Chapter 16

19.5K 619 16
                                    

Hindi alintana ni Skyler ang sakit at hapdi ng talampakan dahil sa mga nakabaon na bubog dito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hindi alintana ni Skyler ang sakit at hapdi ng talampakan dahil sa mga nakabaon na bubog dito. Hindi niya din pansin ang patuloy na pag-agos ng dugo mula duon.

Patuloy lang siya sa pag-iyak. Pilit iniiyak ang sakit na nararamdaman. Unti-unti niyang inilapat ang malamig at matulis na kutsilyo sa pulsuhan niya. Unti-unti niyang ibinabaon ito. Hindi na niya maramdaman ang sakit na dulot ng talim nito. Tila sakit lang ng puso ang nararamdaman niya. Mas masakit pa sa sugat sa kanyang pulsuhan at dugong walang patid sa pag-agos mula dito.

Palalim na nang palalim ang baon ng kutsilyo. Patuloy lang si Skyler sa paghiwa at pagbaon nito. "A-ayoko na! P-please! A-ayoko na!"

Napasigaw nalang si Skyler kasabay ng pagkabitaw niya sa kutsilyo na puno ng dugo. Hindi naman tumigil sa pagtagas ang dugo sa pulsuhan niya. Hindi niya na iyon pinansin at nakatitig lang sa malaking portrait ng kanyang ina.

Dahan-dahan siyang napangiti habang inaalala ang mga panahong kasama niya pa ang ina. Hindi naman niya napigilang mapaiyak pa lalo nang bumalik ang ala-ala kung paano nasira ang pamilya niya. Kung paano niya sinira ang pamilya niya.

Walang nagawa si Skyler kundi isigaw nalang ang sakit. "Ahhhh! A-ayoko na please! A-ayoko na!"

"M-maawa kayo! N-nagmamakaawa ako!"




Napaiktad si Skyler mula sa pagkakahiga ng biglang bumakas ang pinto ng kwarto niya ng ubod ng lakas.

Napapikit na ang mata niya at gusto nang magpahinga dahil sa pagod. Pagod sa eskwela at pagod sa kumpanya. Sa apat na taong ginagawa niya ito ay hindi pa din masanay ang katawan niya sa pagod. Bawat araw na nagdadaan ay lalo pang napapagod ang katawan.

"Anong nabalitaan kong bakla ka daw?!"
Nanggagalaiting sigaw ni Nathan kay Skyler.

Tila naman naputol ang dila ni Skyler at hindi nakasagot.

Totoo naman ang sinabi niya. Bakla ako. Ano bang magagawa ko ganito ako.

"Sumagot ka!"
Lalo pa siyang napaiktad ng sumigaw ito.

Yumuko lang si Skyler at hindi kayang salubungin ang pamatay na titig ng ama. "Wag mong sigawan ang anak natin Nathan! Makipag-usap ka ng maayos!"
Napa-angat ang tingin ni Skyler ng marinig ang boses ng inang si Kylie. Nakita niya naman sa likod ang Nag-aalalang mukha ni Skylie habang nakatitig sakanya.

"Tsaka wala naman problema kung bakla ang anak natin! Ikaw lang ang naglalagay ng problema!"
Napangiti naman ng maliit si Skyler mula sa narinig sa ina. Tanggap siya ng ina. Tanggap siya ni Kylie.

"Ikaw ang problema Kylie! Masyadong mong kinukunsinti yang anak mong yan! Kaya lumalaki ng paurong!"

"Tumigil ka nga Nathan! Walang mali sa anak ko!"

"Hindi siya pwedeng maging bakla! Ano nalang sasabihin ng mga tao sa kompanya?! Bakla ang anak ng may-ari ng napakalaking kompanya?!"

"Isa yong kahihiyan Kylie! Kahihiyan!"

𝐅𝐥𝐨𝐰𝐞𝐫 𝐁𝐨𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟑)Where stories live. Discover now