Chapter 25

19K 639 114
                                    


"Good morning manang!"

"Good morning nay!" Sabay na bati ni Skyler at Dawson nang makarating sila sa kusina at nadatnan si Glory duon. Parehas pa silang naka-panjama dahil kagigising lang nila.



"Magandang umaga din mga anak!" Nakangiti naman nitong balik.




"Bakit naman nakapusan sayo yang asawa mo? May masakit ba sakanya?" Nagtatakang tanong nito habang nakatingin kay Skyler at Dawson.





Nakapusan kasi si Skyler kay Dawson habang nakasubsob ang leeg nito sa leeg ni Dawson.




Ngumiti lang si Dawson kay Glory. "Naglalambing po nay!" Pabulong nitong sabi bago kintalan ng halik ang pisngi ni Skyler.



"Kayo talagang mga bata kayo!" Natatawa din nitong sabi. "Sige na upo na kayo! Ipaghahanda ko na kayo pagkatapos kong pakainin itong mga anak niyo!"




Tumango naman si Dawson at mabilis na ipinaharap si Skyler bago umupo at kinandong ito.



"Light! Dark!" Malakas na sigaw ni Glory pagkatapos niyang lagyan ng dog food at gatas ang pagkainan ng dalawang aso.



Maya-maya lang ay maririnig mo ang malalakas na tahulan nilang dalawa at yakap ng mga kuko nila na naguunahan pababa.




Mabilis silang lumaki, isang buwan lang ay malaki na agad sila. Sagana kase sa pagkain at gatas. Spoiled na spoiled kay Skyler. Isang kahon din ang mga laruan nila at napakalaki ng higaan nilang dalawa. Binili din ni Skyler ito ng mga damit kaso nga lang ay ayaw ni Dark na magdamit naiirita ito. Si Light naman ay sinisira lang. Mas malaki na si Dark kay Light. Ganun pa din ang ugali nilang pareho, tahimik lang si Dark at magaslaw naman si Light. Parang kuya lang si Dark na nagsisilbing tagabantay ni Light. Hindi lang ni Light, kundi pati ni Skyler.




"Anong gusto mong gawin? Day-off ko ngayon.." Nakangiting bulong na tanong ni Dawson. Si Skyler naman ay nakakandong lang paharap sakanya at nakasubsob ang mukha nito sa leeg ni Dawson.



"Tinatamad ako... Gusto kong matulog.." Tamad na tamad na sabi nito. Isa pa ito sa pinagtataka ni Dawson. Laging tulog si Skyler. Kundi tulog, pabago-bago ng mood. Laging din kumakain.


Mabuti nalang talaga mayaman ako, kundi namulubi ako sa asawa ko!




"Sige kung gusto mong matulog, matutulog lang tayo ngayong araw!" Singhal ni Dawson at hinahagod-hagod ang likod nito at kinintalan ng halik ang leeg ni Skyler ng ilang beses.



"Pero gusto ko din tignan mga halaman ko.."


"Hindi ko alam kung anong gagawin.. tinatamad talaga ako hubby..." Napamulat si Dawson sa tinawag sakanya ni Skyler. Parang may mga paru-parong lumilipad sa tiyan niya.
"W-what did you just called me?" Tanong nito at mabilis na hinarap si Skyler. Si Skyler naman ay pupungas-pungas pa ang mata halatang inaaktok pa.





"Hubby.." Napangiti naman ng malaki si Dawson.


Ang sarap pakinggan! Hubby?! Sarap sa tenga!

"Can you say it once again?" Abot tengang ngiti pa nitong tanong.


Bagamat nagtataka ay sinunod ito si Skyler. "Hubby.."


"Fuck! I'm fucking happy!" Huling bulong ni Dawson bago siilin ng halik si Skyler. Hindi naman tumutol si Skyler. Sinagot niya ang mga halik ni Dawson.


"Aga-aga ang lalandi! Nakakasira ng umaga!" Naputol ng halikan nila ng magsalita ang bundat na Skylie. Padabog itong umupo sa isa sa mga upuan.



𝐅𝐥𝐨𝐰𝐞𝐫 𝐁𝐨𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟑)Where stories live. Discover now