Chapter 21

111 9 4
                                    

Nakatingin lamang ako sa dagat. Kasalukuyan akong nakasakay sa isang bangka kasama si Jared. Simula ngayon ay hindi ko na siya tatawaging Kuya. Hindi naman siya karapat-dapat para ro'n. Isa pa, hindi nga niya ako nagawang irespeto kaya bakit rerespetuhin ko pa siya?

Nakarating kami sa islang pag-aari nila. Kung sa ibang pagkakataon siguro ako napunta rito ay tiyak na masaya ako. Ngunit alam kong maaaring ito ang huling lugar na mapupuntahan ko. Baka pagsapit ng umaga ay hindi na ako humihinga.

Hindi ko na makakamit pa 'yong mga pangarap ko. Ang dream kong makapagtravel sa iba't-ibang lugar kasama si Jansen ay hindi na mangyayari pa. If I were given a chance to wish for something for the last time, I would really wish for a longer life so I can spend more time with Jansen.

"Nagsasayang ka lang ng oras kung iniisip mo kung paano ka makakatakas. Pribado ang lugar na 'to kaya kahit magsusumigaw ka pa riyan ay walang makaririnig sa'yo," nakangising sabi ni Jared.

"Bakit nakatunganga ka pa riyan kung gano'n? Patayin mo na ako! Ito naman ang gusto n'yo diba?"

"Nagmamadali ka yata?"

Hindi ko siya pinansin at naglakad ako patungo sa isang malaking bato. Umupo ako ro'n at tinanaw ang napakagandang dagat.

Alam kong mali ang sumuko ako para sa buhay ko. Maling tanggapin ang kamatayan ng hindi lumalaban. Gusto kong makatakas, ngunit sa tuwing inililibot ko ang tingin sa lugar na 'to ay parang nawawalan ako ng pag-asa.

I want to experience a successful life, but how can I have it knowing that I might die here?

Pinanood ko ang paghampas ng mga alon sa batuhan. Mayamaya pa ay nakakita ako ng isang puting paru-paro. Dumapo ito sa maliit na bato malapit lamang sa akin, ngunit sa paghampas ng alon ay siyang pagtama ng tubig-dagat sa munting insekto. Natanggal ang isang pakpak nito at unti-unting tinangay ng tubig.

---

Sumapit ang gabi at inaya ako ni Jared na maghapunan. Hindi na ako nag-inarte pa dahil kailangan kong kumain para magkaroon ng sapat na lakas para sa gagawin ko mamaya.

Tanging ingay lamang ng mga kubyertos ang maririnig sa sala. Nang matapos ako ay kaagad akong pumunta sa isang silid sa itaas para mag-isip. Kailangan kong magplano kung paano ako tatakas sa lugar na 'to. Alam kong imposible, pero kung kailangan kong languyin mula rito papunta sa susunod na isla ay gagawin ko. Mas mabuting mamatay ako sa pagkalunod kaysa mamatay sa kamay ni Jared.

Lumabas ako ng silid nang makarinig ng ingay sa sala. May mga taong dumating. Sinilip ko kung sino sila at hindi na ako nagtaka pa nang makita kong nandito ang mga kaibigan ni Kuya. Ang mga taong gumahasa sa'kin.

Mabilis akong umalis at nagtungo sa pintuan na nasa likod ng bahay. Pinihit ko ang doorknob at nagpapasalamat akong hindi ito nakalock. Kaagad akong tumakbo at nagtungo sa mga kakahuyan.

Malamig ang simoy ng hangin. Ramdam na ramdam ko ang malakas na paghampas nito sa aking balat. Maririnig din ang ingay ng mga tuyong sanga at dahon na aking natatapakan. Tanging ang liwanag lamang ng buwan ang nagsisilbing ilaw sa kagubatan.

"Ysabelle! Lumabas ka na riyan! Alam mo namang hindi ka makakatakas dito!"

Kaagad akong nagtago sa likod ng malaking puno nang marinig ko ang sigaw na 'yon. Nagmasid-masid ako sa paligid hanggang sa naisipan kong maglakad muli.

Tahimik akong naglakad sa madilim na parte ng gubat. Sinisiguradong walang makakarinig sa bawat yapak ko. Hanggang sa naramdaman ko na lang na may humawak sa braso ko.

"Pinapahirapan mo lang talaga ang sarili mo," sabi ni Grayson.

Malakas kong kinuha ang aking braso sa kaniyang pagkakahawak at tumakbo. Alam kong delikado dahil madilim ngunit wala na akong pakialam. Hindi pa ako nakakalayo ay nahabol niya na ako at hinawakan ng mahigpit ang aking buhok.

"Bitiwan mo ako! Hayop ka!"

Pilit niya akong hinila hanggang sa nakita kami ng iba niya pang mga kaibigan. Galit na galit si Jared habang ang iba ay nakangisi lamang.

"Hawakan niyo," utos ni Jared sa kanila.

Sinunod naman nila ito at pilit akong pinahiga sa lupa. Sinubukan ko silang sipain ngunit hinawakan nila ng napakahigpit ang aking mga paa. Nagsimulang maghubad si Jared at noong malapit na siya sa'kin ay sinipa ko siya. Hindi ko alam kung bakit nagawa ko 'yon. Siguro dahil lumuwag ang pagkakahawak nila dahil lasing sila. Naaamoy ko kasi ang alak at sigarilyo sa kanila.

Nagpumiglas ako sa pagkakahawak nila at agad na tumakbo. Nakarinig ako ng mga pagsigaw at putok ng baril. Kaagad akong napatakip sa aking mga tainga.

Nagsimula na rin akong umiyak. Kasabay nang pagtulo ng aking mga luha ay ang pagbuhos ng malakas na ulan. Hindi ko na masyadong nakikita ang aking dinadaanan dahil sa mga likidong patuloy na humaharang sa aking mga mata.

"Ysabelle!"

Palinga-linga ako sa paligid. Pilit na inaaninag ang aking dinadaanan. Madulas na ang lupa kaya kailangan kong mag-ingat. Naririnig kong malapit na sila sa kinaroroonan ko kaya nagmadali ako. Ngunit sa aking paghakbang ay wala na akong natapakan pa.

Parang biglang bumagal ang paligid. Hindi ako sumigaw dahil natatakot akong matutunton nila ako. Ramdam ko ang malakas na pagbagsak ko sa batuhan. Masakit din ang aking likod dahil sa mga matutulis na bato na nakatusok dito. Hindi ko maigalaw ang aking mga kamay at paa. Nakatulala lamang ako hanggang sa unti-unting nilamon ng dilim ang buong paligid.

---

"Hinding-hindi ka makakatakas sa'min! Tandaan mo Ysabelle, babalik at babalik kami!"

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa panaginip ko. Nahihirapan akong huminga at pakiramdam ko'y nakipaghabulan ako. Sinubukan kong alalahanin ang nangyari hanggang sa mapansin kong nasa ibang lugar ako. 

Vengeance Is MineWhere stories live. Discover now