Chapter 7

136 11 0
                                    

Tulad ng nakasanayan namin tuwing naglalakwatsa ay doon kami dumaan sa likod ng school. Medyo masukal kasi ang parteng 'yon kaya hindi kami makikita kapag inakyat namin ang pader. Nang matiwasay kaming nakalabas ay pinagpagan ko ang suot kong uniform.

"Dala mo ba 'yong sasakyan mo?" Kinakabahang tanong ko sa kaniya.

"Oo. Maghintay ka na lang dito at baka makita ka pa nila kapag sumama ka sa parking lot."

Tama siya. Mas mabuting dito na lang muna ako.

"Bilisan mo ha?! Baka kasi maabutan nila ako rito."

Tumakbo siya paalis at nanatili ako sa aking kinatatayuan. Mayamaya pa ay huminto ang kotse ni Jansen sa aking harapan. Agad akong sumakay at mabilis naman niya itong pinaandar paalis.

Para akong nabunutan ng tinik ng medyo malayo na kami sa school. Hindi naman masyadong mabilis ang takbo ng sasakyan kaya maganda tingnan ang mga tanawin sa labas. Teka, anong oras na ba?

Kinapa ko sa bulsa ng skirt ko ang aking cellphone, at nang makuha ko ito ay sinubukan ko itong i-on ngunit hindi gumagana. Shit! Nakalimutan ko pala 'tong i-charge kagabi.

"Jansen, may power bank ka ba riyan? Pwedeng pahiram? Empty battery na kasi ang phone ko," sabi ko sa kaniya.

"Kunin mo sa bag ko."

Hinalungkat ko ang kaniyang bag at nang makita ko ang power bank ay agad kong chinarge ang aking cellphone.

"Tingnan mo nga kung anong oras na," utos ko sa kaniya.

"9:54 a.m. na" sarkastiko niyang tugon. "Saan ba tayo pupunta?" Dugtong niya pa.

"Hindi ko alam. Doon na lang siguro tayo sa palagi nating pinupuntahan... Pero bago 'yon, dumaan muna tayo sa convenience store."

Hindi na siya sumagot pa at nagfocus na lang sa pagmamaneho. Agad naman akong bumaba ng sasakyan nang ihinto niya ito sa parking lot malapit sa store.

Walang mga customers pagpasok namin, kaya tahimik at maluwag ang loob. Tanging ingay lamang ng air conditioner ang maririnig. Pumunta ako sa hanay ng mga chips at agad akong kumuha ng tatlo rito. Si Jansen naman ay pumunta sa hanay ng mga biskwit. Nasa harap na ako ng mga softdrinks at beer nang lumapit siya sa'kin.

"Bakit hindi ka pa kumukuha ng softdrinks?" Naguguluhang tanong niya sa'kin.

"Ayokong uminom ng softdrinks ngayon. Gusto kong sumubok ng bago," sagot ko at saka kinuha ang apat na lata ng beer.

Kumuha rin ako ng softdrinks at mga bottled water para 'yon ang maging inumin niya. Ayokong madisgrasya kami kaya mas mabuting ako lang ang iinom. Nilagay ko ang mga ito sa basket at tinungo ang counter.

"Nababaliw ka na ba? Alam mo namang allergic ka sa alcoholic drinks diba?"

Nakikita kong galit si Jansen. Alam ko namang bawal 'to sa'kin, pero kahit ngayon lang. Kahit pansamantala ko man lang makalimutan ang lahat ng pinagdadaanan ko.

"May gamot naman ako rito," sagot ko.

Matapos naming bayaran lahat ng pinamili namin ay lumabas na kami. Tinahak namin ang parking lot at padabog na binuksan ni Jansen ang pinto ng kaniyang sasakyan.

"Huwag kang mag-alala, magkakarashes lang naman ako. At saka isa pa, kasama naman kita diba?"

Hindi niya ako pinansin. Nakakunot lang ang kaniyang noo habang nakatitig sa daan. Sa aming dalawa kasi ay mas ako ang nasusunod. Naging tahimik sa loob ng kotse. Tingin ako ng tingin sa kaniya, ngunit hindi niya man lang ako tinitingnan.

"Uy Vergara!" Pangungulit ko sa kaniya. "Galit ka ba? Sana pala hindi na lang ako tumakas kung gan'to ka lang din naman sa'kin," pagpaparinig ko.

Narinig ko siyang bumuntong-hininga. Isang senyales na sumusuko na siya.

"Alam ko namang hindi mo ako matitiis eh," nakangiting sabi ko.

"Oo na kaya tumahimik ka na riyan."

"Pero bored na ako. Pahiram nga ako ng phone mo."

"Ano naman ang gagawin mo sa cellphone ko? May binabalak ka na namang masama 'no?" Bakas sa boses niya ang pagdududa.

"Grabe ka naman! Masama agad? Sige na pahiram na ako."

"Ayoko. Naalala mo pa ba 'yong ginawa mo sa cellphone ko noong Grade 11 tayo?"

Ginawa? Wala naman akong matandaan. Meron ba?

"Wala akong maalala," umiiling na sagot ko.

Pilit kong inalala kung may nangyari ba talaga hanggang sa matandaan kong meron nga pala.

Busy ako sa pagsusulat nang makita kong dumaan si Ellen sa labas ng classroom namin. Siya ang mother majorette ng band and lyre corps ng school na 'to. Sikat siya at marami na ang nakakaalam na gusto niya si Jansen Vergara.

"Jansen, bakit wala ka pang girlfriend?" Tanong ko sa kaniya.

Nasa tabi ko siya at tulad ko ay busy din siya sa pagsusulat ng notes. Malapit na kasi ang exam kaya kailangan talagang mag-aral.

"Wala lang. Bakit?" Tanong niya pabalik.

Nakatingin pa rin siya sa notebook niya at patuloy na nagsusulat.

"Nagtataka lang kasi ako. Gwapo ka naman tapos sikat ka pa rito sa school. Bakit hindi mo kaya ligawan si Ellen?"

"Sinong Ellen?"

"Hindi mo kilala si Ellen?" Gulat na tanong ko. "Siya 'yong mother majorette sa band and lyre corps ng school. Tulad mo ay sikat din siya."

Tumango lamang siya at ipinagpatuloy ang pagsusulat.

"Wala kang sasabihin?!" Inis na tanong ko. Hindi niya ba talaga kilala si Ellen?

"Hindi kasi ako interesado sa kaniya."

Pambihira naman ang lalaking 'to. Kapag naging sila ni Ellen, tiyak na mas sisikat pa sila. Marami rin kasi ang nagsasabi na bagay silang dalawa.

"Pahiram ako ng phone mo. May kailangan kasi akong i-search sa Google," sabi ko.

"Nasa'n ba 'yong sa'yo?"

Sa pagkakataong ito ay tiningnan niya na ako.

"Naiwan ko kasi sa bahay," pagsisinungaling ko.

Actually, nasa loob ng bag ko. Buti na lang at hindi ko pa ito nailalabas simula kanina.

Binigay din naman niya sa'kin ang kaniyang cellphone. Binuksan ko ang gallery at halos mga pictures lang naming dalawa ang laman. Meron naman siyang mga solo pictures kaya lang konti lang ang mga 'yon. Try ko kayang i-open ang Facebook account niya?

Ini-on ko ang kaniyang data connection at pinindot ang Facebook app. Saktong hindi niya na log out ang kaniyang account kaya malaya ko itong nabuksan. Sorry in advance, kaibigan.

Nagpost ako ng 'Wanna date with me?' gamit ang kaniyang account. Tiyak akong marami ang magbibigay ng comments dito. Isinauli ko sa kaniya ang cellphone at sinimulang ligpitin ang mga gamit ko sa desk. Kailangan ko nang umuwi.

Hindi ko na nagawang magpaalam pa sa kaniya. Dali-dali akong tumakbo papalabas. Habang nasa hallway ako ay nakita kong nagmamadali ang mga babaeng estudyante. Papunta sila sa direksiyon ng classroom. Sorry talaga, Jansen. Gusto ko lang na magkaroon ka na ng girlfriend.

Tawa ako ng tawa sa loob ng kotse, samantalang siya ay naiinis na.

"Ano ba kasing ginawa mo sa kanila no'n?" Nagtatakang tanong ko.

Hindi niya kasi sinabi sa'kin. Basta ang alam ko lang ay nagalit siya no'ng kinabukasan.

"Pinaalis ko. Sinabi kong na hack ang account ko."

"Sayang, chance mo na sana 'yon. Biruin mo, dinumog ka kaagad ng mga kababaihan," iiling-iling na sambit ko.

"Iba kasi 'yong babaeng gusto ko," mahinang sabi niya.

Kung ako siguro ang nagmamaneho ngayon, siguradong naaksidente na kami. Nakakagulat naman. May nagugustuhan pala siya. Minsan ko pa namang naisip na bakla siya.

Teka, bakit parang masakit?

Vengeance Is MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon