Chapter 22

20.4K 689 60
                                    

"Hala nak! Ayos ka lang?" Nag-aalalang sabi ni Glory ng makitang nahihirapan si Skyler sa pagbaba sa hagdan.



Agad naman ngumiti si Skyler sakanya. "A-ayos lang ho ako nay! Si Dawson po?" Mabilis at balik na tanong niya at patuloy pa din sa pagbaba kahit masakit ang likod at buong katawan. Mabilis naman siyang dinaluhan ni Glory at inalalayan.




Pagkagising na pagkagising ni Skyler, wala na sa higaan si Dawson. Tanging siya nalang. Isang malaking polo lang ang suot niya, kaya mabilis siyang naghilamos at nagbihis. Nagsuot lang siya ng jogging pants at malaking t-shirt.


"Umalis si sir Knight. Hindi nagsabi kung saan pupunta" Sagot naman ni Glory. Alas-dyes na din ng umaga at kagigising lang niya.


"Gusto mo bang kumain? Tanghali na" Aya ni Glory kay Skyler habang naglalakad sila papunta sa sofa sa sala.


"Hindi na ho nay. Hindi naman ako nagugutom e"




Tumingin sakanya si Glory at umupo sa tabi nito. "Ikaw bata ka! Masyado ka bang pinahirapan ni Knight kagabi?!" Tila nang-aasar na sabi nito habang sinusundot pa ang tagiliran nito.



Hindi naman mapigilang pamulahan ng mukha si Skyler at mapatawa. "Nay! Ano ba yang sinasabi niyo!" Pilit na pag-iiba nito ng usapan.


"Nako Skyler! Wag mo na ngang i-deny!"



"Hindi naman po t-talaga e nay! N-na... na.. natalisod ako! Tama natalisod ako sa banyo!" Tinitigan naman siya ni Glory na parang hindi naniniwala.


"Aysus! Sus! Sus na bata ka! Sige i-deny mo pa!"



"Ano sa tingin yang nasa leeg mo! Napakadami naman atang 'lamok' sa kwarto niyo at ang lalaki pa kung mangagat!" Agad napatakip si Skyler sa leeg niya at hindi makatingin ng maayos kay Glory.


"Hindi mo naman kailangang itago sakin 'nak!" Dahil sa sinabi nito, nakahinga ng maluwag si Skyler.


"Masaya ako para sainyo ng alaga ko! Simula noon? Ngayon ko lang siya nakita na ganito kasaya" Parang hinipo naman ang puso ni Skyler sa sinasabi nito.




"Salamat naman sayo at magiging masaya na ang alaga-" Hindi na natapos ang sasabihin nito ng may tumikhim mula sa itaas na bahagi ng bahay.



Napatingin sila pareho kay Skylie na ngayo'y kasing asim ng mas maasim sa lahat ang mukha. Tumahimik nalang silang pareho.



Sa tuwa at saya ay parang nakalimutan na ni Skyler na may problema pa pala. Ayaw niya naman bumalik ang sakit kaya pilit niya nalang iyon winawaglit sa isipan niya.




"Ang aga-aga ang ingay-ingay niyo!" Naiinis nitong sabi at umupo sa upuan malapit kay Skyler. Nagbago na talaga ang ate niya. Hindi na ito ang dating Skylie na kilala niya.



Sino nga bang may kasalanan? Siya naman diba? Pero pinagsisihan niya na iyon? Sapat nga ba ang pagsisisi para maibalik ang lahat?


"Cristal! Gusto ko ng mango shake! Yung hindi ganong matamis!" Sigaw nito.


"Ikaw wala ka bang gusto Skyler anak?" Bulong na tanong ni Glory.



Napatingin silang pareho kay Skylie ng malakas itong humalakhak. "Bakit?! Naglilihi ba siya?! May matres ba yan?!" Nang-iinsultong sabi nito.



"Magkamukha lang kami! Ako may matres! Siya wala!"



"Walang-wala yan sakin!" Pagmamayabang pa nito. Napayuko nalang si Skyler.


𝐅𝐥𝐨𝐰𝐞𝐫 𝐁𝐨𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟑)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum