Chapter 19

21.4K 640 43
                                    

"Come on! Just one more!" Pilit ni Dawson habang nakatutok ang kutsara sa bibig ni Skyler

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Come on! Just one more!" Pilit ni Dawson habang nakatutok ang kutsara sa bibig ni Skyler. Mabilis naman binuksan ni Skyler ang bibig niya at tinanggap ang isinusubo sakanya ni Dawson.


Mabilis na nginuya ni Skyler ito at nilunok. "One more.. Say 'aahh'"

Singhal ulit ni Dawson at nakatutok naman ang kutsara sa bibig ni Skyler. "Akala ko bang 'one more' nalang?"

Natatawang sabi ni Skyler sakanya. Masama naman siyang tinignan ni Dawson. "You should eat more! You look so pale!"


"Ang payat-payat mo na! Ayoko ng ganyan Sky!" Magkasalubong na kilay na reklamo nito.

Mabilis naman hinawakan ni Skyler ang mukha niya at hinahagod-hagod ang makakapal nitong kilay. "Gusto mong tumaba ako?"

"Much better"

"Edi hindi na ako sexy kapag mataba na ako!"


"You know? You are the sexiest human in my eyes" Bulong ni Dawson sa tenga ni Skyler.


Hindi naman maiwasang pamulahan ng mukha si Skyler dahil duon. Nakadagdag pa ang kilabot na dala ng mainit na hininga ni Dawson na tumatama sa tenga ni Skyler.

"R-really?!" Nauutal na tanong ni Skyler.

"Yes! At tanging ikaw lang" Naka-ngiting sagot ni Dawson.

"Kahit si Ivana Alawi?" Naka-ngusong tanong ni Skyler na naging dahilan ng pagkunot ng noo ni Dawson.

"Who the fuck is Ivana Alawi?" Nagtataka nitong tanong.

Gulat na gulat namang nakatitig si Skyler sakanya. "Hindi mo talaga siya kilala?!"

"No"


"Himala!" Natatawang singhal ni Skyler.

"Come on! Just more bite! It wont hurt you!" Pilit ni Dawson.

Ngumuso naman si Skyler sakanya at umiling. "Busog na 'ko... Ayoko na"

Parang tangang nakatitig at parang baliw na nakangiti si Dawson kay Skyler. "You're the cutest human I've ever met" Mahinang bulong nito.

"Okay. My turn. Feed me" Singhal ni Dawson at mabilis na ibinigay kay Skyler ang plato.

"Nagpapa-baby ka naman!" Natatawang sabi ni Skyler dito.


"Ahh" Sabi ni Skyler at itinapat ang kutsara sa bibig ni Dawson. Wala pa man tatlong segundo ay mabilis na itong nakanganga.

"Hindi ka ba hinahanap sa kompanya niyo?"

Dalawang araw na din kase sila dito sa ospital. At sa dalawang araw na yon, hindi umalis si Dawson kahit na isang oras o isang segundo sa tabi ni Skyler. Lagi lang itong nakabantay o kaya nakatitig. Minamasdan at binabantayan ang bawat galaw niya.

𝐅𝐥𝐨𝐰𝐞𝐫 𝐁𝐨𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟑)Where stories live. Discover now