Chapter 8

25K 756 113
                                    

Para sayo korekongwrites

Para sayo korekongwrites

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hmmm.."
Ungol ni Skyler at niyakap pa ng mas mahigpit ang unang malambot sa tabi niya.

Hindi niya mapigilang mapangiti kyng gano kakomportable ang hinihigaan niya ngayon. Napaka-bango din. Amoy na amoy ni- Dawson?!

Agad napamulat ng mata si Skyler ng pumasok sa isip si Dawson. Agad niyang inikot ang mata sa loob ng silid na kinalalagyan niya. Nagulat nalang si Skyler ng wala siya sa condo ni Dawson.

Biglang pumasok sa isip ni Skyler ang mga ginawa nila ni Dawson. Ang unang lalaking nakauna sakanya. Hindi mapigilang, mapangiti habang iniisip at binabalikan ni Skyler ang mga tagpong yon. Tila bang may parang kumikiliti sa tiyan niya at lumilipad na mga paro-paro na naglalaro sa loob nito. Lalo na nang sabihin ni Dawson na gusto niya si Skyler.

Tila wala yatang pagsisidlan ang tuwa ni Skyler. Pero nabawasan iyon ng hindi niya makita si Dawson sa tabi niya at wala siya sa condo nito.

Mapangiwi siya sa sakit ng sinubukan niyang tumayo pero sumakit lang ang butas niya na may kasamang pagkirot. Pati na din ang buong katawan niya ay masakit, para siyang binugbog.

Kahit masakit ang katawan, pinilit pa din ni Skyler na tumayo. Kahit nahihirapan, naglakad siya ng paika-ika. Hinanap niya ang banyo at pumasok dun.

Nanlaki ang mata at napamura si Skyler sa itsura niya ng makita ang sarili sa salamin. Hindi mabilang na kiss mark sa leeg at ilang nakikitang kagat sa may balikat niya. Hindi niya na din suot ang polo at pantalon nito, sa halip isang malaking polong puti na hanggang kalahati ng hita niya ang haba ang suot nito at isang boxer shorts na maliit. Medyo magulo din ang buhok niya at may sugat ang labi sa rahas ng paghalik sakanya ni Dawson kagabi.

Isinawalang bahala nalang si Skyler ang lahat, nakita niya ang isang toothbrush na mukhang hindi pa gamit. Agad niya iyong kinuha at nilagyan ng toothpaste. Mabilis at maayos niyang nilinis ang ngipin niya. Pagkatapos ay naghilamos. Pinunasan niya ang mukha gamit ang isang twalya sa tabi ng lababo.

Napagdisisyunan ni Skyler na lumabas ng kwarto para hanapin si Dawson. Medyo madilim pa din pero alam niyang umaga na. Iika-ika niyang tinahak ang daan pababa.

Nakarinig din si Skyler ng tunog ng sasakyan sa labas kaya mas minabuti niya ring tignan ito. Sa sobrang laki ng bahay, hindi alam ni Skyler kung saan siya liliko.

Napangiti din sa wakas si Skyler ng makita ang hagdan pababa kaya mas binilisan niya pa ang lakad pero napahinto siya agad at napasandal sa pader ng may marinig siyang nag-uusap sa ibaba.

𝐅𝐥𝐨𝐰𝐞𝐫 𝐁𝐨𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟑)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon