Chapter 36

16.6K 538 48
                                    


2 months after...

[GLORY]

"Magandang tanghali manang!" Bati sakin ni Roger ang guard dito sa kumpanya ng alaga ko.


Ngumiti naman ako agad sakanya. "Magandang tanghali din Roger!" Masaya kong bati sakanya sabay hawi sa buhok at ilagay sa tenga.





Hindi ko na ipagkakaila na gwapo si Roger kahit may edad na kami pareho. Maganda din naman ako no! Ako yata ang pinakamaganda sa mga kasambahay ng alaga ko.





"Ang ganda naman ng tanghali ko! Nakita na kasi kita e!" Banat niya pa sakin. Pabiro ko naman siyang hinampas gamit ang kanang kamay ko.



"Ikaw naman! Masyado mo akong pinapakilig!" Singhal ko habang tumatawa ng mahina.



Araw-araw napupunta ako dito sa kumpanya ng alaga ko para hatiran siya ng tanghalian. Ayaw niyang kumain kapag hindi ako ang nagpapakain sakanya. Napapabayaan na din niya minsan ang sarili. Kung hindi ko babawalan, hindi susunod. Mabuti nalang at sinusunod na niya ako ngayon. Hindi katulad dati na wala talaga siyang pakialam sa paligid niya.




"Tigilan mo na nga yan Glory! Tanghaling tapat nakikipagharutan ka sa patpatung guard na yan!" Agad naman akong napasimangot ng marinig si Jerry. Ang driver ko. Syempre ko dahil ako ang nakasakay.


Sinamaan ko siya ng tingin. "Hay nako kahit kailan ka talaga Jerry! Pasalamat ka at nakakapagtimpi pa ako sayo!" Naiinis na singhal ko bago ulit harapan si Roger at ngitian bago naglakad papasok sa kumpanya dala-dala ang isang bag na naglalaman mga pagkain ng alaga ko.



Halos lahat ay kilala na ako at nginingitian. Nginingitian ko naman sila agad pabalik.




Napahinto ako sa paglakad habang nakatingin sa malaking pangalang ng kumpanya na nakaukit sa pinakataas at pinakasentro na pader dito sa loob ng kumpanya.


'Sky Corporation'



Napangiti naman ako ng mapait. Sa baba naman nun, ang ang napakalaking portrait ng anak kong si Skyler. Nakangiti lang ito habang may korona ng bulaklak sa ulo. Napakasaya niya. Ang saya-saya na niya.



Huminga nalang ako ng malalim bago ulit nagpatuloy sa paglakad papunta sa opisina ni Knight.

_____________

"What the fuck?! It's been 2 fucking months!" Agad na rinig ko ng buksan ko ang pintuan ng opisina niya. Napabuntong hininga na naman ako.




Nagbago na siya. Hindi na siya ang dating Knight. Pero hindi saakin. Nagbago siya sa iba pero hindi sakin.



"Bakit hindi niyo pa makita ang asawa ko?! Binabayaran ko kayo ng malaki para mahanap ang asawa ko! Gawin niyong maayos ang trabaho niyo!" Sigaw niya. Naglakad naman ako papasok. Kitang-kita ko kung paano magtiim ang panga niya at pagsiklop ng mga palad niya ng sobrang higpit. Magkadikit din ang mga makakapal niyang kilay habang may kausap sa telepono.




"Anong wala kayong mahanap na ibedensya kung nasaan siya?! Ano bang ginagawa niyo?! Putangina naman! Sayang lang ang mga binabayad ko sainyo!" Sa pagpasok ko sa opisina niya, hindi niya ko napansin.



Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "Anak?" Agad naman nabaling ang atensyon niya sakin. Kumalma ang mukha niya at nagpakawala siya ng buntong hininga.
"Ayusin niyo trabaho niyo. I need to find my husband as soon as possible. Ayusin niyo" Huling singhal pa niya bago patayin ang tawag at pabagsak na ibaba ang telepono sa babasagin niyang mesa.




𝐅𝐥𝐨𝐰𝐞𝐫 𝐁𝐨𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟑)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon