Chapter 33

15.9K 519 34
                                    


"Nay? Saan ho si Dawson?" Saktong alas-dyis ng umaga ay nagising si Skyler. Nakangiti niyang tinanong si Glory.



"Bumili lang ng vitamins mo. Pabalik na yon" Nakangiti ding balik sakanya ni Glory.





Tumango nalang si Skyler sakanya bago tumalikod at naglakad palabas. "Saan ka pupunta?" Nagtatakang tanong ni Glory.






"Sa garden po nay!"



Mabilis naman na naglakad si Glory at kinuha ang sumbrero at tubig ni Skyler sa ref. "Sandali lang! Isuot mo muna 'to!" Sigaw niya at nang nakalapit ay isinuot kay Skyler ang sumbrero at iniabot ang lalagyan ng tubig. "Papasunurin ko nalang si Jenny duon!" Bilin pa nito.






Bigla silang napatingin kay Skylie ba parang galing sa garden. Deretso lang ang tingin nito at mabilis ang lakad. Parang balisa na hindi nila masabi.




"Anong nangyare don? Parang tanga lang?" Bulong ni Glory.




Natawa naman ng mahina si Skyler dahil duon. "Hayaan mo na nay! Baka may mood swings! Alam mo ba buntis!"




"Eh ikaw nga may mood swings e! Ibig sabihin buntis ka den?"




Natatawa nalang umiling si Skyler sakanya. "Si  nanay talaga!" Singhal nito bago talikuran si Glory at naglakad palabas kasabay nila light at dark.






Nang makaalis si Skyler, biglang sumulpot naman si Skylie sa tabi niya. Basang-basa ang kamay nito at pinapawisan. Pinagmasdan lang siya ni Glory. "Saan si Knight?" Mataray na tanong niya.






Napairap naman si Glory dahil don. "Bumili siya ng vitamins ni Skyler!" Naiinis naman na sagot ni Glory.






"Anong oras daw uuwi? I need to talk to them"





Nanlaki ang mata ni Glory nang lumambot ang boses nito na parang bumait. "Naniniwala na ako sa himala!" Bulong ni Glory.





"Pauwi na-- ayan na pala!" Singhal ni Glory at itinuro si Dawson dala-dala ang napakaraming paper bags at plastic.






"Napakadami naman ata pinamili mo nak?!" Sabi ni Glory at kinuha ang ilan sa dala ni Dawson.





"Konti lang yan nay. Binili ko lang ng bagong damit si Skyler. Isang buwan na kase yung mga damit niya. Kailangan niya ng mas bago at mas maluwag sa mga susunod pang buwan"





"Kung andito si Skyler, tiyak sasabihan ka na naman niya nagsayang ka na naman ng pera!" Natatawang kwento ni Glory.






"Sakanya ko naman ginagastos nay! Saan pala siya?"





"Nasa garden"





Agad naman binitawan ni Dawson ang lahat ng dala niya. "Puntahan ko lang nay" Mabilis na singhal nito.






"I need to talk to you" Hindi pa man siya nakakalabas ay hinarang siya ni Skylie.






"Wala akong oras Skylie. Mamaya nalang kapag wala nang ginagawa ang asawa ko" Walang ganang sabi ni Dawson.







"Please. Just this one please. I promise. Aalis na ako dito pagkatapos kong sabihin sayo"








Walang nagawa si Dawson kundi himinga nang malalim. "Follow me at my office. Just 2 minutes of my precious time" Singhal ni Dawson habang naglalakad paakyat ng hagdan. Si Skylie naman ay nakatayo at nakatitig dito.






𝐅𝐥𝐨𝐰𝐞𝐫 𝐁𝐨𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟑)Where stories live. Discover now