Chapter 14

20.1K 627 75
                                    

"Tara na ho manang"Aya ni Skyler kay Glory

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Tara na ho manang"
Aya ni Skyler kay Glory. Papunta sila ngayon sa grocery para mamili ng pagkain sa bahay. Wala naman din ginagawa si Skyler kaya naisipan niyang sumama. Maaga pa lang din naman. Alas-siete palang at tulog na tulog pa si Dawson dahil sa pagod. Anong oras nalang din kase siya nakauwi kagabi dahil tinapos niya ang lahat ng trabaho para wala na siyang gagawin ngayong araw kundi maghanda para sa kasal nila bukas.

"Sigurado ka bang sasama ka? Alam naman nating ikaw ang unang hahanapin si sir kapag nagising siya"

"Wag ho kayong mag-alala nay. Bagsak na bagsak po si Dawson! Masyadong pinagod ang sarili kahapon! Siguradong mamaya pa magigising yon!"
Natatawang sabi ni Skyler.

"Sige na ngang bata ka! Bilisan nalang natin para maabutan pa nating siyang tulog! Baka mapagalitan na naman tayo!"





"Nay kaya niyo ho ba? Ako nalang kaya magbuhat niyan papasok?"
Alok ni Skyler habang binababa sa sasakyan ang mga pinamili niya.

"Ayos lang ako anak sige na bilis! Baka gising na ang asawa mo!"
Ngumiti naman si Skyler dito. Mabilis na tumalikod si Glory dala-dala ang mga pinamili nila.

Napaupo naman si Skyler sa kotse niya ng bigla siyang kinabahan. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Parang may mali. Ipinilig nalang ni Skyler ang ulo niya at mabilis na hinugot ang susi ng kotse na si Kevin at binulsa iyon kasama ng susi ng motor niya na si Kyle.

Mabilis siyang naglakad papasok ng bahay. Pabagal ng pabagal ang hakbang niya sa di malamang dahilan. Pabigat ng pabigat ang katawan niya na parang ayaw niyang pumasok ng bahay.

Pilit lang inaalis ni Skyler ang takot at mabilis na pumasok.

"Sir Sky? Kanina pa po kayo inaantay ni sir Knight"
Agad na bungad sakanya ni Lena.

"Bakit daw?"

"Hindi ko din po alam. Nandun po siya sa garden"
Tumango naman si Skyler at mabilis na tinahak ang daan papuntang garden.

Napangiti siya ng makita si Dawson na nakaupo duon at seryoso ang pagmumukha. Pero agad din napakunot ang noo ni Skyler ng may kaharap itong dalawang tao na nakatalikod naman sakanya kaya hindi niya ito makita. Isang malaking lalaki at babae.

Ngumiti siya at kumaway kay Dawson. Tipid naman ngumiti si Dawson sakanya.

Mabilis siyang naglakad papunta sa kinaroroonan ng tatlo. Agad siyang sinalubong ni Dawson, tumayo siya at mabilis na hinalikan sa labi si Skyler.

Namula naman ang mukha ni Skyler dahil sa ginawa nito.

"Oh my God!"
Napatingin si Skyler sa matinis na sigaw ng babae.

Bigla nalang siyang nanlamig at nanigas sa kinauupuan niya ng makita ang babae. Lalo pa siyang nanigas ng makita ang katabi nitong lalaki. Halos hindi ito matignan ng maayos ni Skyler sa tiim ng titig nito.

"You! Who the hell are you!"
Sigaw pa ng babae na nagpabaling ng tingin ni Skyler sakanya. Napa-awang naman ang bibig ni Skyler.

"I'm asking who the hell are you! Bakit magkamukha tayo?!"

Tila natauhan naman si Skyler at napakapit sa braso ni Dawson. "I'm S-skyker. S-skyler Davidson"
Nauutal na sagot ni Skyler.

"Stop asking Skylie"
Nanindig ang balahibo ni Skyler ng marinig ang boses na ilang taon niya ring hindi narinig. Yumuko siya at hindi sinalubong ang mga titig nito. Dahil natatakot siya. Takot na takot.

