Chapter 3

27.2K 864 30
                                    

"Hi Dawson!"Agad na bati ni Skyler ng makapasok siya sa kwarto ni Dawson

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Hi Dawson!"
Agad na bati ni Skyler ng makapasok siya sa kwarto ni Dawson. Nabaling naman ang tingin ni Dawson sakanya.

"Bakit ngayon ka lang?"
Bulong na tanong ni Dawson sakanya. Ngumiti lang si Skyler at ibinaba ang pagkain na dala niya para kay Dawson. Siya mismo ang nagluto nun dahil nga wala daw lasa ang pagkain na pinapakain sakanila.

"Pasensya ka na Dawson. Limang minuto lang naman akong late e. Tsaka pinagluto naman kita kaya wag ka nang magalit"
Pagpapaliwanag ni Skyler. Siya na kasi ang nag-aalaga kay Dawson. Tuwing umaga, tanghali at bago umuwi pinapakain niya ito at pinapainom ng gamot dahil ayaw niya ngang mag-paalaga sa iba.

"What did you cook for me?"
Tanong ni Dawson. Natutuwa naman si Skyler dahil sa dalawang linggong pamamalagi ni Dawson dito ay nakikipag-usap na siya kay Skyler. Kay Skyler lang. Hindi na din ito agresibo katulad ng dati kapag wala si Skyler. Pero hindi siya kakain at iinom ng gamot kapag hindi si Skyler ang nagpapainom o nagluto ng pagkain.

"Kumakain ka ba ng menudo?"
Nakangiting tanong ni Skyler at umupo sa tabi mi Dawson. Hindi sumagot si Dawson bagkus ay tumitig lang siya kay Skyler na palagi niyang ginagawa.

"Alam mo bang paborito ko 'to? Masarap 'to! Ako nagluto e!"
Natatawang pagmamalaki ni Skyler.

Sa dalawang linggong pamamalagi ni Dawson duon, ay hindi pa siya nakikita ni Skyler na ngumiti kahit minsan. Napaka-seryoso ng mukha nito at lagi lang nakatitig kay Skyler na para bang inaaral ang buong mukha nito.

"Kumain ka na tapos maligo ka na din, sasamahan kita mamaya.."
Katulad ng naka-sanayan siya ang nagpakain dito. Taga-subo lang siya.

"You should eat too.."
Bulong ni Dawson.

"Trabaho kong alagaan ka. Mamaya nalang ako kakain pagkatapos"
Sagot naman ni Skyler at itinapat ang kutsara sa bibig ni Dawson pero tumitig lang ito sakanya at hindi binuka ang bibig na parang nagpapahiwatig na dapat kumain din siya.

"Okay. Fine"
Walang magawang singhal ni Skyler at sinubo ang kutsara na dapat kay Dawson pagkatapos ay itinapat ulit ang kutsara na may laman sa bibig ni Dawson, this time ngumanga na ito.

Nagpatuloy sila sa pagkain, liwasan sila sa pagsubo sa iisang kutsara. Wala naman narinig na reklamo si Skyler mula kay Dawson, mas lumakas pa nga itong kumain.

"Here drink your meds.."
Abot ni Sky ng tubig tsaka mga gamot na dapat inumin ni Dawson.

Mabilis namang inabot ni Dawson yon at ininom at inabot kay Skyler ang tubig. Pagka-abot naman kay Skyler ay siya naman ang uminom.

"Gusto mo nabang maligo?"
Tumango naman si Dawson at tumayo. Ilang araw na din siyang hindi naliligo ang hindi maintindihan ni Skyler kung bakit hindi ito nangangamoy subalit ang bango pa din nito.

Kinuha na ni Skyler ang twalya at sabon na gagamitin si Dawson at ang damit nito kasama ang underware. Sanay na si Skyler sa mga ganitong bagay lalo na pagpa-baby ang pasyente.

"Tara na!"
Aya niya kay Dawson at naunang lumabas ng kwarto dala-dala ang mga gamit ni Dawson.

Pagkalabas na pagkalabas ni Dawson humawak agad si Skyler sa braso nito. Napatingin naman si Dawson sakanya.

"Baka tumakbo ka! Hindi kita mahahabol"
Natatawang sabi ni Skyler. Sa laki ni Dawson, hanggang balikat lang siya ni Dawson at kung sa katawan naman ay kalahati lang ng katawan ni Dawson si Skyler kaya't wala talagang magagawa kung manlaban at tumakbo si Dawson.

Nasa labas kasi ng mga kwarto ang banyo para sa lahat kaya kailangan talagang lumabas tsaka para naman hindi laging sa loob ng kwarto si Dawson.

"Sige na, pumasok ka na dyan. Iaabot ko nalang ang twalya mo mamaya. Sumigaw ka lang. Dito lang ako"
Nakangiting sabi sakanya ni Skyler at umupo sa upuan sa loob ng banyo. Pero sa halip na pumasok sa loob ng isang cubicle ay tumapat si Dawson sa shower sa labas ng banyo kung saan siya kitang-kita ni Skyler.

Napamura si Skyler sa isip niya kung paano naghubad si Dawson sa harap niya. Wala itong tinirang saplot ni isa.

Agad namula si Skyler at napa-talikod. Hindi siya sanay makakita ng ibang katawan at lalong katawan pa ni Dawson. Hindi niya maipagkakailang maganda ang katawan nito. Ang malapad nitong likod at matambok na pwet. Pinilig nalang ni Skyler ang ulo niya sa mga ideyang pumapasok sa isip niya. Araw-araw ata ay mas lalo siyang nagiging mahalay.

Tumingin naman si Dawson sakanya at napangisi ng makitang naka-talikod si Skyler.

Nakahinga ng maluwag si Skyler nang marinig niya ang tulo ng tubig mula sa shower.

Ibinaling niya nalang ang atensyon niya sa phone niya at nilaro ang vurtual dog niya. Dati niya pa pangarap magkaroon ng aso pero hindi niya alam kung bakit hindi siya makabili-bili kahit may pera naman siya. Dahil baka, hindi niya maalagaan ng maayos?  

"Im done"
Nagulat nalang si Skyler ng magsalita si Dawson. Tila hindi niya namalayan dahil naaliw siya sa paglalaro. Naramdaman niyang lumakad palapit sakanya si Dawson kaya agad niyang kinuha ang twalya at mabilis na humarap at inabot yon.

Pero nanlaki ang mata niya kasabay ng pagkalaglag ng twalyang hawak niya ng makita ang buong kabuuan ni Dawson. Nanlaki ang mata niya ng mapadako ang tingin sa pagkalalaki ni Dawson. Di hamak na malaki ito at mas mataba kumpara sa sakanya. Nakita niya namang ngumisi si Dawson. Agad siyang tumalikod habang pulang-pula ang mukha.

"P-pulutin mo nalang p-please"
Paki-usap niya rito habang nauutal.


"Presko na ba?"
Tanong ni Skyler ng nakabalik sila sa kwarto.

Kahit na naalala pa din ni Skyler ang lahat nang nangyari sa banyo ay pilit niya nalang itong kinalimutan. Dahil magiging awkward lang ang atmosphere.

Tumango naman si Dawson at umupo sa kama habang nakapatong ang twalya sa buhok niyang basa.

Agad lumapit si Skyler kay Dawson. Pumwesto siya sa harap ni Dawson at hinawakan ang twalya at siya na ang nagpunas dito.

Hindi naman mapigilang mapatitig ni Dawson sa magandang mukha ni Skyler. Lalo niya pa itong natititigan ng malapitan lalo na't nasa pagitan ng mga hita niya si Skyler.

Hindi niya alam kung bakit bigla nalang siyang napangiti habang nakatingin dito. Sa wakas nakangiti na din siya. Nakangiti na din siya ng totoo.

 Nakangiti na din siya ng totoo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
𝐅𝐥𝐨𝐰𝐞𝐫 𝐁𝐨𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟑)Where stories live. Discover now