si Dawson.

"Sabi ko naman sayo wag mong pinagdidikit yang kilay mo!"
Agad lumapit si Skyler sakanya at hinawakan ang mukha ni Dawson at hinahagod-hagod ang kilay nito.

Hindi naman mapigilang mapapikit ni Dawson. Hindi niya alam kung anong nagtulak sakanya para yakapin ang bewang ni Skyler na nagpagulat sakanya.

"Just continue, I want it"
Ngumiti si Skyler at nagpatuloy na hinagod ang mga kilay ni Dawson. Hindi pinansin ang malalaking brasong nakapulupot sa bewang niya.

Naalala ni Skyler ang mga pinag-usapan nila ng mga magulang ni Dawson.





"Doc, Sky? May naghahanap po sainyo"
Singhal sakanya ni Angie. Nandito kasi siya sa kusina para ipagluto ng pagkain si Dawson. Hindi niya din alam kung bakit niya ginagawa ito. Ang trabaho lang naman niya ay kausapin at pagaanin ang loob ng pasyente hindi kasama ang ganito.

"Sino daw?"
Balik na tanong ni Skyler kay Angie habang inilalagay ang ulam sa tupperware.

"Si Mr. Mrs Lewis doc!"
Agad napatingin si Sky kay Angie ng banggitin ang pangalan nang mga taong naghahanap sakanya.

"Sige Angie. Paki-lagay nalang ito sa office ko please? Thanks Angie!"
Paki-usap nito. Nag-thumbs up pa si Angie. Agad hinubad ni Skyler ang apron at sinuot ang coat niya at naglabas palabas.

"Hi good morning! Im Skyler Davidson"
Agad na bati ni Skyler ng makita niya pagkaupo kaharap ang mga magulang ni  Dawson. Napatingin naman at nagulat ang parehas na magulang ni Dawson ng makita siya na nagpagulat kay Skyler pero hindi na niya iyon pinansin. Halatang respetado ang mga ito. Sumisigaw din ng kapangyarihan ang awra nila. Halatang mayaman din ang mga ito.

"Hi doc! Im Delia Lewis and this is my husband Knight Lewis"
Nakangiting pagpapakilala ng nanay ni Dawson. Ngumiti naman si Skyler sakanya ganun din naman ang ginawa ni Knight ang tatay ni Dawson.

Medyo nagulat si Skyler kanina ng makita ang ama ni Dawson dahil parang magkapatid ito. Ang pinagkaiba lang balbasero ang tatay ni Dawson pero hawig na hawig talaga sila sa laki ng katawan at hubog nito.

"Nandito kasi kami dahil gusto naming malaman ang balita sa anak namin.."
Malumanay na tanong ni Delia. Halata sa awra nito ang likas na kabaitan.

"Ayos lang naman mo si Dawson-"
Hindi natuloy ang sasabihin niya ng putulin agad ito ni Delia.

"Dawson?!"
Parang hindi makapaniwalang singhal nito na nagpakunot ng noo ni Skyler.

"May problema po ba?"
Nagtatakang tanong ni Skyler. Nagkatinginan naman ang dalawa at ngumiti sakanya.

"Wala. Sige go ahead hijo"
Si Knight naman ngayon ang sumagot. Ngumiti naman si Skyler at tumango.

"Okay naman po si Dawson. Hindi naman po siya baliw. Depress lang po siya. He needs attention and affection. Kailangan niya lang po nang mag-aalaga sakanya"

"Ngayon po. Nakaka-usap na po siya. Kaso lang ho hindi ko po maintindihan sa anak niyo kung bakit ako lang ang kinakausap niya"
Natawang konti si Skyler habang nagkwekwento siya.

"Kumakain naman din po siya at umiinom ng gamot kung ako yung magpapainom at magpapakain sakanya. As of now baka po after a week or two makakalabas na siya dito"
Nakangiting sabi ni Skyler na nagpangiti din sa dalawa.

"Hindi siya baliw? Bakit sinubukan niyang magpakamatay ng limang beses?"
Tila naman nagulat si Skyler ng malaman iyon.

"Ahmm. Katulad po ng sinabi ko. Stress lang po at depressed siya. Baka hindi niya po nakayanan ang sakit"

"Pwede ko bang malaman kung anong nangyari sakanya?"



"Ayan ayos na!"
Nakangiting sabi ni Skyler pagkatapos niyang hagudin ang kilay ni Dawson.

Nagtaka naman ito ng hindi siya pinakawalan nito sa halip ay hinapit pa siya nito palapit at niyakap ng mahigpit pagkatapos ipatong ang ulo niya sa balikat ni Skyler.

Kahit nagulat ay hinayaan lang ito ni Skyler. Ito ang unang beses niyang makitang ganito si Dawson. Para siyang batang nangungulila sa ina.

"Thank you my Sky.."
Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Skyler ng marinig niya si Dawson.

Yinakap nalang siya pabalik ni Skyler at hinagod ang likod.

"May maganda akong balita sayo.."
Bulong ni Skyler habang nakayakap pa din si Dawson sakanya.

"Basta ipagpatuloy mo yan, pwede ka nang makalabas next week or next next week"
Biglang napa-angat ang tingin ni Dawson sakanya at napatitig dito.

"N-next week?"

"Uhmm. Next week! Is'nt it great?"

"Yea. G-great"

 G-great"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
𝐅𝐥𝐨𝐰𝐞𝐫 𝐁𝐨𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟑)Where stories live. Discover now