Chapter 35

16.4K 564 55
                                    

[DAWSON]



"So what do want to talk about?" Singhal ko sakanya pagkarating ko sa mesa.


Nakasunod ito sakin at umupo sa upuan sa harap ko. "Umupo ka muna" Utos niya sakin habang nakangisi.




"Dalawang minuto lang binigay ko sayo. Hindi ko na kailangang umupo para pakinggan ang mga sinasabi mo" Walang emosyon kong sagot sakanya.





Nauubos na ang pasensya ko sa babaeng ito. Anong akala niya? Hindi ko alam ang totoo?

"Just sit down. Marami akong sasabihin" Pilit niya pa sakin.




"Kung marami ka palang sasabihin simulan mo na. Wala ka nang oras. Kailangan kong sundan ang asawa ko sa baba" Nagtitimpi kong saad sakanya.




Nauubusan na talaga ako ng pasensya. Hindi pwedeng wala ako sa tabi ng asawa ko! Baka tumakbo o magtatalon yon! Hindi niya pa alam na buntis siya. Baka anong mangyari sakanya.




"Bakit laging si Skyler nalang?! Hindi mo ba ako nakikita?" Umiiyak niyang sigaw sa harap ko.




"Kung hindi kita nakikita malamang bulag ako. Pero ayaw din kitang makita pero ayaw kong mabulag. May asawa ako" Natatawa kong singhal sakanya.




"Dinadaan mo lahat sa biro Knight! Maseryoso ka naman!" Umiiyak pa niyang sigas sa harap ko.





Oh! Tignan mo kung sinong nagsabing magseryoso ako? Pero siya nagagawa niyang maloko ang sariling ama at balak pa talaga akong pikutin. Tsk.





"Seryoso ako. Kay Skyler. Seryoso ako sa magiging mag-ama ko" Seryoso kong saad sakanya.





Kitang-kita ko kung paano nanlaki ang mata niya sa gulat. Ngumisi lang ako. Dapat naman sakanya yan!





Hindi ako nananakit ng babae. Pero kung sasaktan ang Skyler ko, hindi ako magdadalawang isip.



"M-mag-ama?" Nauutal niyang sabi.




Tumawa naman ako ng mahina. "Oo magiging mag-ama ko. My Skyler is one of those pregnant mens. Dala-dala niya ang anak ko. At sure akong anak KO talaga yon" Pinagdukdukan ko talaga sakanya ang salitang KO sa harap niya.





Siguro naman alam niya ang ibig kong sabihin. Hindi naman siguro aiya ganon katanga para hindi malaman kung anong ipinahihiwatig ko.





"Nung malaman ko na buntis ang asawa ko? Para akong lumilipad. It feels so good! Hindi ko mapaliwanag yung saya" Nakangiti kong sabi sakanya.





"Pero nung malaman ko na buntis ka? Hindi ako masaya. Parang pinagsakluban ako ng langit at lupa"
Kitang-kita ko kung paano pumatak ang luha niya ng sunod-sunod. Pero wala akong pakialam. "Mahal kita Knight! Mahal na mahal!" Sigaw niya sakin.





Natawa naman ako sa sinabi niya. "Panindigan mo naman ang anak natin! He needs father! He needs you! Hahayaan mo lang bang lumaki siya ng nangungulila sa ama?!"





Gusto kong humalakhak sa harap niya. Gusto kong isampal sakanya ang salitang 'hindi ko yan anak'. Hindi ko naman talaga yan anak. Anak niya yan dahil sa kapusukan.






Minahal ko din naman siya dati. Hindi na ngayon. Natutunan ko na kahit gaano mo pa siya kamahal kung sinaktan ka nito ay babalikan mo, pero hindi e. Kahit bumalik siya nabihag talaga ni Skyler ang puso ko. Mas mabuti si Skyler, mapagmahal, magalang. Nasa asawa ko na ata ang lahat ng hindi ko makita sakanya. Kahit iwan man ako ni Skyler, siya lang tangi kong babalikan. Wala ng iba.





𝐅𝐥𝐨𝐰𝐞𝐫 𝐁𝐨𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟑)Where stories live. Discover now