Chapter 24

20.1K 662 107
                                    

After one month...

"Dawson my loves... baby.. honey... Dito ka na muna! Tulog pa tayo.." Nagdikit ang kilay ni Dawson ng marinig na bumulong si Skyler. Nakayakap din ito sakanya na parang ayaw siyang pakawalan. Ibat-iba din ang tawag nito sakanya.


"What did you just call me?" Tanong ni Dawson at yinakap niya ito.


"My loves... honey.. baby.." Bulong na sagot ni Skyler at isiniksik pa ang sarili kay Dawson.



Wala sa sariling napakawala ng buga ng hangin si Dawson. Parang nung isang gabi lang ay mabangis na tigre ito at sa labas pa pinatulog si Dawson. Pero ilang oras lang ay nagulat siya ng makita si Skyler sa tabi niya at nakisiksik sa couch.





"My Sky... let's sleep. I'm tired.." Bulong ni Dawson at humiga sa tabi ni Skyler at yinakap ito.

Pero nagulat si Dawson ng tabigin ni Skyler ang kamay niya.

"May problema ba mahal ko?" Mabilis na tanong ni Dawson kahit nakatalikod si Skyler sakanya.

Nang hindi sumagot si Skyler at yinakap siya uli ni Dawson ng mahigpit.

Nagpumiglas-piglas naman si Skyker hanggang maalis ang yakap ni Dawson. Nagdikit ang kilay ni Dawson dahil don. "Umusog ka nga! Ang baho-baho mo!" Naiinis na sabi ni Skyler at hindi nilingon si Dawson.

Mabilis naman na inamoy ni Dawson ang sarili niya. Pero hindi naman siya mabaho, mabango siya. Mabangong-mabango. "Sky ko! Mahal! Hindi naman ako mabaho ah! Amuyin mo pa ako!" Nagbibiro pang sabi ni Dawson at mabilis na hinarap si Skyler sakanya at inilapit ang mukha.

"Lumayo ka nga! Ampanget-panget mo!" Naiinis na sabi nito at mabilis na itinulak ang mukha ni Dawson.

Mabilis naman na pinigilan ni Dawson ang inis niya. Hindi niya alam kung bakit ganito ang asawa niya. Hindi niya masabayan sa mood.

"Sige. Hindi kita yayakapin o hahawakan. Lalayo din ako. Matulog ka na" Walang magawang sabi ni Dawson.

Nagulat siya ng pinanlakihan siya ng mata ni Skyler. "Ayoko! Sa labas ka matulog! Ayoko! Labas! Labas!"

Wala naman sa oras na napatayo si Dawson habang hawak ang unan at kumot niya.

"Ano pang tinitingin-tingin mo?! Labas!" Hindi na tumitig ulit si Dawson. At sumang-ayon naman kahit ayaw niya.

"O-okay! Lalabas na ko!" Napipilitan nitong sabi.

"I love you!" Sigaw ni Dawson sakanya.

Napasimangot nalang si Dawson sa sinagot nito. "Che!"

"Labas!"

Mabilis na lumabas si Dawson dala ang kumot at unan niya at binaybay ang sala nila. Mas gusto niyang matulog sa sala kesa sa kwartong walang laman.

"Knight? San ka pupunta?" Hindi niya napansin si Skylie. Mga apat na na buwan na ang tyan niya pero walang pakialam si Dawson.

Halatang inaakit siya nito dahil pinagduduktukan nito kay Dawson ang hinaharap nito. Hindi man lang tinigasan si Dawson. "Tsk. Wala kang pakialam" Masungit na sabi nito.

Naiinis na nga siya dahil napalabas siya sa kwarto, nakadagdag pa sa inis niya si Skylie. Hindi niya pa ito pinapaalis dahil hinahanap pa ang lalaking nakabuntis sakanya. Sa oras na mahanap ang lalaking iyon, tiyak na pupulutin sa kangkungan si Skylie.

"Napalabas ka ata?" Natatawang sabi nito.

"Welcome ka sa kwarto ko" Malandi nitong sabi habang subo-subo ang isang daliri.

𝐅𝐥𝐨𝐰𝐞𝐫 𝐁𝐨𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟑)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora