Epilogue

23.7K 633 42
                                    

WARNING: SPG

[SKYLER]

"A-ate?" Nauutal kong sabi sakanya. Hindi nakaligtas saakin kung paano tumulo ang luha niya at mabilis na tumakbo papunta sakin at yinakap ako ng mahigpit.

"P-patawarin mo ako! P-patawarin mo ako b-bunso" Lumambot naman ang puso ko ng tawagin niya akong bunso.

Yinakap ko siya pabalik. "M-matagal na kitang napatawad ate. M-mahal na mahal kaya kita!" Natatawa kong sabi sakanya.

"M-mahal na mahal din kita!" Ngumiti ako sakanya at pinunasan ang mga luha niya. "Wag kang umiyak. Ang panget mo na" Tumatawa kong sabi.

"Oo na! A-ako na yung pinaka-panget na version mo!"

________________

"Nako Sky! Ang gagwapo ng mga apo ko!" Masayang sabi ni nay Glory habang nakatingin kila Dawin at Dwayne na nakikipaglaro sa anak ni ate na si Luise.

Sinabi din niya saakin na hindi anak ni Dawson yon. Eto tuloy, lalo lang nadagdagan ang kaba sa puso ko. Paano ako makakapagpaliwanag kay Dawson nyan?

"Mabuti nalang at bumalik ka na Sky. Ang tagal mong nawala! Miss na miss na kita!" Singhal niya kasabay ng pagtulo ng luha niya at yinakap ako.
Tumawa tumawa naman ako sakanya at hinagod ang likod niya. "Naging iyakin ata ng nanay ko noong wala ako?" Tanong ko sakanya.

Tumawa naman agad siya at pinunasan ang luha niya. "Hindi lang ako. Gabi-gabing umiiyak yang asawa mo. Awang-awa ako sakanya pero wala akong magawa" Nabura ang mga ngiti ko sa sinabi ni nay Glory.


Napatingin ako ngayon kay Dawson na nakaupo sa sofa at nakatitig sakin. "H-hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Simula noong nawala ka, nakalimutan niyang alagaan ang sarili niya. Mabuti nalang nakikinig saakin!"

"H-hindi ko alam nay. Sorry" Bulong ko sakanya. Sapat nga ba ang simpleng sorry lang? Sa tingin ko hindi. Kailangan kong bumawi ngayon sakanya. Ang dami kong pagkukulang. Sobrang dami.

"Wag kang humingi ng tawad. Punan mo ang pagkukulang mo hanggang maaga pa" Tumango naman ako sakanya at ngumiti.

"Yun ang gagawin ko nay. Salamat"

_________________

Tumayo ako dahil sa uhaw. Napangiti naman ako ng masilayan ang payapang mukha ni Dawson sa tabi ko. Dahan-dahan kong inalis ang mga braso niya na nakabalot sa katawan ko.

Tulog na tulog siya. Siguro dahil sa pagod kakaalaga ng mga anak namin. Simula nang dumating kami dito, natulog lang kami. Kita ko kasi sakanya na pagod siya. Eto ngayon, bagsak siya sa kama.

Nang tuluyan kong maalis ang yakap niya, mabilis kong inayos ang higa niya at kinumutan.

Nandito kami ngayon sa kwarto niya. Ang laki ng kwarto niya. At may veranda din.

Tinignan ko kung anong oras na, alas-nuebe na ng gabi. Mabilis akong naglakad palabas. Naalala ko ang mga anak ko baka hindi pa sila kumakain.
Bumaba ako sa unang palapag kung saan ang kwarto ng lahat. Tanging kwarto lang namin ni Dawson ang nasa ikalawang palapag.

Binuksan ko ang pinto ng kwarto nila at napangiti ako ng makitang payapa silang natutulog habang magkayakap.

Sinulyapan ko pa sila ng isang beses bago isara ang pinto at naglakad papunta sa kusina.

Nakita ko ang isang taong nakatalikod sakin naghahalungkat sa ref.

"Wala bang gatas dito?! Gusto ng anak ko ng gatas ngayon" Nagulat ako ng marinig ang boses niya. Ginulo niya pa ang buhok niya sa sobrang inis.

𝐅𝐥𝐨𝐰𝐞𝐫 𝐁𝐨𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟑)Where stories live. Discover now