Chapter 11

107 6 0
                                    

Lumipas ang mga araw na hindi ko masyadong nakikita ang aking mga magulang. Palagi silang wala sa bahay at minsan ay hating-gabi o madaling araw na lang umuuwi. Sa tingin ko ay may problema sa kanilang negosyo.

Kasalukuyan kong kasama ang aking mga kaklase at naglalakad kami patungo sa gym ng school. Mag-eensayo kami para sa paparating na JS Prom. Sa Sabado na kasi ito gaganapin at Miyerkules na ngayon. Lahat kami ay sumali para sa cotillion kaya wala kaming klase buong araw. Required kasi ito sa amin dahil magtatapos na kami sa senior high.

"Sino kaya 'yong trainer natin? Sana naman ay hindi strikto. Hindi pa naman ako marunong sumayaw," sabi ng kaklase kong si Mira.

Hindi naman problema sa'kin ang pagsasayaw dahil mahilig ako rito. Kaya lang hindi ko alam kung magaling ba ako. Nang makarating kami sa gym ay marami na ang mga estudyanteng naroon. Para kasi sa mga Grade 11 at Grade 12 students ang promenade party na ito.

"Faster guys! Pumunta na kayo sa gitna at magwarm-up. Ilang minuto na lang at darating na 'yong magtuturo sa inyo," malakas na sigaw ng P.E teacher namin na si Miss Adele. Siya 'yong facilitator para sa upcoming JS Prom.

Kaagad naman kaming pumunta sa gitna at pinangunahan ng Class President namin ang pagwawarm-up. Makalipas ang ilang sandali ay may dumating na isang lalaki. Narinig ko namang nagsitilian 'yong mga kaklase kong babae.

"Class siya 'yong magiging trainor niyo. Sana naman ay respetuhin niyo rin siya. Sige Mr. Balbuena, ikaw na muna ang bahala sa kanila," sabi ni Miss Adele bago siya umalis. May klase pa siguro siya sa mga lower years.

"Good morning! By the way, I'm Grayson Balbuena, and I'm going to be your trainer. Sana ay makipagcooperate kayo sa'kin para matapos agad natin 'yong sayaw. Naiintindihan n'yo ba ako?"

"Yes Sir!" Sabay-sabay naming sabi.

"Drop the 'Sir'. Just call me Kuya Grayson."

Tumango na lamang kami sa kaniya at nakinig sa mga rules at instructions niya pagdating sa practice.

"OMG! Ang gwapo talaga ni Grayson," bulong ng kaklase ko.

"Kilala mo siya?" Mahinang tanong ko sa kaniya.

"Oo naman. Sikat 'yan sa College of Business and Management ng university na 'to," kinikilig na sagot niya. "Bakit? Hindi mo ba siya kilala?"

Tanging iling na lang ang naisagot ko.

"Matalik na kaibigan 'yan ng kuya mo," mahinang sabi niya.

Nakaharap siya sa trainor namin at nagpapanggap na nakikinig.

"Hindi ko pa kasi siya nakikita."

Hindi na kami nakapag-usap pa nang simulan na ni Kuya Grayson ang pagtuturo. Hindi naman mahirap 'yong mga steps kaya tiyak akong madali namin itong matatapos.

"Kuya Grayson, puwede po bang snack break muna tayo? Gutom at nauuhaw na po kasi ako," pagrereklamo ng isang Grade 11 student.

Nakakadalawang oras na kasi kami sa pag-eensayo kaya medyo pagod na rin.

"Sige. Make sure that you'll be back after 20 minutes."

Napuno ng hiyawan ang gym at ang karamihan ay nagtutumakbo palabas.

"Oh! Ano pa ang hinihintay mo? Hindi ka ba nagugutom?" Tanong ni Jansen.

"Nagugutom naman, pero tinatamad akong maglakad," nakangusong sagot ko.

Mayamaya pa ay nakaisip ako ng magandang ideya. Tiningnan ko siya at ngumiti ako sa kaniya.

"Ano na naman ba 'yang iniiisip mo?"

"Piggy back ride, please?"

"Ayoko nga. Ang bigat mo kaya," naiinis na sagot niya.

Binatukan ko na lang siya at inirapan.

"Oo na! Halika na at pumunta na tayo sa cafeteria. Hiyang-hiya naman ako sa'yo."

Tinalikuran ko siya at mabilis akong naglakad paalis.

Nakarating ako sa cafeteria at huli na nang maalala kong wala pala akong dalang pera. Nasa room kasi 'yong bag ko at nandoon 'yong wallet ko. Paalis na sana ako nang makasalubong ko si Jansen.

"Saan ka pupunta?" Nagtatakang tanong niya.

"Sa classroom. Naiwan ko kasi 'yong wallet ko."

"Huwag ka nang umalis, baka kasi wala na tayong maupuan."

Hinila niya ang kamay ko at dinala ako sa bakanteng mesa.

"Maghintay ka na lang diyan."

Hindi na ako nakapagsalita pa dahil bigla siyang umalis para umorder ng mga pagkain. Unti-unting dumami 'yong mga estudyante kaya napagpasyahan kong puntahan si Jansen.

"Sa labas na lang ako maghihintay. Sobrang ingay kasi rito sa loob," bulong ko sa tainga niya.

"Sige."

Lumabas ako ng cafeteria at tiningnan na lamang ang mga estudyanteng pumapasok dito. Ayoko sa mga maiingay na lugar kasi hindi ako nakakapag-isip ng maayos, kaya mas mabuting dito na lang ako sa labas. Maingay din naman, pero hindi kasing ingay doon sa loob.

"Kunin mo," sabi niya sabay abot ng isang styrofoam box at isang can ng softdrinks.

"Salamat," nakangiting sabi ko matapos kong tanggapin ang mga ito.

Laking tuwa ko nang makitang choco moist cake pala ang laman ng styrofoam box.

"Mabuti na lang at may natira pang cake," nakangiti ring sabi niya.

Sa tuwing pumupunta kasi kami ng Cafeteria ay ubos na ang paninda nilang ito.

"Oo nga. Thank you talaga kasi favorite dessert ko 'yong binili mo."

"Umalis na nga tayo baka umiyak ka pa riyan," pang-aasar niya.

Hindi ko na lang siya pinansin dahil natutuwa talaga ako sa binili niya.

"Doon na lang tayo kumain sa gym para aware tayo kung magsisimula na ang practice."

Sumang-ayon naman siya sa'kin at naglakad ulit kami papuntang gym.

Pagpasok namin ay agad naming nakita si Miss Adele at Kuya Grayson na nag-uusap.

"Good morning, Miss Adele," sabay naming bati sa kaniya.

Nginitian niya lang kami at nagpatuloy siya sa pakikipag-usap kay Kuya Grayson. Tiningnan ko 'yong trainor namin at napakunot ang noo ko kasi sa akin siya nakatingin. Kinakausap siya ni Miss Adele, pero parang hindi siya nakikinig. Kaagad kong iniwas ang aking tingin at nagpatuloy kami sa paglalakad.

"Kilala mo ba si Kuya Grayson?" Tanong ko kay Jansen nang nakaupo na kami.

"Oo, crush mo ba siya?" Nakangiwing tanong niya.

Tiningnan ko naman siya ng masama dahil do'n.

"Crush agad?!"

"Bakit mo ba kasi naitanong?"

"Wala lang. Mukhang ako lang yata ang hindi nakakakilala sa kaniya," sagot ko.

"3 minutes left!" Sigaw ng trainer namin.

Hindi na kami nag-usap at ipinagpatuloy na lang ang pagkain. Mayamaya pa ay pinabalik na kami sa gitna para mag-ensayo. Habang sumasayaw kami ay nakakarinig ako ng iba't-ibang reklamo galing sa aking mga kaklase. Nahihirapan daw sila sa mga steppings. Bumuo kasi kami ng napakalaking bilog. Kaming mga babae ay iikot at mapupunta sa ibang lalaki tapos ipagpapatuloy ang sayaw.

Patuloy lang kami sa pag-eensayo ni Jansen ng bigla akong tinawag ng aming trainer.

"Ysabelle Montaño, come over here."

Vengeance Is MineWhere stories live. Discover now