Chapter 29

17K 609 26
                                    

Mabilis na napatayo si Glory ng wala sa oras at nabulabog sa pagbabasa niya ng makita niya si Skyler ba papungas-pungas na bumababa ng hagdan. Nasa likod nito si Light at Dark na bantay sarado talaga sila kay Skyler. Mabilis niya itong nilapitan at hinawakan sa kamay para maalalayan sa pagbaba. "Good morning nay!" Masiglang bati naman ni Skyler sakanya at nakangiti ng ubod ng laki.





"Magandang umaga din anak. Nagugutom ka na ba?" Agad na tanong ni Glory habang sabay silang naglalakad papasok sa kusina.






Ngumiti naman si Skyler kasabay ng pagnguso niya at pagtango. "Gusto ko talaga ng tuyo nay..." Nakangusong bulong nito at parang batang yumakap kay Glory. Hindi naman mapigilang mapangiti ni Glory sa paglalambing ni Skyler. Mabilis din niya itong niyakap. "Wag kang mag-alala! Mamayang gabi makakakain ka na ng tuyo!" Tumatawang sabi nito.






"Talaga nay?! Nag-order ba kayo sa Lazada o Shoppee? Magkano ho nay? Babayaran ko nalang" Mabilis na singhal ni Skyler.







"Hindi mo na kailangang bayaran. Hindi naman ako ang bibili e!" Tumango naman si Skyler.





"Ipaghahanda muna kita..." Ngumiti naman agad si Skyler dito at tumango.







Nang makaalis si Glory, mabilis na naglakad si Skyler papunta sa ref at kumuha ng gatas. Mabilis din siyang kumuha ng dog food at ang mga lalagyan ng mga pagkain nila Light at Dark.







Sila Light at Dark naman ay nakasunod lang sakanya. Sumalampak sa sahig si Skyler at pinuno ng pagkain ang lalagyan nila Light at Dark at gatas ang inuminan nila.






"Mga baby ko! Kain na kayo..." Nakangiti niyang sabi. Kinaway naman nila Light at Dark ang mga buntot nila bago humarap sa pagkain.






Nakangiti lang na pinapanood ni Skyler na kumain ang dalawang babies niya habang nakasalampak siya. Hinihimas-himas niya din ang mga tiyan nilang dalawa. Hindi naman sila nagagalit. Kinakaway-kaway pa nila ang buntot nila.





Maya-maya lang ay huminto ang dalawa sa pagkain na labis na nagpataka may Skyler. Mabilis na sumampa si Dark sa mga hita niya at hiniga ang ulo nito sa tiyan niya. Si Light naman ay umupo patalikod sa harap niya. May gatas pa nga sa nguso si Light. Dahil kulay itim siya kitang-kita iyon. Mabilis iyong pinunasan ni Skyler.





"Ayaw niyo na ba mga anak ko? Ubusin niyo naman mga pagkain niyo..." Paki-usap ni Skyler sakanila habang hinihimas-himas ang tiyan nila pareho.





Maya-maya nalang nagulat si Skyler ng nakita si Skylie na nakatayo sa harap niya. Biglang huminto sa pagkaway ang buntot ni Dark. Mabilis naman umupo mula sa pagkakahiga sa tiyan ni Skyler si Light at umupo ito sa kandungan niya.







"Oh! Tignan mo nga naman!" Singhal ni Skylie at umupo din sa harap ni Skyler. Hinawakan lang ni Skyler ang mga buntot ng babies niya.





"Ang ku-cute naman ng mga anak niyo ni Knight!" Puri nito na nang-iinsulto.






Nagulat sila pareho ng lumikha ng ingay si Dark at naglabas ng ngipin. Mabilis naman na hinagod ni Skyler ang likod nito.






"Ang tapang ng panganay niyo! Kasing tapang mo!" Pagpapatuloy pa ni Skylie at hindi pansin ang nagagalit na Dark sa pagitan nila.






Napansin din ni Skyler na nagagalit na din si Light. Para silang taong nakakaintindi. "Ito ba ang gusto mong buhay na ibigay kay Knight? Mag-anak ng aso?"






𝐅𝐥𝐨𝐰𝐞𝐫 𝐁𝐨𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟑)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon