Chapter 27

18.6K 627 38
                                    

Parang patay naman na naglalagay si Dawson pabalik sa kwarto nila. Lumulutang ang isip niya. Pilit pa ring inaabsorb ng utak niya ang mga nalaman.

Ayaw niyang maniwala ng una dahil akala niya ay pinaglololoko lang siya ng doctor. Pero nang maglabas ito ng ibendesya ay naniwala siya sa mga ito.


Sumandal siya sa tabi ng pintuan ng kwarto nila. "Is it true?" Bulong niya at sinasampal-sampal ang mukha.

"Ouch! It's hurts!" Sariling daing niya habang nakahawak sa sariling pisnging na siya rin ang nagsampal.

"Fuck! Magiging tatay na ako pag nagkataon?!" Hindi makapaniwalang bulong nito habang abot tenga ang ngiti.


"Ayoko umasa pero ang sarap isipin" Nakangiting bulong niya at napaupo na habang nakatulala sa pader.

Maya-maya pa ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto nila. Lumabas si Skyler at nakita niya si Dawson na nakaupo sa tabi habang parang tangang nakangiti at nakatitig sa malayo. Yakap-yakap naman niya si Light at si Dark naman ay naka sunod sakanya.



"Hoy lalaki! Anong ginagawa mo dyan!" Napaiktad sa gulat si Dawson ng sigawan siya ni Skyler mabilis din itong napatayo at kinabig ng yakap si Skyler.




"Ano bang problema mo? Para kang tanga dyan!" Naiinis na sabi ni Skyler at pilit na itinulak si Dawson.



"Naipit tuloy yung baby ko!" Nakangusong bulong nito at hinaplos-haplos ang balahibo ni Light.



Ngumuso naman si Dawson sakanya. "Baby mo din naman ako ah!" Parang bata nitong sabi at inakbayan si Skyler.



Inirapan lang siya ni Skyler bago alisin ang pagkakaakbay sakanya. "Napakaaga ang arte-arte mong lalaki ka! Dyan ka na nga!"



Lalong humaba ang nguso ni Dawson ng talikuran siya nito at naglakad. "Hindi ka pa magaling! Humiga ka muna mahal ko!" Sigaw ni Dawson at mabilis na naglakad para sumabay kay Skyler.



Pero parang wala naman narinig si Skyler naglakad lang siya kasabay ang mga baby niya.

"Sabi ko sa kama ka lang eh! Ang tigas naman ng ulo mo!" Nayayamot na sabi ni Dawson.

Parang kanina lang ang lambing-lambing niya?! Tapos ngayon ang sungit-sungit niya!

Tama si Doc. Felhen, mahihirapan ako sa pag-aalaga sa asawa ko nito!

"Sky ko naman eh! Nakakapagtampo ka naman! Hindi mo na nga ako tinatawag na hubby tapos ang sungit-sungir mo pa!" Singhal ni Dawson kay Skyler ng nasa tapat na sila ng hagdan.

"Tigil-tigilan mo ako sa kaartehan mo ha! Aga-aga e!" Masungit lang na balik sakanya ni Skyler.


"Be careful!" Nag-aalala at mabilis na sabi ni Dawson ng nagsimulang humakbang si Skyler pababa. Agad niyang hinawakan ang bewang nito at inalalayan.

"Hindi naman ako tanga para mahulog sa hagdan Dawson!" Singhal sakanya ni Skyler.


"Mas mabuti na ang nag-iingat!" Sagot naman ni Dawson. Inalalayan niya lang ito hanggang makababa.


"Away na naman? Hindi ka ba nagsasawa sa ugali ng asawa mo Knight?" Nagulat nalang sila pareho ng sumulpot si Skylie sa tabi nila ng makababa ito ng hagdan.



Pawis na pawis ito at halatang kagagaling lang mag-exercise. Ang sexy niya pa din kahit malaki na ang tyan niya.



Parehas na natulala si Skyler at Dawson kay Skylie. Ngumisi naman si Skylie sakanila.

𝐅𝐥𝐨𝐰𝐞𝐫 𝐁𝐨𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟑)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon