Chapter 41

16.9K 537 58
                                    

[GLORY]

"Wow! Wow! Ang ganda!" Halos kaming lahat ay ganyang ang reaksyon ng makarating kami sa Porto Alegre. Nandito kami ngayon sa resort na pagmamay-ari ng alaga ko.




Ang ganda dito. Sobrang ganda. "Ang ganda naman dito tito Knight!" Singhal naman ni Luise.



Si Skylie naman ay nakangiti habang pinagmamasdan ang paligid. Pati na din sila Jenny, Lena at Cristal.





"This is one of the best" Nakangiting sabi ni Skylie. Palihim naman akong napa-irap.



"This is nye nye nye nye.." Palihim kong bulong na may halong inis.






Anong akala niya?! Porke kapatid siya nang anak ko si Skyler ay napatawad ko siya agad?! Hindi no! Kasalanan niya lahat yon!



"Nay" Napatigil naman ako ng tawagin ako ni Knight. Agad naman akong ngumiti sakanya.




"Ano yon nak?" Agad kong tanong. Agad niyang itinuro ang kaisa-isa at malaking bahay sa harap namin. Mataas ito at nakasentro. Kapansin-pansin ito dahil sa ganda at laki. Kitang-kita din ang malalagong bulaklak kahit medyo malayo ito sa entrance ng resort.




"That's our villa. Sky's Villa" Napangiti naman ako sa sinabi niya.




Para kasing isang pulo itong resort na may malaking bundok sa gitna at may daanan papunta sa dalampasigan sa pinakaharap.





Tinuro niya ang kaliwa. "Thats the north part of Beautiful Sky Resort" Singhal niya. "Where hotel rooms, and private pools is to be found"




Agad naman akong napangiwi ng mag-english niya. Tinuro niya naman kanan. "Tha-" Bago pa man siya makapagsalita pinigilan ko na siya.




"Nak? Magtagalog ka. Pilipino tayo" Natatawa kong sabi. Tumawa naman din ang kasama namin. Natawa din siya. Napahinga akong malalim. Kahit papano ay nakakatawa pa siya. Sana lang bumalik na ang anak kong si Skyler.



"Ayun ang south part nitong resort. Dyan ginaganap ang mga events at iba pa. Diyan din ang ilang souviners shops" Tumango naman kaming lahat.






"At sa likod ng Sky's Villa, dyan ang daan papunta sa dagat. Don't worry, maraming security ang buong lugar wag kayong mag-alala"






May nakapalibot din na private pool sa harap namin na may ibat-ibang upuan. Medyo madami din ang tao.





"Dun tayo sa Villa namin mag-stay for 1 week" Tumango naman ang lahat.
"Everyone, Beautiful Sky Resort!" Nakangiting sabi ni Dawson. Naninibago lang ako, wala akong makitang portrait ni Skyler dito.






Nagsimula na kaming maglakad papunta sa villa. Bawat nadadaanan naming mga staff ay yumuyuko kay Knight pero wala siyang pinansin. Sa halip ay tuloy-tuloy itong naglalakad.






Panay ang picture nila Jenny at Lena. Wala pa man ay nala-pekpek short na! Ketatanda eh! Hindi na nahiya.






"Isama niyo nga ako! Lagi nalang kayo!" Naiinis kong sabi at kinuha ang telepono.







"Crystal! Picturan mo kami bilis!" Inabot ko sakanya ang telepono.








"One, two, three!" Ibat-ibang pose ang ginawa namin.



"Wag niyo akong kalimutang i-tag!" Bilin ko sakanila bago dumikit kay Lena. "May extra ka bang pekpek short dyan?! Magpahiram ka. Wag kang madamot!"

𝐅𝐥𝐨𝐰𝐞𝐫 𝐁𝐨𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟑)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن