Chapter 3

170 12 0
                                    

Nanatiling tahimik ang paligid. Nasa katabing swing pa rin siya at tahimik lamang na naghihintay.

"I'm tired of understanding them. I'm sick of begging for their love and attention. And lastly, I'm sick of wishing for something that will never happen," malungkot kong sambit.

"I was 8 when everything started to change," pagsasalita kong muli. Pilit na inaalala ang mga nakaraang gusto kong kalimutan.

I was humming inside my room when Ate Maurine went in. She's wearing a beautiful dress. Lumapit siya sa'kin at niyakap ako. Niyakap ko rin siya pabalik.

"Ang cute cute mo talaga, Ysa," sabi ni Ate at saka pinisil ang aking mga pisngi.

Agad akong napangiwi sa sakit at tumawa naman siya ng dahil do'n.

"Ate, tara na sa lumabas. Gusto ko nang makita si Mommyla," excited na sabi ko.

Hinawakan ko ang kaniyang kamay at hinila siya papalabas ng room. Bibisitahin namin si Mommyla sa bahay niya ngayon. Siya 'yong Mommy ni Daddy. Pababa na sana kami ng hagdan nang makarinig kami ng nabasag na bagay sa loob ng silid nila Mommy at Daddy. Nagkatinginan kami ni Ate at sabay na tumakbo papunta sa pintuan ng silid nila.

"How dare you to cheat on me?! Hayop ka! Manloloko! Wala kang karapatang gawin sa'kin 'to!" Rinig naming sigaw ni Mommy.

Base sa boses niya ay umiiyak siya. Nagulat na lamang kami ng bumukas ang pintuan sa aming harapan. Mugto ang mga mata ni Mommy na palipat-lipat ang tingin sa'min.

Nang magtagpo ang aming mga mata bigla siyang natigilan. Nakita ko sa kaniyang mga mata ang galit. Galit ba siya sa'kin dahil nakinig ako sa usapan nila ni Daddy? Agad akong napayuko sa takot. Ayokong nagagalit sa'kin si Mommy. Mayamaya pa ay bigla siyang umalis ng walang paalam.

Hindi kami tumuloy sa pag-alis noong araw na 'yon. After that day, everything changed.

Back then, me and Ate Maurine were very close. Palagi kaming naglalaro, siya 'yong tagapagtanggol ko sa tuwing may mga nambubully sa'kin. Siya 'yong sinasabihan ko ng mga secrets ko, but after noong pangyayaring 'yon, nagbago rin siya.

She became so distant to me. 'Yong tipong napakalapit lang niya sa'kin, pero napakahirap niyang abutin. Napakahirap niyang kausapin. Lahat sila nagbago, lalong-lalo na 'yong pakikitungo nila sa'kin. I used to call them Mommy and Daddy. I used to sleep on their bed every time I'm scared. I used to be their little princess. I miss them so bad.

If I only have the power to bring back time, I would probably bring back those times when they were so good to me. Those times when they told me how much they love me.

"Akala ko babalik din sa dati ang lahat. Akala ko magiging okay ulit kami, pero hindi eh... Mas lalo lamang naging komplikado ang sitwasyon. Pilit ko namang iniintindi, pero nakakapagod din pala. Gusto ko lang naman na maibalik 'yong dating pagtrato nila sa'kin. Gusto kong mahalin din nila ako pabalik gaya ng pagmamahal na ibinibigay ko sa kanila."

"After all these times, you acted like there's nothing wrong with you and your family," mahinang sambit ni Jansen.

Sa tingin ko ay pilit niya pang ipinoproseso ang mga sinabi ko sa kaniya kaya tumingala na lamang ako sa kalangitan para pigilan ang mga luhang malapit nang bumagsak.

"Anong plano mong gawin?"

Natigilan ako sa tanong niya. Nilingon ko siya at nakita ko ang awa sa kaniyang mga mata.

"Titiisin."

Titiisin tulad ng palagi kong ginagawa. Iintindihin hangga't kaya dahil sila lang naman ang meron ako.

"Kung kailangan mo ng tulong, sabihan mo lang ako."

"Salamat," nakangiti kong tugon.

"Ayon may falling star," turo niya sa kalangitan. "Mag-wish ka," dugtong pa niya.

"Ikaw na lang... Pagod na kasi akong humiling ng paulit-ulit. Actually, I've made a lot of wishes. Tuwing birthday ko, christmas day, at kahit nga tuwing 11:11, pero wala eh," kibit-balikat na sagot ko.

Wala rin namang patutunguhan kung hihiling pa ako.

"Malay mo sa pagkakataong ito ay matupad na ang hiling mo," pangugumbinsi niya.

"Huwag na baka umasa na naman ako sa wala," tanging naisagot ko na lang.

Hindi na rin siya nagsalita pa. Sobrang tahimik din ng paligid. Marahil ay tulog na ang mga tao. Hating-gabi na ngunit nasa labas pa rin kami at dinadama ang tahimik na kapaligiran at napakagandang tanawin sa ibabaw ng kalangitan.

"Halika na't ihahatid kita sa inyo. Masyado ng malamig ang paligid," sabi niya habang niyayakap ang kaniyang sarili.

Pareho kaming walang dalang jacket kaya maginaw talaga. Agad naman akong tumayo at nagsimulang maglakad. Nakarating kami sa tapat ng gate ng bahay namin ng walang imikan. Nilingon ko siya at nilapitan.

"Thank you for being here," nakangiting sabi ko at saka siya niyakap.

Napakagaan sa pakiramdam na meron kang mapagsasabihan ng mga problema mo. 'Yong taong mapagkakatiwalaan mo at hinding-hindi ka iiwan kahit ano man ang mangyari. Naramdaman ko na lamang na niyakap niya rin ako pabalik.

"Sabihin mo lang sa'kin kung kailangan mo ng tulong. Nandito lang ako palagi para sa'yo."

Matapos niyang sabihin ang mga salitang 'yon ay hinalikan niya ang aking noo. Hindi ko alam kung bakit napakalakas ng tibok ng aking puso. Hindi pwede 'to. Napakarami ko ng mga problema at ayoko nang dagdagan pa ang mga 'yon. Umatras ako at binigyan siya ng isang ngiti. Kailangan ko nang pumasok ng bahay.

"Mauna na ako sa loob. Umuwi ka na rin. Salamat talaga," sinserong tugon ko.

Tumango naman siya at nagsimula nang maglakad paalis. Matapos kong maisara ang gate ay agad akong pumasok ng bahay. Madilim na ang sala at ang tanging kusina na lamang ang maliwanag. Nagtungo ako roon para sana uminom ng tubig nang madatnan ko si Nanay Fe na pabalik-balik na naglalakad.

"Nay," mahinang tawag ko sa kaniya.

"Dios ko! Ikaw talagang bata ka! Saan ka ba galing? Pinuntahan kita sa kwarto mo pero wala ka naman do'n. Ayos ka lang ba? Saan ang masakit?" Sunod-sunod niyang tanong sa'kin.

Bakas ang pag-aalala sa kaniyang mukha kaya hinawakan ko ang kaniyang mga balikat para pakalmahin siya.

"Ayos lang po talaga ako, Nay. Magpapahinga na lang muna siguro ako."

Hindi na ako nag-atubiling uminom pa ng tubig at tiniis na lang ang pagkauhaw. Agad kong tinahak ang daan papunta sa aking silid. Ayokong magpaliwanag ngayon. Pagod ako at sana'y maintindihan ni Nanay 'yon. Ayoko siyang mag-alala pero sa ngayon ay kailangan ko muna ng pahinga. 

Vengeance Is MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon