Chapter 26

97 10 0
                                    

"Ang misyon lang natin ay patayin si Oliver Vicente at ang kaniyang mga kasamahan sa transaksiyon ng droga at mga baril. Siguraduhin n'yong walang masasaktan na inosente. Naiintindihan niyo ba?"

Sabay-sabay naman kaming tumango sa leader namin. Siya ang humahawak sa misyong ito kaya kailangan naming sumunod sa kaniya. Sa isang masquerade party daw magaganap ang transaksiyon kaya lahat kami ay may suot-suot na maskara.

Anim kami sa misyong ito. Ang dalawa ay nagbihis bilang mga waiter. At kaming apat naman ay nakasuot ng formal attire. Nag-iisang babae lamang ako, ngunit komportable naman ako sa kanila.

"Morrigan, naiintindihan mo ba?"

Kaagad akong napatingin sa leader namin nang tanungin niya ako. Sa ngayon ay hindi ako si Severine. Kailangan ko kasing protektahan ang aking pagkatao. Morrigan ang magiging pangalan ko sa tuwing nasa misyon ako. Morrigan na ang ibig sabihin ay diyosa ng kamatayan at digmaan.

Tumango na lamang ako sa kaniya at napatingin sa katabi kong si Black. Siya si Dixel, at tulad ko ay kailangan niyang itago ang kaniyang pagkatao.

"Let's go!"

Kaagad kaming sumakay sa puting van at nagtungo sa hotel na magiging venue ng party. Mabilis kaming naghiwalay ng landas nang makarating kami sa parking lot. Si Black ay naunang pumasok sa loob dahil siya ang maghahack ng mga CCTV cameras. Samantalang ako naman ay dumiretso sa entrance at agad na hinarang ng bouncer.

"Here's my invitation card," sabi ko habang pinapakita sa kaniya ang card.

Pinapasok niya naman ako at mabilis kong tinungo ang lamesang para sa'kin. Nagmamasid ako sa paligid nang matuon ang aking atensiyon sa pamilyang kararating lang. Great! Just great! Sa lahat ng lugar ay dito pa talaga kami magtatagpo. Kahit na nakasuot sila ng maskara ay kilalang-kilala ko pa rin sila. Kailanma'y hindi ko makakalimutan ang pagmumukha ng mga taong sumira sa buhay ko.

Lumapit ako sa puwesto nila at nakinig sa kanilang pinag-uusapan. May kausap silang babae at lalaki. Sa tingin ko ay mag-asawa ang mga ito.

"Condolences sa pamilya ninyo. Hindi ko talaga lubos maisip na namatay si Ysabelle," malungkot na sabi ng ginang.

Tumaas ang aking kilay ng dahil sa sinabi niya. Ako? Namatay? Talaga lang ha?! Kung alam lang nila na nandito ako sa kanilang likuran ay baka magulat sila?!

"Morrigan, nandito ang pamilya mo kaya magfokus ka muna sa misyon," sabi ni Black. Nakasuot kasi ako ng hikaw na nagsisilbing earpiece ko.

Tumango na lamang ako. Alam ko kasing nanonood siya sa CCTV camera. Kaagad akong umalis sa puwesto ko at naglibot sa buong hall. Napag-aralan na namin ang pasikot-sikot dito kaya alam na namin kung saan kami pupunta.

"In 5 minutes, we'll start the mission," sabi ng leader namin.

Hindi na ako nagsalita pa at nagmasid na lamang sa paligid. Ito ang unang misyon na sinalihan ko kaya kailangan kong magtagumpay. Kailangan naming magtagumpay.

Nakita ko ang target at nasa gitna siya ng social hall. Pinapalibutan siya ng mga guwardiya at mga kilalang tao. Naglakad ako papalapit sa kaniya hanggang sa biglang namatay ang mga ilaw.

Nagkagulo ang mga tao. Ang karamihan ay sumisigaw ngunit ang iba naman ay kalmado lamang. Wala silang kaalam-alam na may mangyayaring patayan dito.

Binuksan ko ang slit ng suot kong gown at kinuha ang baril na nakalagay sa belt na nasa hita ko. Sinenyasan ko ang leader namin at kaagad naman siyang tumango. Nakakakita kaming anim sa dilim dahil sa suot naming contact lense.

Tulad ng inaasahan namin ay umalis ang target kasama ang kaniyang mga guwardiya. Siguro ay inaasahan na nila na mangyayari ito. Mabilis ko silang sinundan hanggang sa pumasok sila sa loob ng elevator.

"Morrigan, ako na ang bahala rito," sabi ng leader namin.

Tumango naman ako at mabilis na bumalik sa loob ng hall. Habang tinatahak ko ang daan ay pinagbababaril ko ang mga guwardiya ng target. Hindi ko ramdam ang takot ngayon. Alam ko na kasi kung papaano lumaban. Hindi man kasing galing ng iba, ngunit alam kong mapoprotektahan ko na ang aking sarili.

"Tumatakas ang dalawang lalaki na kasama sa transaksiyon. Papunta sila sa exit," sabi ni Black.

"Copy," mabilis kong sagot bago tumakbo.

Malapit na sana ako sa exit ngunit hinarang ako ng dalawang lalaki. Nakikita nila ako dahil may emergency light sa bahagi ng hotel na ito.

"Saan ka pupunta at bakit may hawak kang---"

Hindi ko na sila pinatapos sa pagsasalita. Kaagad ko silang binaril at mabilis na pumunta sa may exit. Nakita kong sasakay na sana ang dalawang lalaki sa kanilang sariling mga sasakyan ngunit malas sila ngayon. Kailangan nilang mamatay. Walang awa ko silang binaril hanggang sa naubos ang aking mga bala.

"Puntahan n'yo si Hunter. Kailangan niya ang tulong n'yo!"

Halos mabingi ako sa sigaw ni Black sa earpiece. Teka, anong nangyayari sa leader namin?

Pumasok ulit ako sa loob at mabilis na tinahak ang palapag na kinaroroonan ng aming leader na si Hunter. Ngunit sa aking pagdating ay nakita kong bihag siya ng target. Duguan ang kaniyang mukha at wala na siyang suot na maskara.

Ramdam kong may mga taong paparating kaya mabilis kong binunot ang isa ko pang baril sa aking hita at itinutok iyon sa aking likuran. Naibaba ko na lamang ito nang makitang mga kasama ko pala ang dumating. Hindi na namin pinatagal pa ang paghihintay. Kaagad naming binaril ang mga kalaban hanggang sa konti na lang ang natira. Kailangan naming iligtas ang leader namin.

Nang naubusan ako ng bala ay kinuha ang dagger sa belt na nasa aking hita at kaagad itong isinaksak sa malapit na kalaban. Hindi kami puwedeng magtagal dito.

"Tulungan mo si Hunter! Ako na ang bahala sa kanila," sabi ko sa isa kong kasama.

Umalis naman siya at pinuntahan si Hunter habang ako ay nakikipaglaban. Dumudugo na rin ang aking mga kamay at may mga sugat na akong natamo sa ibang parte ng katawan. Aalis na sana ako ngunit may sumipa sa aking likuran. Kaagad naman akong napaluhod sa sahig at napasigaw.

"Walang hiya ka!"

Kinuha ko ang baril na nasa baywang ng kalaban na nakahiga sa sahig at binaril ang lalaking sumipa sa akin. Natamaan siya sa kaniyang binti at gagantihan niya sana ako ngunit binaril ko siya sa kaniyang kaliwang dibdib.

"Umalis na kayo. May mga paparating na kalaban," sabi ni Black.

"Napatay n'yo na ba ang target?" Tanong ko sa mga kasamahan kong papalapit sa akin.

"Nakatakas na siya. Mas kailangan muna nating isipin ang kaligtasan natin ngayon kaya umalis na tayo rito," galit na sabi ni Hunter.

Tinakbo namin ang daan papalabas ng hotel. Napahinto na lamang ako nang makita ko siya. Ang lalaking gumahasa at papatay sana sa'kin. Ang lalaking nagngangalang Jared. Nakatingin lamang siya sa amin kaya binaril ko siya sa kaniyang kanang binti.

Hindi pa 'yon sapat! Magkikita rin kaming muli. Babalik at babalik ako para pagbayarin siya sa mga kasalanang ginawa niya sa'kin!

Vengeance Is MineWhere stories live. Discover now