Chapter 26

18.5K 684 98
                                    

"Ano? Ayos na ba pakiramdam mo Sky ko?" Bakas na bakas ang pag-aalala sa mukha ni Dawson habang tinatanong si Skyler.





Si Skyler naman ay nakahiga lang sa kama habang hinahaplos ang buhok ni Light sa ulo. Nakapatong kasi ang ulo nito sa tiyan ni Skyler habang si Dark naman ay nasa uluhan niya.




"Ayos lang ako Hubby. Nahilo lang ako ng konti kanina! Hindi ko lang talaga gusto yung amoy" Nakangiting sagot nito kay Dawson.





"No. You are not okay" Pagpipilit ni Dawson. "Damn! I will kill that fucking doctor! Ang tagal-tagal niya!" Inis na inis na sabi nito.






Natawa naman ng bahagya si Skyler sakanya. "Wag ka na ngang mainis. Ayos lang ako. Pwede naman kasi tayong pumunta ng ospital. Bakit kase gusto mo pang home service!" Tumatawang singhal ni Skyler dito.







"Kung pupunta pa tayo ng ospital, lalo ka lang mapapagod!" Ungos ni Dawson sakanya habang magkadikit ang kilay. "Kayang-kaya ko naman magbayad kahit gaano paa kalaki! Basta matignan ka lang dito at hindi na mapagod pa!"





"30 mins lang naman layo ng ospital dito e!" Pagpipilit pa ni Skyler.





"I dont care! Ayoko lang na mapagod ka! Look at yourself!" Singhal nito habang nakapamewang na nakatingin kay Skyler.



"You almost pass out!"


"Sabihin mo nga saakin, kumakain ka ba pag nasa trabaho ako?" Pinaningkitan ni Dawson ito ng tingin habang nagtatanong.




Agad naman tumango-tango si Skyler bilang pagsagot. "Oo naman! Kumakain kaya ako! Ang taba-taba ko na nga e!"




"Ikaw mataba?! Ang payat-payat mo nga Sky! Kailangan pa kitang pakainin ng madaming-madami para tumaba"



Halos humagalpak naman sa tawa si Skyler sa reaksyon ni Dawson. "Hubby! Edi pagtumaba ako, ipaglapalit mo na ako?" Nakangusong sabi ni Skyler.



"Hell no! That'll never happen!"



"Kahit gaano ka pa kataba ikaw kang ang mamahalin ko! Mas okay pa nga na mataba ka para walang maakit sayo!"



Tunawa naman si Skyler sakanya. "Why are you laughing?" Magkadikit na kilay na tanong nito.


"Para kasing sinabi mo na yan dati e!" Napailing nalang si Dawson dahil sakanya.



Agad natuon ang atensyon ni Dawson ng tawagin siya ni Skyler. "Hubby?! Halika bilis!" Mabilis naman siyang umupo sa tabi nito.



"Why? Is there something wrong?" Agad na tanong nito.



Umiling naman si Skyler sakanya at nakatitig lang sa mukha nito. "Bakit ang gwapo mo hubby?" Bahagyang natawa naman si Dawson dahil sa sinabi nito.




"Just for you.." Bulong naman na sagot ni Dawson.




"I want your kisses.." Abot-tenga naman ang ngiti ni Dawson nang marinig ang sinabi ni Skyler.



Wala pa man isang segundo, mabilis niyang siniil ng halik ito. Si Skyler naman ay buong pusong tinanggap ang halik at sinagot.



Mabilis na humawak siya sa leeg ni Dawson at pinalalim ang halik. Wala silang pakialam sa paligid. Nakapikit lang sila at nilalasap ang sarap ng halik.





Mabilis naman na yumakap si Dawson sa bewang ni Skyler at hapitin siya ng mas malapit.




Naputol ang halikan nila ng marinig ang katok sa pinto. "Istorbo!" Naiinis at mahinang bulong ni Dawson. Natawa nalang si Skyler ng mahina dahil sa pagkabugnutin nito.




𝐅𝐥𝐨𝐰𝐞𝐫 𝐁𝐨𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟑)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