Chapter 39

15.9K 559 72
                                    

[SKYLIE]

"Come baby! Let's go! Pupunta tayo kay Tito Knight mo!" Nakangiti kong sabi sa anak kong si Luise Kylie.





"Talaga mommy?! Pupunta tayo kay tito Knight? Makikita ko ulit yung Sky Corporation?" Masayang singhal naman niya. Tumango naman ako. Mag-e-eight na siya at nataguyod ko siya ng mag-isa. Sa tulong na din ni Knight.






"Yes baby! Makikita mo ulit ang kumpanya ng tito Sky mo!" Masaya ko ulit singhal sakanya bago kami naglakad palabas ng sarili kong bahay.






"You know what mommy? Gusto ko paglaki ko, magtrabaho sa Sky! Ang ganda-ganda dun mommy!" Sumang-ayon naman ako sakanya. Maganda talaga sa Sky Corporation. Sobrang ganda. Hindi mo aakalaing isang kumpanya yon. Para na kasing tourist spot. Inalagaan talaga ni Dawson ang kumpanya na pinangalan niya kay Skyler. Sa asawa niya. Sa kapatid ko.





"Really? Don't worry makakapasok ka sa Sky!" Nakangiti kong sabi sakanya habang nilalagyan siya ng seat belt.






Tumahimik na din ang anak ko. Nagsimula na akong magmaneho. Hanggang ngayon sinisisi ko pa din ang sarili ko. Pitong taon na ang nakalipas. Kasalanan ko naman talaga lahat. Kasalanan ko. Araw-araw kong pinagsisisihan yon.





Pero sana mapatawad ako ng kapatid ko. Mahal na mahal ko siya. Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam.




________________

"Dad ano 'to?!" Sigaw ko kay Daddy at binato sa harap ng mesa niya ang lahat ng patunay na kapatid ko si Skyler.

"What's this?" Mahina niya ding tanong at kinuha ang lahat at isa-isang binuksan. Sobrang sakit ng puso ko ngayon. Nagsisisi ako ng sobra. Hindi ko alam. Wala akong alam.

"B-bakit dad?!" Umiiyak kong sabi sakanya.

"B-bakit hindi mo sinabing si Skyler ang bunsong kapatid ko! B-bakit hinayaan mo pang umabot sa ganito?!"

Hindi naman siya umiimik. Nakatitig lang siya sa family picture namin. "A-alam mo ba yung nagawa ko dad? N-napatay ko yung kapatid ko!" Sigaw ko habang umiiyak.

Agad naman siyang napatingin sakin. "Ano wala kang s-sasabihin?!"

"P-paano mo nagawa t-to dad? Ganyan ka ba kagalit kay S-sky? Napaka-walang kwenta mo naman!" Natatawa kong sabi habang umiiyak.

"P-pinatay niya ang mama mo! Tinulak ka niya! Kaya ngayon wala kang maalala! B-bakit pinagtatanggol mo siya?!" Tila nagpantig naman ang tenga ko sa sinabi niya.

Diba siya naman ang may kasalanan ng lahat?!

"Ikaw ang may kasalanan dad! Kung sanang tinanggap mo lang si bunso! Hindi mangyayari yon! Kung sanang hindi mo siya binugbog, hindi mangyayari ang lahat ng yon!"

"P-paan-"

"Anong akala mo? Hindi ko pa alam?! A-akala mo wala pa akong maalala?" Natatawang sabi ko.

"Simula ngayon, wala ka ng anak. Ayokong magka-ama kung kasing walang kwenta at walang puso mo naman!"

________________

Simula noon, hindi na kami nagkita pa. Hindi ko alam kung nasaan na siya. Hindi ko pa siya gustong makita. Ayoko pa. Wala ang kapatid ko dahil sakanya. Dahil samin.




"Here we go sweety!" Singhal ko at mabilis na tinanggal ang seat belt ng aking anak at binuhat palabas.




"Yehey! I'm so happy!" Nakangiting sabi niya bago ako hatakin papasok.




𝐅𝐥𝐨𝐰𝐞𝐫 𝐁𝐨𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟑)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt