Chapter 31

17.3K 581 24
                                    

"Nay? Wala pa ho ba si Dawson? Ala-sais na po. Dapat nandito na siya kaninang ala-singko" Nag-aalalang sabi ni Skyler.




"Wala pa siya nak. Hindi din tumawag kung may dadaanan. Tawagan mo kaya?"






"Hindi din sumasagot e nay"





Kanina pa alalang-alala si Skyler. Dapat kasi kanina pa nandito sa bahay si Dawson. Pero ala-sais na wala pa ito.






Naglakad si Skyler papunta sa sala at umupo don. Nakasunod naman si Light at Dark sakanya. Mabilis niyang kinarga si Light. Si Dark umupo naman sa ibaba. "Baka may inasikaso lang siya anak! Hintayin mo nalang!" Sigaw ni Glory sa kusina.







"Opo nay!" Sigaw pabalik ni Skyler bago ihiga ang sarili. Inabot niya ang remote at binuksan ang TV. In-open niya ang YouTube don. Clinick niya ang isang video duon na sumasayaw.




Ganito ang ginagawa niya kapag naiinip siya. Nanonood ng mga sumasayaw. Ang gagaling naman kase nila e! Professionals. Iba mga galawan nila. Unique. Hindi na din nakakapagtaka kung bakit madami silang subscriber.





Habang tumatagal, pakipikit na nang papikit si Skyler. Natutulog na din si Light sa tabi niya.





Naghikab si Skyler at hinayaang pumikit ang mata. Hindi niya na inabalang patayin ang TV. Agad na siyang hinatak ng antok.




__________________________________________________




Bumusina si Dawson sa harap ng gate niya. Mabilis naman lumabas si Lena ng marinig ang busina at binuksan ang gate. Ala-sais trenta na nang gabi ng makauwi si Dawson.






Mabilis niyang iginarahe ang kotse sa tabi ni Kevin. Pinatay niya ang makina bago kuhanin ang gamit, envelope at kahon ng tuyo.






Nag-inat-inat siya ng makababa siya. Masyado siyang napagod sa byahe pero wala siyang pinagsisisihan. Lahat ng ginagawa niya ay bukal sa puso at gusto niya.





Nakangiti siyang naglakad papasok.






"Good morning sir!" Bati sakanya nila Lena at Jenny na nag-aabang sa pinto. Tumango naman siya bago naglakad ulit papasok at dumiretso sa kusina.







"Magandang gabi nay!" Bati ni Dawson kay Glory.





Mabilis naman napatingin si Glory sakanya na busy sa pagluluto. "Magandang gabi din nak! Kanina ka pa hinihintay ng asawa mo! Bakit ngayon ka lang?"








Inabot naman ni Dawson habang nakangiti ang kahon. "Ano to?"





"Tuyo nay!" Proud na sabi niya.





Binuksan naman ni Glory ang kahon. "Oo nga! Ang dami nito!" Tumatawang sabi ni Glory. "May bagoong pa! Sarap ulamin nito!"







"Sige lang po nay magluto lang kayo. Kapag po gusto ng asawa ko, hindi na tayo maghahanap pa kaya pinakyaw ko na!" Natatawang sabi ni Dawson at niluwagan ang suot niyang neck tie.







"Saan po ang asawa ko?" Mabilis na tanong niya.




"Andyan ata sa sala. Kanina kasi hinahanap ka. Bumaba. Baka nandyan sa sala"







Tumango naman si Dawson bago naglakad papunta sa sala. Wala pa man sa sala, rinig na ni Dawson ang malakas na musika na nanggagaling sa TV. Nang makarating siya, nakita niyang nakasindi iyon. Dance video iyon.








𝐅𝐥𝐨𝐰𝐞𝐫 𝐁𝐨𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟑)Where stories live. Discover now