"You may talk now Mr. Hendrick. My husband is here"
Nautauhan nalang si Skyler mula sa malalim na pag-iisip ng magsalita si Dawson habang hawak-hawak ang kamay niya.

Tumikhim naman si Mr. Hendrick o mas kilala bilang Nathan Hendrick. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa"

"Magtatatlong buwan nang buntis si Skylie at ikaw ang ama"

Tila nabuhasan ng malamig na tubig si Skyler sa narinig. Si Dawson naman ay napahigpit ang hawak sa kamay ni Skyler. Parehas sila ngayong gulat na gulat.

"N-no. I-its not true!"
Tanggi ni Dawson dito.

"Hindi pwede"
Sunod pa na ungos nito. Si Skyler naman ay napayuko nalang at pilit iniinda ang sakit na nararamdaman at mga luhang pilit na pinipigilan.

"Syempre pwede. Babae si Skylie. She can give you child and, here it comes!"
Tila masayang sabi pa ni Mr. Hendrick na tila may pinapatamaan. Lalo naman napahawak si Skyler sa kamay ni Dawson.

Tama naman siya. Tama siya. Skylie can give Dawson childs. Hindi niya kayang gawin yon. Yun lang ang hindi niya kayang ibigay.

"Hell no! Hindi ko anak yan! Hindi ko anak yan!"
Napalakas na ang boses ni Dawson. Mabilis naman siyang pinakalma ni Skyler.

"Anong gusto mong gawin ko dito Knight?! Ipalaglag?! Ikaw lang ang tanging gumagalaw sakin! We had a sex bago ako umalis 2 months ago!"

Napapikit si Skyler mula sa mga narinig mula sa bibig ni Skylie. Parang gusto niyang takpan ang tenga niya. Ayaw niyang marinig. Ayaw niyang maramdaman ang sakit. Ayaw niya na. Ayaw niya ng maramdaman ang sakit na dati niyang naramdaman.

"Fuck no! Ikakasal na ko bukas! Hindi sakin ang batang yan! Hindi saakin!"
Pagtatanggi pa ni Dawson.

"Hindi ka na pwedeng magpakasal sa iba. Panindigan mo ang ginawa mo sa anak ko. Magpakalalaki ka"
Singhal naman ni Mr. Hendrick.

"Pag-usapan niyong dalawa yan"

"One more thing. Hindi makakabuti sa buntis kung magkahiwalay kayo. Ipapadala ko nalang ang mga gamit ni Skylie dito mamaya"

"Fuck no!"

"Pag-usapan niyo yan"
Huling singhal nito.

"You! Mr. Davidson, ihatid mo ko sa labas"
Utos nito kay Skyler. Tumango naman si Skyler pero mabilis siyang hinatak ni Dawson pabalik.

"No. We have maids! Hindi katulong ang asawa ko!"
Tanggi ni Dawson.

"But what if-"

"Hindi mo na narinig ang sinabi ko?! Hindi katulong ang asawa ko!"
Bago pa man makapagsalita si Mr. Hendrick ay mabilis na pinutol ni Dawson ang mga sasabihin nito sa sigaw. Agad naman siyang pinakalma ni Skyler.

"O-okay lang Dawson. O-okay lang"
Nakangiting bulong ni Skyler na pilit tinanggi ang sakit sa mukha.

"No my Sky!"

"Shhh. Ayos lang. M-mag-usap muna kayo.."
Ayaw pa sanang bitawan ni Dawson ang kamay niya, pero pwersahang hinatak iyon ni Skyler.

"T-tara na po"
Bulong ni Skyler kay Mr. Hendrick. Tumango naman to at naunang naglakad.

Pinilit ni Skyler na hindi pumatak ang mga luha niya. Mabilis niya itong sinundan.

Mabilis din silang nakarating sa garahe kung saan nakapark ang kotse nito.

Napahinto siya ng huminto din ito. Nakayuko lang siya at ayaw salubungin ang mga titig.

"Masakit ba? Skyler? Masakit ba anak?"

"Masakit ba? Skyler? Masakit ba anak?"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
𝐅𝐥𝐨𝐰𝐞𝐫 𝐁𝐨𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟑)Where stories live. Discover now