Chapter 45

21.1K 601 36
                                    

[SKYLER]

"Say 'ahh'" Singhal sakin ni Dawson habang hawak ang kutsara na nakatapat sa bibig ko.

"K-kaya ko naman kumain mag-isa D-dawson" Kinakabahan kong sabi sakanya.

Buti nalang kami lang dalawa ngayon dito sa kusina. Nasa sala ang kambal at naglalaro ng mga iPad nila.

"Tinatanggihan mo na ako ngayon?" Nagulat naman ako sa sinabi niya.  Hindi sa gusto ko siyang tanggihan. Nahihiya lang ako sakanya.

"H-hindi sa ganon D-dawson..." Bulong ko sakanya. Pero lalo ko lang ata siyang nagalit. Nakadami ko pang ipapaliwanag sakanya.

"Okay. Tinatanggihan mo talaga ako. Ako nalang ang gagawa ng paraan" Siya ang sumubo ng pagkain sa kutsara at mabilis na kinabig ang mukha ko. Mahigpit niyang hinawakan ang pisngi ko at inilapat ang labi niya sa sariling labi ko.

Napaungol ako ng kagatin niya ang ibabang parte ng labi ko dahilan para umawang ang aking bibig. Kinuha niya ang pagkakataong yon para ilipat sa bibig ko ang pagkain sa bibig niya.

"You should obey me. Hindi mo pa nababayaran mga kasalan mo sakin" Seryoso niyang singhal pagkatapos niyang pakawalan ang mga labi ko.

Napanguso naman ako habang ngumunguya. Akala mo siya walang kasalanan! Naiinis na ako sakanya! Napaka-bossy niya! Pero mahal ko eh!

"Subuan mo nalang ako. Wag mo ng g-gamitin bibig mo" Pigil ko sakanya ng makitang susubo ulit siya at gagawin ang ginawa niya kanina.

Hindi ko alam kung bakit nahihiya ako. Asawa ko naman siya diba? Pero hindi pa nalilinaw saamin ang lahat.
"Ayaw mo ba nong ginawa ko kanina? Kasi ako gusto ko" Nakangisi niyang sabi dahilan para mamula ang buong mukha ko.

Hindi na ako magtataka kung bakit balot na balot ako ngayon dahil siya ang nagbihis sakin. Kahit kailan talaga.

"D-dawson naman!" Nahihiya kong sabi sakanya.

Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya. "You're so beautiful when you are blushing. Come on! I'll feed you!" Hindi na ako nagreklamo pa.

Tahimik lang kami habang pinapakain niya ako. Para tuloy akong paralisado sa ginagawa niya.

Naubos ko lahat ng pinakain niya. Ang sarap ng luto niya. Sobrang sarap.

"Masakit pa ba ulo mo?" Malambing siyang tanong sakin.



Ngumiti naman ako sakanya agad. "Hindi na. Konti nalang" Tumango siya at mabilis ba kumuha ng tubig bago bumalik at umupo sa tabi ko.

Marahan niyang hinawakan ang aking leeg at siniil ako ng halik. Hinayaan kong nakaawang ang labi ko para tuluyan niyang mapasok ang dila niya.

Hindi ko mapigilang mapa-ungol sa sarap ng halik niya. Napahinto nalang ako ng maramdaman kong may nalunok ako. "Painkiller my love" Bulong niya bago halikan ang noo ko.
Sa pitong taon naming magkahiwalay, maalaga pa din siya. Nakita ko sakanya yon kanina kung paano niya alagaan ang mga anak namin at kung paano niya ako alagaan.


Nahihiya ako sakanya dahil kitang-kita ko kung paano siya nangulila sa mga anak niya na pinagkait ko sa mahabang panahon.



Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Diko alam kung paano ko sisimulang magpaliwanag. Galit pa ba siya sakin? Hindi ko ata kayang magalit siya sakin. Pero kagalit-galit ang ginawa ko diba?

"Stop overthinking" Bulong niya sakin pagkatapos niyang pitikin ang noo ko.

Napangiwi nalang ako at napahawak don. Ang sakit kaya kahit mahina lang!

𝐅𝐥𝐨𝐰𝐞𝐫 𝐁𝐨𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟑)Where stories live. Discover now