Chapter 15

19.7K 633 36
                                    

"Masakit ba? Skyler? Masakit ba anak?"Bulong ni Nathan sa anak habang nakangisi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Masakit ba? Skyler? Masakit ba anak?"
Bulong ni Nathan sa anak habang nakangisi.

Hindi naman makasagot si Skyler at nakayuko lang pilit na pinipipigilan ang mga luhang gustong lumabas sa mga mata niya.

Hanggat maaaari ay ayaw niyang umiyak sa harap ng walang kwenta niyang ama. Ayaw niyang magpakitang mahina dito.

"Nakakaawa ka naman"

"Bakit hindi mo nalang tanggapin na, walang magmamahal sa katulad mong mamamatay tao!"
Tila naman sumabog na si Skyler sa galit. Hindi na nito natiis ang mga sinasabi nito.

"Hindi ako mamamatay tao!"
Sigaw nito pabalik.

Naglalaban sila ng tingin. Walang gustong magpatalo. Walang gustong pumutol at mag alis ng tingin.

"Mamamatay tao ka! Sarili mong ina pinatay mo! Wala kang kwentang anak! Isa kang kahihiyan! Nakakahiya ka!"

"Bakla ka na nga! Mamamatay tao ka pa! Ina mo pa ang pinatay mo! Wala kang konsensya!"

"H-hindi ko pinatay si mama! Kasalanan mo yon! Hindi ko siya pinatay!"

Tila naman lalong nag-init ang ulo ni Nathan at mabilis na hinawakan ng mahigpit ang mga pisngi ni Skyler gamit ang mga palad nito. "Ikaw ang pumatay sakanya dahil baliw ka! Baliw ka! Naiintindihan mo ba?"
Nanggagalaiting sigaw nito at mabilis na itinulak si Skyler.

Mabuting nagawa ni Skyler na balansihin ang sarili kundi ay sumalampak na siya sa sahig.

"Hindi ko alam kung bakit ka na naging doctor ng mga baliw! E baliw ka din naman!"

"Salot ka! Hindi ka nababagay sa mundo! Mamatay ka nalang sana!"
Nawarak naman ang puso ni Skyler ng paunti-unti sa mga binibitawan nitong salita.

Kung makapagsalita siya ay parang hindi niya ako anak! Siya naman ang may kasalanan kung bakit nangyari yon! Hindi ako! Hindi ako!

"Hindi pa ba sapat na itinakwil mo ko bilang anak?! Inalisan ng karapatan bilang isang Hendrick?! Ano pa bang gusto mo?! Gusto mong mamatay ako?!"

"Sige! Hintayin mo! Mamatay din ako! Mamatay ako para sa ikakasaya mo!"
Wala naman pinapakitang ekspresyon sa mukha si Nathan. Nakatitig lang ito kay Skyler.

Hindi na napigilan ni Skyler ang mga luha niya. Unti-unting bumagsak ang mga ito sa kanyang pisngi. Ilang beses niyang sinabi na hindi na siya iiyak, na hindi na siya magiging mahina. Pero hindi na niya kaya. Masyadong masakit. Masakit na masakit.

"Oo gusto kitang mamatay!"
Pasigaw na singhal ng ama niya. Ngumiti naman ng mapait si Skyler at pinunasan ang mga luha nito.

"Wala kang karapatan gamitin ang apilido ko! Kahit apilido pa ng mama mo!"

"Hindi ko nga alam kung saan ka nagkakakuha ng kapal ng mukha para gamitin ang apilido ng taong pinatay mo!"
Hindi sumagot si Skyler at nakatitig lang sakanya.

"Panakip butas ka lang! Parausan!"

"Ngayong magkakaanak na ang ate mo kay Knight, itatapon ka nalang niya!"
Unti-unti nang napahagulgol si Skyler. Hindi niya ata kaya. Hindi ata. Ang iisang taong tumanggap sakanya at itatapon nalang siya. Kakalimutan. Saan na siya pupulutin ngayon?

"Hindi mo siya mabibigyan ng anak! Itatak mo yan sa kukute mo!"
Singhal ni Nathan at dinuro nito ang ulo ni Skyler.

"Dapat namatay ka nalang sa mental na yon! Hindi ka na dapat nabuhay!"

Huminto si Skyler sa pagiyak at pinunasan ang mata sa hindi mabilang na pagkakataon.

"Sige! Tanggap ko! Panakip butas ako! Parausan ako! Kahit ano pang sabihin mo!"

"Pero hindi ako ang may kasalanan kung bakit namatay si mama!"

"Alam naman nating pareho kung sino ang may kasalanan!"

"Oo ako ang bumaril! Pero ikaw ang dahilan!"

"Wag mong isisisi sakin ang lahat! Buong buhay ko nagsisisi ako! Hinahanap ko yung kapatawaran na pinagkakait niyo!"

"Kung ako walang kwentang anak, mas wala kang kwentang ama!"
Sigaw ni Skyler at dinuro ang ama niya. Tahimik lang si Nathan na pinakakinggan ang anak.

"Wag kang mag-alala! Wala akong balak guluhin ang ate at si Dawson!"

"Baka sa susunod na araw wala ka na ding aalahaning Skyler Davidson na kinamumuhian mo!"

"Wag kang mag-alala! Mamatay din ako! Malapit na!"
Huling singhal ni Skyler at mabilis na tinalikuran ito pasakay kay Kyle.
Mabilis niyang hinugot sa bulsa ang susi ni Kyle kasabay ng walang sawang pagtulo ng luha niya.

Agad niyang pinaandar si Kyle at hindi nilingon ang ama.

Pabilis ng pabilis ang pagtakbo niya kasabay ng paglabo ng tingin niya dahil sa mga luha.

Wala siyang paki sa mga sasakyan na nasa unahan. Nilalagapasan niya ito na parang wala lang. Hindi niya din pansin ang traffic lights at mga road sign. Mas lalo niya pinabilis ang takbo. Wala paki sa mga busina at sigaw ng mga tao.

Maayos at mabilis siyang nakarating sa bahay niya. Unti-unting tumulo ang mga luha ni Skyler kasabay ng paghagugol niya ng malakas. Lahat ng sakit ay isinigaw niya lang at iniiyak.

Sa sobrang sakit ay napaupo nalang si Skyler sa tapat ng pintuan ng sariling bahay. Wala siyang ginawa kundi umiyak ng umiyak. Sumigaw ng sumigaw. Iiyak ang sakit, isigaw ang sakit ang tanging paraan para maibsan ang nararamdaman.

Nang mahimasmasan ng konti, parang patay siyang naglakad papasok. Nabaling ang tingin siya sa tatlong malalaking portrait na nakasentro sa sala ng bahay niya. Si Kylie ang ina niya. Si Skylie ang ate niya at siya. Inilock niya ang pinto. Nagpatuloy lang siya sa paglakad hanggang makarating sa kusina.

"Ahhhh!"
Malakas na sigaw ni Skyler kasabay ng pagbato ng mga gamit na kung anong makita niya.

Tuluyan na naman siyang napahagulgol sa sakit. "A-ayoko na! A-ayoko na!"
Paulit-ulit niyang sigaw habang walang sawa dumadaloy ang masasaganang luha sa mata niya.

"Ahhh! A-ayoko na! P-please! A-ayoko na!"
Parang batang nagmamakaawa. Ang dating maayos at malinis na kusina, at tila dinaanan ng bagyo sa gulo. Nagkalat ang mga gamit. Basag ba mga plato, baso at iba pang kagamitan.

"M-mama! A-ayoko na! S-susunod na ko sayo p-please!"
Pagmamakaawa nito.

Nabaling ang tingin si Skyler sa kutsilyo na tumilapon dahil sa pagbato niya. Dahan-dahan niya itong inabot at mahigpit na hinawakan.

Nanghihina siyang tumayo. Dinaanan ang mga bubog sa sahig hindi alintana ang sakit at hapdi ng sugat na dulot nito sa paa niya.

Patuloy lang siya sa paglakad hanggang makarating sa sala niya. Bakas na bakas ang dugo bawat daanan niya dahil sa sugat sa mga paa. Wala pa rin hinto ang mga luha niya.

Huminto siya sa harap ng malaking portrait ng ina at lumuhod habang nakatingalang nakatingin duon.

Ngumiti siya ng mapait habang nakatitig. Napakaganda ni Kylie. Kamukhang-kamukha nila Skylie at Skyler. "S-susunod na ko m-mama. S-susunod na ko. H-hintayin moko"

 H-hintayin moko"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
𝐅𝐥𝐨𝐰𝐞𝐫 𝐁𝐨𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟑)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon